Everything seems change

1.1K 30 0
                                    

Kinabukasan.....

Nagising si Lowlah sa ingay na naririnig niya mula sa labas ng kanyang silid.

Kaagad siyang bumangon at sinilip ang nag iingay na iyon.

Mula sa bintana ng kanyang silid nakita niya ang napakagandang tanawing nakikita niya sa umagang iyon, hindi niya napigilang mapangiti.

Bakit parang naging excited siya ngayon na magkaron ng sariling pamilya habang pinagmamasdan niya si Sky at ang mga bata na masayang naghahabulan paikot sa malawak na garden lawn.

Excited na nagbihis siya at bumaba ng bahay, napakagaan ng pakiramdam niya ng umagang iyon. Pagkakain niya ng breakfast ay kaagad siyang nagtungo sa garden lawn kung nasaan ang mga bata at si Sky.

Bigla siyang nakaramdam ng excitement ng maisip niya ito.

"Nee-san! Ohayou gozaimasu!" bati sa kanya ni Junpei ng makita siya nito na naglalakad palapit sa mga ito.

"Good morning!" ganting bati niya.

Lumapit ito sa kanya kasunod si Haruka pagkuwan ay humalik sa pisngi niya.

"Kumain na ba kayo ng breakfast?"

"Yes."

Nang sulyapan niya si Sky ay nakangiting binati niya ito

"Good morning Sky."

"Good morning!" nakangiting bati nito sa kanya.

Kung bakit biglang nawala ang excitement niya ay hindi niya alam.

Nagtataka tuloy siya sa damdamin niya.

"Gusto mo bang sumali sa'min?" yaya nito sa kanya, pagkakataon na niya iyon na magkaron ng masayang bonding dito pero hindi niya alam kung bakit tumanggi siya.

"Hindi, panonoorin ko na lang kayo." nakangiting sabi niya

Bakit tumanggi ka Lowlah?

Weird, hindi niya inaasahan na tatanggihan niya iyon, excited pa nga siya kanina na makisali sa mga ito.

Kahit sa sarili niya ay hindi niya maipaliwanag kung anong nangyayari sa kanya.

Kailangan siguro niyang pag aralan muna ang damdamin niya.

"Nee-san, can we go at the park today?" Junpei asked her politely.

Kalalabas lang niya ng laboratory room, dumating na kasi ang mga computers at mga gamit na nirequest niya sa mga magulang niya.

Nagulat siya ng bumungad sa kanya ang mga ito.

Sinulyapan muna niya ito at si Haruka pagkuwan ay si Sky na hawak sa magkabilang kamay ang mga bata.

Napabuntong hininga siya, it's still the same feelings.

Parang bula ang naramdaman niyang excitement para dito.

Kagabi lang ay napakasaya niya dahil kasama niya ito.

"Okay, tutal wala din naman akong gagawin ngayong araw."

"Yehey! Did you hear that Haruka-chan? We will go at the park today." masayang wika nito sa kapatid

"Hontou ni? Yehey!" excited na sabi ni Haruka na pumalakpak pa sa sobrang saya.

Nakangiting niyakap niya ang mga ito.

"Ihahatid ko muna sila sa silid nila para makapagbihis sila ng damit." Ani Sky, tumango lang siya.

Nagtatakang pinagmasdan niya ang papalayong binata habang karga ang dalawang bata.

Bakit parang may naiba sa kanya?

Nagulat pa siya ng masalubong nito si magic sa hallway at kitang kita niya na tinaasan nito ng balahibo si Sky.

Weird....

Nagkibit balikat na naglakad siya patungo sa kanyang silid.

Sa parke.....

Hindi maintindihan ni Lowlah kung bakit lumipas na ang maghapon ay wala man lamang siyang naramdamang excitement kay Sky habang kasama niya ito.

Inaasahan niyang magiging masaya siya sa araw na iyon.

Sinubukan niyang ilapit ang sarili dito habang namamasyal sila sa park kasama ang dalawang bata subalit wala talaga siyang makapang kakaibang damdamin para dito, tila isang bagay na walang buhay ito para sa kanya.

Well, isa lang naman talaga siyang robot hindi ba?

Ano bang aasahan mo sa kanya?

Pero hindi ganon ang naramdaman niya dito noong unang makita niya ito hanggang kagabi ay napakasaya niya.

Bakit bigla yatang nawala lahat ng excitement niya?

Ang mabilis na pagtibok ng puso niya?

Ang mga tingin nito na kakaiba?

Nasaan na lahat iyon?

Nalilito pa rin siya habang nakatingin kay Sky, nakaupo siya sa mahabang bench sa park na natatabingan ng malagong puno habang kasama nito ang dalawang bata.

Hindi kaya masyado lang siyang overreacted?

Iniisip lang niya na inlove siya sa isang robot kahit hindi naman?

Ipinilig niya ang ulo at nalilitong tumayo.

Naglakad lakad siya upang pakalmahin ang sarili, gusto niyang magkaroon ng kasagutan ang lahat ng katanungan sa isip niya.

Subalit nalibot na yata niya ang buong park na wala pa ring kasagutang nahahanap.

Malalim na napabuntong hininga na lamang siya, sinulyapan ang wrist watch, It was ten in the morning. Dalawang oras na rin pala sila sa park, kailangan na nilang umuwi.

Muli siyang bumalik sa mga bata at kay Sky.

Nakita naman niya ang mga ito na nakaupo na sa bench, mukhang napagod din ang mga ito sa paglalaro.

Nakita niyang inabutan ni Haruka ng mineral water si Sky, tinanggap naman iyon ng lalaki at binuksan, akala niya ay binuksan lang nito ang tubig para sa bata subalit ganon na lamang ang pagkagimbal niya ng inumin iyon ng lalaki.

Mabilis na tinakbo niya ang mga ito, kitang kita naman niya ang biglang pagtigil ng pagkilos ni Sky kasunod niyon ang pag usok na lumabas sa bibig nito.

Nagpalinga linga siya, baka may nakakakita sa kanila at magtaka ang mga ito kung bakit may lumabas na usok sa bibig ni Sky.

Nagpapasalamat naman siya dahil wala namang taong nakapansin sa kanila dahil nasa pinakasulok sila ng parke, nakadagdag din ang mayayabong na halaman doon kaya naikubli ang mga pangyayari.

Mayroon mang mga tao roon ay abala naman sa kani-kanilang ginagawa.

Mabilis ang naging pagkilos niya ng akmang babagsak sa lupa ang robot, nag short circuit ito.

Nabasa ang loob ng robot, nag aalala siyang baka pati ang memory chips nito ay maapektuhan.

Nagulat naman ang dalawang bata ng bigla na lamang bumagsak sa mga bisig niya si Sky.

"Nee-san, what happened to uncle Sky?" takang tanong ni Junpei

"Nahimatay siya dahil sa pagod, don't worry he'll be okay." Aniya.

Ang problema niya ay kung paano niya bibitbitin pauwi ang robot, napakabigat nito at hindi niya iyon mabubuhat na mag isa.

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceWhere stories live. Discover now