Heart vs. Mind

1.2K 34 0
                                    

"I- I was planning to wake you up kaya lang ito ang nangyari."

Kunway balewalang sagot niya. hindi naman ito nagtanong pa,

bumaba ito sa kama at nagbihis ng puting tshirt,

bumaba na rin siya sa kama habang nakamata pa rin sa binata.

"So what brought you here?" he asked afterward,

nakaharap na ito sa kanya habang inaayos ang magulong buhok.

"Do your house chores." She said,

ganon na lang ang pag awang ng bibig nito,

hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Pardon me?"

"I said I'll do your house chores, wash your clothes, cook for your breakfast and lunch and clean your stuffs here." she answered,

nagtaka siya ng bigla na lamang itong lumapit sa kanya at salatin ang noo niya.

"Wala ka namang sakit ah? anong mayron at gagawin mo ang bagay na yun?"

takang tanong nito, ngumiti siya ng malapad.

"May sakit si nanay Dina. So ako muna ang papalit sa kanya." aniya,

nagdududang umiling ito.

"Are you up to something? May kailangan ka ba sa'kin?"

Tigas na umiling siya,

"Of course not!"

tanggi niya subalit naroon pa rin ang malapad na ngiti kaya kadududa pa rin ang mga tingin nito sa kanya.

Tumayo siya at dinampot ang mga maruruming damit ng binata at isa isang inilagay sa basket.

Natigil ang ginagawa niya ng hawakan ni Sky ang kamay niya,

iba na naman ang naging dulot niyon sa kanyang damdamin.

"Hayaan mo na yan." anito na hinila siya palabas ng silid nito

"Pero kailangan kong labhan ito."

"No need, marami naman akong damit."

Tumigil siya "Liligpitin ko na lang ang kama mo." turo niya sa magulong kama nito,

umiling ito

"Kaya kong ligpitin yan, ayokong gawin mo ang mga bagay na ito." anito,

tuluyan na silang lumabas ng silid nito, napalabi siya

"And why not? Sa tingin mo ba hindi ko kayang maglinis at maglaba?"

"I didn't say that, ayokong isipin nina auntie na inaalila kita, I should take care of you not taking care of me." He said,

parang tumaba ang puso niya sa sinabi nito.

Sandali siyang iniwanan ni Sky sa sala para magbihis,

sinabi nitong paalis din ito ng araw na iyon,

habang hinihintay ang binata ay nilapitan niya ang divider na pinagpapatungan ng mga picture frame, mayroon din siyang litrato doon noong teenagers sila.

Nakangiting dinampot niya ang litrato nila ni Sky habang nakasuot siya ng magandang ballgown,

naalala pa niya na kahit hindi siya ang napiling prom queen ay siya pa rin ang tila nagwagi noon dahil siya ang palaging kasama ng prom king na si Sky.

Isa lang sa mga alaalang iyon noon na masarap na balik balikan.

Napakislot siya ng bigla na lamang tumunog ang telepono,

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz