Confused Heart

1.3K 33 0
                                    

Nang araw na iyon ay abala si Lowlah sa pag aayos ng laboratory room niya, kasama niya sina nanay Dina at Sky, inilalabas nila ang mga nasirang gamit.

"Napakalaki ng mga nasira, ilalabas ko na itong mga computers na ito Lowlah." Ani nanay Dina

Tumango siya.

"Lahat ba ng computers ay nasira?" tanong niya habang ikinakahon ang mga beaks at testing tube.

"Mayroon pang isang naiwan, nariyan sa sulok nakapwesto." Sagot naman nito

"Ilalabas ko na itong iba at maghahanda na rin ako ng merienda."

"Sige po nanay"

Nang tumahimik ang silid ay napasulyap siya kay Sky, nakita naman niya na inirorolyo nito ang mahabang extension palapit sa computer na nasa sulok, napansin niyang tumigil ito sa ginagawa at binuksan ang monitor, napangiti siya.

Chine-check siguro nito kung gumagana pa ang computer na iyon.

How smart he is for a robot like him.

Muli niyang itinuon ang atensyon sa ginagawa subalit kung bakit bigla siyang kinabahan ng maisip niya ang isang bagay.

That computer has full of her secrets.

Naroon ang lahat ng mga nirecord niyang videos ni Sky, muli siyang bumaling sa robot at ganon na lamang ang panggigilalas niya ng eksektong lumabas sa monitor ang bagong gising na si Sky habang naghuhubad ng damit, mabilis pa sa humaharurot na sasakyan na tinakbo niya ang monitor upang patayin iyon subalit masyado ring mabilis ang video na iyon ng kasunod na ipakita sa monitor ang paghuhubad ng panjama ni Sky.

Shocks..Nakakahiya......

Hindi na naman niya napigilang mapatili, kaagad na pinatay niya ang monitor at hiyang hiyang sumulyap sa robot, ewan ba niya kung bakit nakakaramdam pa rin siya ng hiya sa kabila ng pagiging robot nito. pulang pula ang buong mukha niya ng tingnan niya ito.

The robot seems in shock too!

Halata ang pagkagulat nito habang nakatingin pa rin sa monitor pagkuwan ay tumingin sa kanya.

Kaagad na dinipensahan niya ang sarili niya.

"Hey, that was not my intension. Peeking Sky was not my plan, nagkataon lang iyon." depensa niya sa sarili niya.

Hindi pa rin ito nagsalita, hindi niya alam kung bakit na-intimidate siya sa paraan ng mga tingin nito samantalang isa lang naman itong robot.

"Lalabas muna ako, bigla akong nagutom." Aniya na mabilis na lumabas ng silid na iyon.

--------------

"Junpei! Haruka!"

masayang salubong ni Lowlah sa dalawang bata at babae na pumasok sa gate kabababa lang niya ng bahay ng tumunog ang doorbell kaya doon siya dumiretso sa gate, nagtatakbo namang papalapit sa kanya ang mga cute niyang inaanak kasunod nito ang kaibigan niyang si Philomena, her girl bestfriend noong highschool.

"Nee-san!" the kids called her.

Mainit na niyakap siya ng dalawang bata.

"How's my little angels?" she asked them

"We're fine. We miss you!" saad ni Junpei, ang limang taong gulang na batang lalaki na hinalikan niya sa pisngi.

"Me too! Me too! I miss you!" Haruka said, a three years old girl

Kinarga niya ito at hinalikan sa pisngi.

"Ang bigat mo na." nakatawang biro niya

"Paano ang lakas uminom ng gatas." Nakangiting sabad ng kaibigan niya

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceWhere stories live. Discover now