The Copy-cat

1.2K 39 0
                                    

The next morning

nagising si Lowlah na maganda ang pakiramdam, tumayo siya at binuksan ang bintana, Tumigil na ang ulan, wala man pagpatak ng ulan siyang nakikita mababanaag pa rin sa paligid ang bakas ng nagdaang pag ulan, um-araw na rin kaya kahit tirik ang araw ay malamig ang ihip ng hangin na dumadampi sa kanyang balat.

"Hello world! Good morning!"

masayang wika niya habang nakatunghay sa magandang hardin ng bahay nila.

Saglit niyang pinagmasdan ang paligid bago muling kumilos, naligo muna siya bago lumabas ng silid niya, balak niyang bumaba muna upang kumain ng breakfast subalit natigilan siya at nawala ang ngiti sa mga labi niya ng makita niya ang bukas nang pinto ng laboratory room.

Bigla siyang kinabahan, mabilis niyang tinungo ang lab room atsaka pumasok

She was terrified when she saw her lab room was totally wrecked.Tila dinaanan ng whirlwind ang silid na iyon kaya hindi na mapapakinabangan ang ibang gamit roon subalit ang mas matinding nagpapabagabag sa kanyang damdaming ay......

Where is my Robot?

Mangiyak ngiyak na hinanap niya ang robot subalit wala ito roon, Hindi kaya may nakapasok na magnanakaw sa kanilang bahay at ninakaw ang robot niya?

Sa isiping iyon ay tuluyan na siyang napaiyak, sa pagkatagal tagal niyang scientist at sa mga palpak niyang imbensyon ay hindi man lamang siya nakaramdam noon ng ganong feeling, pakiramdam niya ay ninakaw pati ang buhay niya.

"Hindi na ako kailanman magiging scientist"

umiiyak na sabi niya, tila nauupos siyang kandila ng mapaupo siya sa sahig.

Hindi niya alam pero malaking bagay sa kanya ang robot na iyon, bukod sa binigay niya ang buong puso niya doon ay inspirasyon niya roon si Sky. Para tuloy ninakaw pati ang binata sa kanya, lalo lang siyang napahagulgol sa naisip.

"I'm sorry, it's my fault."

A voice said behind her, ganon na lamang ang pagtahip ng dibdib niya ng marinig niya ang boses na iyon, hindi siya maaaring magkamali.

It was Sky.

Nang balingan niya ito ay nakita nga niya si Sky, mabilis siyang tumayo, kahit lumuluha ay nilapitan niya ito.

"I thought ninakaw ka na sa'kin."

umiiyak na sabi niya, napansin niya na tila natigilan ito

"Hindi lang siguro kita na program ng maayos." Nakangiti ng sabi niya,

hinaplos niya ang mukha nito at tinitigan niya ang robot niya.

"You really look like Sky. That guy will freak out kapag nalaman niyang may kamukha siya." saad pa niya, tumalikod siya dito at binalingan ang silid niya.

"Malaki ang nasirang kagamitan dito, hindi kita maaayos kaagad kailangan ko munang ipaalam kina mom at dad ang nangyaring ito para mapadalhan ako ng mga bagong computers at machines na makakatulong sa'kin para ayusin ka sa tuwing mangyayari ang bagay na ito." aniya habang nakatingin sa buong silid.

May kung anong init siyang naramdaman ng hawakan nito ang kanyang kamay.

Maang na napatingin siya dito.

"You should eat first." Nakangiting sabi nito, para namang nalunod ang puso niya sa ginawa nitong pag ngiti, ewan niya kung bakit sa kabila ng pagiging robot nito ay lumundag ang puso niya.

He such a sweet guy like Sky. Well, kay Sky ko lang naman siya kinopya, lahat ng ugali ni Sky ay nakaprogram sa robot.

Nakangiting tumango siya,

"Okay."

Hindi maipaliwanag ni Lowlah ang nararamdaman ng mga sandaling iyon habang nakatingin kay Sky, ang robot version ng kababata niya.

He was wearing a pink apron while preparing her food for breakfast, hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. He was so cute in that outfit, pakiramdam niya ay lalaking lalaki ito.

"Here's your food, eat well." Anito habang nakangiti

nagningning ang mga mata niya ng tikman niya ang niluto nito.

"Pati ang pagluluto niya ay gayang gaya mo."

naibulalas niya

"I'm going to be a famous scientist soon!" excited na saad niya

Habang abala sa pagkain ay hindi niya napansin ang kalungkutan sa mga mata ni Sky.

Bago niya isapubliko ang Sky-robot niya ay kailangan muna niyang i-test ang kakayahan ng robot

"I need one month to know if you're really good. Magpakabait ka sa'kin." nakangiting sabi niya habang ngumunguya ng pagkain.

Nakatingin lang ito sa mga mata niya.

"Sky, nakabalik ka na pala." Narinig nilang sabi ni nanay Dina, kapapasok lang nito mula sa back door, lumapit ito sa binata at niyakap.

Hindi naman tumugon ang binata kaya takang taka ang matanda nang humiwalay ito, karaniwan na kasing magiliw at sweet din si Sky kay nanay Dina.

Natatawang lumapit siya, inakbayan ang robot niya.

"Nanay, this is not Sky."

Ganon na lamang ang kalituhan sa mukha nito

"Anong pinagsasabi mo dyan bata ka, hindi pa malabo ang mga mata ko para hindi makita ang gwapong mukha niya." anito,

nakangiting umiling siya.

"What I mean nanay, oo nga si Sky ito pero hindi siya ang tunay na Sky." aniya

Mukhang mas lalo itong nalito sa sinabi niya kaya pinaliwanag na niya dito ang lahat.

"This is my newest invention and it was working well so far, this is an android, a robot. His name was Sky." she said while smiling big.

Nahawakan naman nito ang dibdib ng di oras, halatang hindi makapaniwala.

"Isa itong robot?" anito na nilapitan si Sky at hinawakan ang mga kamay

"Aba'y mainit ang balat niya, kitang kita rin ang mga ugat at dugo niya. pati katawan at hulma ng mukha ay kay Sky. sigurado ka bang robot ito?"

Nakangiting tumango siya

"Opo nanay robot siya, lahat ng specimen niya galing kay Sky, iyon ang dahilan kaya mukha talaga siyang tao, combination af robotics and cloning to create such a perfect robot like this." Nagmamalaking saad niya habang nakatingin sa robot na nakatingin lang din sa kanya.

"I'm going to be famous soon!" masayang bulalas niya,

hindi naman nagsalita na ang matanda, hindi pa rin ito makapaniwala habang titig na titig sa robot niya.

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceWhere stories live. Discover now