Pahina 32

25.5K 1.4K 386
                                    

Pahina 32
Under the Moonlight


"Tikman mo pa 'to, Cane, ang sarap 'no?"

Hurricane’s Point of View

Patuloy sa pagbibigay ng masasarap na pagkain sa akin si Lihtan. Sabi niya, itinabi niya raw 'yon para sa akin. Hehehe.

"Patikim, patikim." -Taki

Sinubuan ni Lihtan si Taki.

"Masarap di ba?" tanong ni Lihtan na masayang sinang-ayunan ni Taki.

Pfft. Pinulot ko ang panyo na nasa hapag at pinunasan ang mga pisngi nila at uminom ng tubig. Nararamdaman kong may mga matang nakatitig sa akin nang mariin ngunit hinayaan ko na lamang at napahinga nang malalim.

"Uminom ka ng alak?" ngumunguyang tanong ko kay Simone at tinagilid ko ang ulo ko habang pinagmasdan siya. Napalunok naman siya.

"Kaunti lang."

"Do you really think na makakapagsinungaling ka sa akin?" muling tanong ko at sumandal sa kinauupuan ko habang nakatingin pa rin dito.

"Kahit na sino ang kaharap ko, mahuhuli at malalaman ko kung nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling." ngumunguyang dagdag ko, sunod sunod na napalunok si Simone na kinangisi ko at pinisil ang pisngi niya.

"Bad."

"Yan, daya daya kasi." bulong ni Lihtan na kinatawa ko.

"Kumain ka na ba, Simone?" tanong ko ulit dito. Nang umiling ito ay napasimangot ako.

"Inuna mo pa ang uminom bago kumain?"

Napakamot naman si Simone sa batok na parang aping-api. Hehehe.

"Ikaw talaga, mahal, kumain ka na. Nganga ka dali." malambing na sambit ni Tenere.

Inagaw niya ang hawak ni Tenere at kinain.

Tuwang tuwa naman sina Lihtan, Tenere at Taki habang nakatingin kay Simone.

"Ano ba talagang nangyari, aking binibini?" kinuwento ko sa kanila ang mga nangyari hanggang sa bumalik ako muli sa Hydor.

"Sinasabi mo bang palabas lang ang pagsugod ng mga rebelde, Cane?" tanong ni Tenere.

"Ganoon na nga." pagsang-ayon ko habang nakatingin sa kopitang hawak ko at inaalog-alog.

"Bakit naman nila gagawin 'yon?" tanong ni Lihtan.

Tiningnan ko sila isa isa.

"Hindi ko rin alam ngunit hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga pinaplano nila." mahinahong sambit ko at muling binaba ang tingin sa kopita na hawak ko.

Napabuntong hininga ako.

"Ngunit malinaw na ginagamit ng mga ito ang katauhan natin." sambit ni Simone.

"At gagamitin din natin sila tulad ng panggagamit nila sa atin."

"Anong ibig mong sabihin, aking binibini?" singhap ni Taki na parang sabik na sabik sa sasabihin ko o pinaplano ko.

Natatawang ginulo ko ang buhok ni Taki.

"Nakadepende ang mga plano natin sa mga gagawin nilang hakbang, at nasisiguro kong hindi nila magugustuhan ang mangyayari oras na magkamali sila."

Sabay sabay kaming nagngisian. Hehehehe.

"Payting!" sabay sabay na sambit namin at nag-cheers.

If they want a fight, I'll bring a war...

Marahang ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa pagpintig ng ulo ko. Kanina ko pang iniinda ang pananakit ng ulo ko. Kinuyom ko ang kaliwang kamay ko sa ilalim ng mesa.

Napadilat ako ng may telang marahang pumupunas sa noo ko. Pagmulat ko ay tulad ng inaasahan ay nag-aalala silang nakatingin sa akin.

Nakita kong si Simone ang pumupunas ng noo kong pinagpapawisan at bakas ang pag-aalala. Nagulat ako nang hawakan ni Taki ang kamao ko na hindi ko namalayang maputla na sa sobrang pagkakakuyom. Marahang binukas niya ang palad ko at namumutla silang nakatingin sa akin na parang hindi malaman ang gagawin.

"Cane? Anong nangyayari sa’yo?" nag-aalalang tanong nina Tenere at Lihtan.

"Don't lie. What's happening to you?" malamig na tanong ni Simone.

Sasagot na sana ako nang...

"Bitiwan mo ako, Hasil!"

"Tumigil ka, Shea!"

Nakita ko ang magkapatid na si Prinsipe Hasil at Prinsesa Shea na parang nagtatalo hanggang sa huminto sa gilid ko. Sinalubong ng mga mata ko ang nanlilisik na mga mata ni Prinsesa Shea.

Tumayo ako at nginitian ito.

"Ikaw nga! Sinasabi ko na nga ba at magpapakita ka!" gigil na sambit niya.

"Ikaw pala 'yan, Prinsesa Shea? Long time no see." ngiting bati ko rito at tiningnan si Prinsipe Hasil na humihingi ng paumanhin sa inaasal ng kanyang kapatid.

Nagtayuan din sina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.

"Hindi ako masayang makita ka!" ngumisi si Prinsesa Shea nang nakakaloko at tumingin sa buong paligid bago ibalik ang paningin sa amin.

"Trust me, hindi mo gugustuhing kalabanin ako, Prinsesa Shea." nakangiti ngunit mapanganib sa sambit ko at humakbang nang hindi inaalis ang mga mata rito na siyang kinaatras nito.

"Nakatayo ka pa rin ngayon at nakakahinga dahil sa iyong kapatid at ama kaya naman mas makabubuti para sa’yo na manahimik sa isang tabi at wag nang dagdagan ang mga dahilan kong tapusin ang buhay mo." malamig na sambit ko nang nakangiti at hinaplos ang pisngi niyang walang harang na maskara. Pinigilan kong mapangisi dahil sa paninigas ng katawan niya.

Pinadausdos ko ang daliri ko sa kanyang leeg at tiningnan ang makinis niyang balat at napangiti dahil sa paglunok niya nang sunod. Nag-angat ako ng tingin sa mga mata nito na nakikitaan ko ng takot.

"Don't ever mess with us again, don't ever touch them. Harm them and you're dead. Kung mahal mo pa ang buhay mo, manahimik ka at manood na lang sa mga nangyayari. Ngayon..." niyakap ko ito na tila ba isang kaibigan at nilapit ang bibig ko sa kanyang tainga.

"Aalis ka nang mapayapa o sasakalin kita sa ora-mismo sa kinatatayuan mo ngayon hanggang sa malagutan ka ng hininga?" walang kabuhay buhay na bulong ko.

Ngayon, pinagmamasdan ko silang papaalis na magkapatid. Akay ni Prinsipe Hasil ang kapatid niyang hindi mahahalata ang panginginig.

Umupo ulit ako, at umupo rin sila. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanila ayn agniningning ang mga mata nila.

Pagtingin ko kay Simone ay ngingisi ngisi na parang tuwang tuwa sa nasaksihan din kanina.

Para silang mga bata, kagigil. Cute.

Dapat din siguro ako magpasalamat kay Prinsesa Shea dahil nawala na ang pananakit ng ulo ko.

"Waaah! Aking binibini, ang galing mo kanina! Tumaas balahibo ko!" natawa ako sa sinabi ni Taki.

"Hahahaha. Hindi ako nagbibiro, kahit na may armas ako o wala, oras na saktan nila kayo, ako ang makakaharap nila." sambit ko at ginulo ang buhok ni Taki.

"Hangga't nakatayo ako, hindi ko kayo pababayaan at iiwan. Hehehe." nakangiting sambit ko.

Third Person’s Point of View

Malalim na ang gabi, ngunit dilat na dilat pa rin ang mga mata nila sa loob ng kanilang silid. Hindi na napigilan ni Taki na umupo at umupo.

"Simone, magkwento ka naman tungkol sa aking binibini." nguso niyang sambit kay Simone.

Mabilis na umupo rin sina Lihtan at Tenere na interesado ring malaman. Walang magawang umayos at nakigaya ng upo rin si Simone habang tinitingnan ang mga kasama isa isa at napabuntong hininga.

"Honestly-"

"Wag mo kami English-in dudugo mga utak namin, parang awa mo na, mahal." -Tenere

"Tss."

"Tuloy mo na, Simone." -Lihtan

Napabuntong hininga muli si Simone.

"...."

Lumipas ang dalawang minutong hindi pa rin nagsasalita si Simone.

"Ano na, Simone?" pangungulit ni Taki at hindi na napigilang alugin ang balikat nito.

"Hindi ako mahilig mag kwento. Ano ba ang gusto niyong malaman?"

Sabay sabay na napasimangot ang tatlo.

"Anong klaseng mga tao ang pamilya niya?" tanong ni Lihtan.

Tumango ng isang beses si Simone at tumingin sa kawalan.

"Misteryoso, yan ang unang masasabi ko nang una ko silang makita. Tulad niya, kakaiba ang dala ng presensya ng mga ito at parang hindi mo gugustuhing banggain." pagbabalik-tanaw ni Simone na parang inaalala ang unang pagkakataon na makilala niya ito.

"Ang pamilya niya ang pinakatinitingala ko sa lahat, matulungin at wala kang masasabi sa kabaitan nila. Walang maipipintas at parang napaka-perpekto na kahit ang Presidente ay dapat silang galangin. Makapangyarihan, maimpluwensya at kinatatakutan." sinulyapan ni Simone ang mga kasama na seryosong nakikinig sa kanya at bakas ang paghanga sa nilalahad niya.

"Kaya ba maraming umaaway sa kanila?" tanong ni Tenere.

"Ganoon na nga, pero kahit na anong pagkalaban sa kanila, wala pa ring makakatalo sa kanila."

"Makikilala ba namin sila?" tanong ni Lihtan na kinangisi ni Simone.

"Darating ang araw na makakaharap niyo sila."

Sabay sabay na napalunok sina Lihtan, Tenere at Taki. Natawa si Simone sa mga itsura ng mga ito.

"Ilang taon mo nakilala si Cane, Simone?" tanong ni Lihtan.

"Anim na taon siya no’n, wala pa rin siyang pinagbago. Kung ano siya noon, ganoon pa rin siya ngayon kung ano ang pagkakakilala niyo sa kanya. Pagala-gala, masiyahin, kapag may gustong gawin o may maisip gagawin agad, at hindi mo mababasa ang takbo ng isip, hindi masisindak basta basta, palaban, walang inuurungan at magagawa pa ring tumawa kahit na nasa digmaan, at maraming kalokohan."

Sabay sabay silang natawa dahil sa loob ng mga araw at buwan na kasama nila ito ay kilalang kilala na nila ito at talagang may katotohanan ang lahat ng sinasabi ni Simone.

"Kahit na matagal ko na siyang kilala, isa pa rin siyang misteryosa at punong puno ng malalalim na kwento." mahinang sambit ni Simone.

"Ngunit si Cane pa rin siya at iyon ang importante!" sambit ni Taki na masaya nilang sinang-ayunan.

"Hindi magbabago na siya si Cane, si Cane siya." nakangiting sambit din ni Lihtan.

"Tama, si Cane ay si Cane." sambit ni Tenere at siniko si Simone.

Napangiti si Simone sa mga sinabi ng mga ito, at gumaan ang pakiramdam niya nang maikwento ang laman ng isipan niya patungkol sa dalaga.

"Salamat." sambit ni Simone na nakapagpatigil sa kanila, namula ang mukha ni Simone at nagmamadaling nagtaklob ng kumot.

"Waaaah! Ulitin mo 'yon, Simone!" -Taki

"Aaargh! Ang bigat niyo!" -Simone

"Mahaaal, namumula ka! Ayiieh!" -Tenere

"D-Damn." -Simone

"Simoneeeee ano ulit 'yon?" -Lihtan

Napuno ng tawanan ang kanilang silid, napangiti si Cane na nasa labas nakaupo habang nakikinig sa mga ito nang hindi nila alam. Tumingala siya sa buwan at dinama ang malamig na gabi bago tumayo at nagtungo sa kweba kung nasaan nagpapahinga ang mga onymus at sinenyasan na wag maingay at tumabi ng sandal sa mga ito at natulog...

Makalipas ang isang oras ay nagising si Cane dahil sa matang nakatingin sa kanya.

"Simone?"

"Bakit dito ka natutulog?" kunot noong tanong ni Simone sa kanya.

Ngumiti lamang siya at tumayo.

"Simone, hug mo ko. Hehehe." malambing na sambit ni Cane rito.

"W-What?"

"Please?"

Mabilis siyang niyakap ni Simone.

"You don't have to please, silly."

"Hehehe."

Mahigpit na niyakap niya si Simone at tinapat ang kanyang tainga sa malakas at mabilis na tibok ng puso nito sa malapad na dibdib.

"I love the fast beats of your heart, Simone. Dahil ba sa akin 'yan?" nakangiting tiningala niya ang binatang si Simone na sobrang pula ng mukha at sunod sunod na napalunok, at ang mas lalong pagbilis ng tibok ng puso nito sa kanyang sinasabi.

"Damn. C-Cane."

"Say it, Simone." nakangiting sambit niya.

"I-I d-damn it..." hindi malamang sambit ni Simone at parang hihimatayin sa mga nangyayari at sinasabi ng babaeng yakap niya at doble ang kaba.

"Come on, Simone. Say it." nakangiting sambit ulit ni Cane at naglalambing na tiningnan ito.

"Cane..." nahihirapang tawag sa kanya ng binata.

"Gusto kong marinig, Simone." diretso sa mga matang sambit ni Cane sa binatang si Simone.

"I...I like you. Gusto kita, Cane." seryoso at kinakabahang pag-amin ni Simone. Napanguso ang dalagang kaharap at yakap niya.

"Aba hindi pwede 'yan, Simone." maktol na sambit ni Cane rito.

"W-What?"

"Hindi pwedeng gusto mo lang ako. Gusto ko yung mahal na mahal mo ako, yung hahanap-hanapin mo ako, iisipin mo ako minu-minuto, at hindi magsasawang mahalin ako." nakangising sambit ni Cane rito at sinabit ang mga kamay sa leeg ng binatang si Simone na huminto ang mundo at paghinga sa mga naririnig na litanya ng dalaga.

"...tell me Simone, gusto mo lang ba ako?" nakangusong paglalambing niya rito.

"Damn...this girl." kapos sa hininga at hindi makapaniwalang sambit ni Simone at mahinang natawa at umiiling na bumulong "...so ruthless"

"Fine, Cane. I...I love you, so much, so damn much. Mahal kita, mahal na mahal at ayos lang na hindi mo masuk-"

"I love you too, Simone. Mahal kita, mahal na mahal din kita." sinserong sambit niya rito, at hinagkan ang labi ng binata na naestatwa sa kinatatayuan.

Nang humiwalay siya sa binata ay nasaksihan niya ang pagbagsak ng luha ni Simone na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"Simone, thank you for always being here for me and for waiting for me. Thank you for your unconditional love, Simone. Thank you. Hayaan mong mahalin kita nang nararapat, at pinapangako kong mamahalin kita nang buong buo, nang walang kapantay. Mahal kita. Mahal kita, Simone."

"D-Damn. Am I fvcking dreaming? Are you for real? Damn. Nababaliw na ako, anong gagawin ko?" naluluhang sambit ni Simone, at marahang kinulong ang mukha ng dalaga sa mga palad niya na nakangiting nakatingin sa kanya, na nagpapakita ng emosyon, mapagmahal na emosyon na nakadirekta sa kanya.

"You can kiss me, para masigurong totoo ito o pwede ring ako na lang ulit ang hahalik sa’yo, ayos lang sa akin 'yon?" mabilis na tinawid ni Simone ang malambot na labi ng dalaga.

"There, akin ka na talaga." nakangiting sambit ni Cane.

Mas lalong humigpit ang hapit ni Simone rito at sumiksik sa leeg niya.

"I'm yours, right from the start."

"But iba pa rin ito, Simone, because I sealed it with my kiss. Our first kiss! Waaah! Nag-kiss tayo under the moonlight! Ang romantic!" tuwang tuwang sambit ni Cane.

"Pfft. Damn."

"Bakit hindi ba romantic?! Romantic naman talaga ah!" ngusong maktol niya na kinahakhak ni Simone at pinanggigilan siya ng yakap.

"Yeah, yeah, romantic nga ito." malambing na sang-ayon at pagsuko ni Simone at ipinikit ang mga mata habang yakap ang dalaga.

"Hehehe. Marami pa tayong gagawing romantic." makulit na sambit ni Cane.

"I'm nervous." natatawang sambit ni Simone habang nakasiksik pa rin sa leeg ni Cane.

"Hehehehe. Maghanda ka, Simone."

"Damn. Hahahaha."

"I love you, Simone."

"My heart, damn. I love you the most."

"I love you, baby Simone. You're so cute, gusto kita i-kiss ulit."

"What the-? Damn, hahahaha. I'm so happy."

"Waaaah! Gusto kong makita ang mukha mo, Simone!" maktol ni Cane.

Walang magawa si Simone kung hindi pagbigyan ito at alam niyang pulang pula ang mukha niya sa harap nito at bakas ang nag-uumapaw niyang saya.

"Cane..."

"I love you, Simone."

At sa mga oras na 'yon ay alam niyang wala na siyang kawala pa sa dalaga at dininig ang hindi niya maiusal na panalangin na dati ay akala niyang imposible at malayong mangyari.

"I love you too, Hurricane Thurston."

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon