Pahina 5

34.5K 1.4K 84
                                    

Pahina 5
The Red Hair

"Prinsipe Lucien"

Lucien Kin’s Point of View

Nagtataka na tiningnan ko ang natatarantang kawal na pumutol sa plano kong pamamahinga.

"Lapastangan, ano sa tingin mo ang ginagawa mo kawal? Magpapahinga--" itinaas ko ang kanang kamay ko para tumigil si Gracia, ang aking taga-sunod.

"Ayos lang, Gracia. Anong dahilan ng pagpunta mo?" Tanong ko sa kawal.

"Patawad mahal na prinsipe! Ang mga piratang Hidalgo ay balak na umatake."

Hidalgo..

Nang marinig ko 'yon ay mabilis kong nilisan ang aking silid. Sumalubong sa akin ang malakas na hampas ng hangin at ang malakas na pag-ulan.

"M-Mahal na Prinsipe..." Mahigpit na hinawakan ko ang espada ko sa aking tagiliran. Hindi ko inaasahang mangyayari ito.

"Ilipat sa ligtas na lugar ang mga babae, bata at matanda. Mga kawal, maghanda sa paglaban." malamig na pahayag ko.

"Pero mahal na--"

"Inuutusan ko kayo bilang prinsipe niyo."

"Masusunod!" Nakita ko ang paglakad ng dating Kapitan na si Kapitan Yoshi. Seryoso ang mukha nito at malamig ko itong tiningnan. Alam ko ang galit na nararamdaman niya ngayon.

Ang mga Hidalgo ang kumitil sa buhay ng dati niyang mga kasamang pirata, maging ang kakayahan ng kanang kamay niya ang kinuha rin ng mga ito. Siya lang ang nakaligtas. Mahabang istorya kung paano ko siya nakilala.

"Lalaban din ako." Tulad ng inaasahan ko ay iyon ang sasabihin niya.

"Kahit na wala nang silbi ang kanan kong kamay ay lalaban ako kasama mo, Prinsipe Lucien."

"Sige, gawin mo, Yoshi." sagot ko at tinalikuran na ito.

"Salamat, prinsipe."

Natagpuan ko ang sarili kong lumalaban sa mga pirata. Hindi ko na mabilang ang mga nakalaban ko. Totoo ngang malalakas at magagaling ang mga ito sa pakikipaglaban ngunit hindi dapat ako sumuko. Kailangan kong gawin ang lahat ng paraan para mapabagsak ang mga halang na piratang ito.

Para sa mga walang labang sakay ng barkong ito, para sa mga nakaranas ng karahasan na dulot ng mga piratang ito ay lalaban ako ng may dangal.

Hindi ako tutulad sa aking ama.

"Aah!"

Ramdam ko ang hindi matatawarang lamig. Ang pagkidlat, ang hampas ng dagat, ang pagdaing at pagbagsak ng mga walang buhay na pirata at ng mga kawal. Hindi ko ininda ang pagod at pagkirot ng braso kong walang tigil sa pagdugo.

"PRINSIPE...ISANG PRINSIPE?" Hinarap ko ang pinanggalingan ng boses na mula sa likod ko.

Malaki ang pangangatawan, may malaking pilat sa pisngi. Ang Kapitan ng Hidalgo...Islaw.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon