Ang Martir na Pag ibig

1.1K 32 0
                                    

"Do you need help?"

Narinig niyang sabi ng isang babae sa likuran niya, nang sulyapan naman niya ito ay nakita niya ang magandang babae na nakasuot ng white tshirt, pink leggings at rubber shoes, isa siguro sa mga tao sa village nila na napadaan lang doon sa park upang mag jogging.

"Yes." nahihiyang sabi niya

"Anong nangyari sa kanya?" tanong uli nito

"Stress fatigue, masyado siyang napagod kaya nahimatay siya. kailangan ko siyang iuwi sa bahay kaya lang hindi ko dala ang sasakyan ko, malapit lang naman ang bahay ko mula dito." aniya

"Sure, dala ko ang sasakyan ko." nakangiting sabi nito.

Mukha namang mabait ang babae kaya nakagaanan na kaagad niya ito ng loob.

Magkatulong nilang inakay si Sky sa sasakyan nito at hindi nagtagal ay inihatid na sila nito.

"Salamat Ninia sa paghatid." Nakangiting sabi niya ng maihatid nila hanggang sa loob ng bahay si Sky

"It's okay." Anito

Maya maya ay nagpaalam na rin ang babae.

Kinagabihan sa laboratory room.....

Tahimik si Lowlah habang inaayos ang robot, nang buksan niya ang microchips ay nagtaka siya, napansin kasi niya na may nadagdag sa program nito.

Bigla siyang napaisip ng malalim.

Paanong nangyari na may nabago sa program ng robot samantalang hindi naman niya ginalaw iyon simula pa noong una.

Nagkibit balikat na lang siya, baka naman epekto lang iyon ng kanyang kalituhan, baka akala niya ay hindi siya ang nagstore sa program nito.

Hindi na niya iyon binura pa, hinayaan na lamang niya ang bagong program na nakita niya.

Minsan ay nawawala rin siya sa sarili niya.

Lumabas siya sa laboratory room na maayos na ang robot, bukas na lang niya iyon bubuhayin tutal kailangan din ng mahaba habang pahinga ng makina nito.

Bumaba siya ng bahay at nagtungo sa komedor, nakita naman niya roon si nanay Dina habang pinapakain ang mga pusa.

"Mabuti at bumaba ka na, kumain na ang mga bata kanina pa at napatulog ko na rin, hindi na kita inistorbo pa." anito

"Gutom na nga rin ako nanay" aniya

Sinulyapan niya ang mga pusa ng mapansin niya na wala roon si magic.

"Teka nanay, nasaan si magic?" tanong niya na lumapit pa sa dalawang pusa.

"Kinuha na ni Sky kaninang umaga." Anito

Kung bakit may bumangon na excitement sa kanya ay hindi niya alam

"Dumating na si Sky? Pumunta siya rito? Hinanap ba niya ako nanay? Bakit hindi man lang niya ako hinintay?" sunod sunod na tanong niya.

Nakita naman niya na sinulyapan siya ng matanda ng kakaibang tingin.

"Nagmamadali siya, kasama rin niya ang mga kaibigan niya kanina kaya hindi rin siya nagtagal." Anito. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot ng isiping hindi man lang ito nasabik na makita siya, ni hindi man lang siya hinintay kahit saglit o kaya naman ay hindi man lang tumawag sa kanya na dumating na pala ito ng bansa.

Samantala sa Happiness Bar....

"Akala ko ba wala ka ng balak na isauli ang robot kay Lowlah?" takang tanong ni Kaizer, katatapos lang ng band rehearsal nila.

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon