Pahina 14
The Invitation of the King and Another Stranger
"Shit."
Hurricane’s Point of View
Napanguso ako sa mahihinang mura ni Simone. Nakatago ako sa likuran nina Lihtan at Tenere.
"Give me your hand." inabot ko sa kanya ang darili ko na may malalim na sugat. Walang pagtigil ang pagdugo.
Kukunin na sana niya ang kamay ko nang biglang...
"Hmmm."
May biglang sumubo sa daliri kong dumudugo. Napanganga ako sa ginawa ng isang estrangherong bigla na lang sumulpot sa harapan namin.
"What the fvck are you doing?!"
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari at bigla na lang akong nakaramdam ng antok at naramdaman ko na may sumalo sa akin.
Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang biglang sumulpot sa harapan namin. Parang nabigla rin ito sa kanyang ginawa at mabilis na tumakbo. Tuluyan na 'kong nilamon ng antok at hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nila.
"Cane!"
"CANE!!!"
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi, nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa higaan ni Tenere.
"C-Cane" napatingin ako kay Tenere na nakaupo sa gilid ko. Nagising din sina Simone at Lihtan na nasa kabila at nakaupo rin.
Napahikab ako. Grabe ang sarap ng tulog ko at parang gusto ko pa ulit matulog.
"Bakit gising pa kayo?" malat na tanong ko. Umupo ako at mabilis na tinanggap ang tubig na binigay ni Lihtan dahil nauuhaw talaga ako.
"I-Isa pa, hehehe." hingi ko pa na sinalinan ulit ni Lihtan.
"Salamat. Ha..ha... Anong nangyari?"
"Hindi ko nahabol." bakas ang inis sa tono ni Simone.
"Hayaan mo na." sambit ko na lang.
Natahimik sila at titig na titig sa akin.
"Bakit?" takang tanong ko.
Sabay sabay silang umiling.
"Nasisiguro kong babalikan tayo ng mga Prinsipe at ng Prinsesa na 'yon.." seryosong sambit Tenere. Tumingin ako sa kanya.
"Aaah.." tanging nasagot ko na lang na kinakunot ng noo niya.
"Hindi mo naiintindihan, Cane." bumuntong hininga si Tenere.
"-halatang interesado sa’yo ang dalawang Prinsipe na 'yon at isa lang ang maaaring mangyari." pagpapatuloy niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko na para bang ingat na ingat.
"Aalukin ka ng kasal ng mga iyon at wala kang magagawa kung hindi ang pumayag! Kailangan mo nang umalis dito."
"What the--?" napatayo sa gulat si Simone.
"Cane, umalis na tayo." Sambit rin ni Lihtan.
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo at naguguluhan sa kanila.
"Pero paano ka?" tanong ko kay Tenere na nagulat sa naging tanong ko at natahimik.
"Ayos l-lang ako rito." nakaiwas ng tingin na sagot niya sa akin. Tahimik na tinitigan ko ito.
"Gusto ko pa manatili rito." malungkot na sambit ko.
"Ayaw mo na ba sa amin?" tanong ko rito.
Biglang namutla ito at parang hindi malaman ang gagawin.
"H-Hindi! Gusto pa kitang makasama, Cane." sambit ni Tenere at nakatanggap siya ng batok kay Simone.
Pigil pigil ko ang tawa ko.
"Hoy, baka nakakalimutan mong kasama niya kami!"
"Aray! Nakakailan ka nang Simone ka ah!"
"Ayusin mo kasi ang sinasabi mo! Tss."
Nagsimula na namang mag-asaran sina Simone at Tenere na kinangiti ko. Hehehe. Nahuli ako ni Lihtan kaya sinenyasan ko ito na h'wag maingay na kinangiti rin nito nang malawak.
Ngayon ko lang nakitang ganyan si Simone. Magkasundong magkasundo na rin sila ni Tenere.
"Hahahahahahahahaha." tawa ko na kinatigil nila sa pag-aasaran. Ang braso ni Simone ay nasa leeg ni Tenere.
"Nagkakamabutihan na kayo, masaya ako para sa inyo" nakangiting sambit ko.
Halos lumuwa ang mga mata ni Simone at Tenere at mabilis na lumayo sa isa't isa at sabay na ngumiwi sa isa't isa. Hahaha.
"N-Nagkakamali ka Cane! May pagtingin sa akin si Simone kaya ganyan 'yan sa akin at gusto magpalambing parati at-"
"ANONG SINABI MO?!"
Sinakal na naman siyang muli ni Simone sa braso.
"Pfft! HAHAHAHAHA!" tawa namin ni Lihtan. Hahahaha. Ang sweet nila nakakatuwa! Nag-pis bam kami ni Lihtan. Hehehe.
"ARAY! ANG SAKIT MO MANGLAMBING!"
"MANAHIMIK KANG BALIW KA!"
Napahawak ako sa tiyan ko sa katatawa nang bigla akong mapatingin sa maliit na bintana ni Tenere at doon ay nakita kong muli...
Nanlaki ang mga mata nito at kahit madilim na nasisiguro kong siya 'yon, ang taong sumubo sa dumudugo kong daliri kanina!
"WAAAAH!" sigaw nito at mabilis na tumakbo na naman!
E?
Anong nangyari do’n?
"Kanina pa siya sumisilip sa bintana, para siyang paniki." sambit ni Lihtan na kinatawa ko dahil sa kacutan nito habang sinasabi 'yon at nakakunot pa ang noo na para bang hindi niya maintindihan ang trip sa buhay ng taong pasilip silip sa bintana.
"Hahahaha. Sumilip na naman siya." sambit ni Tenere nang natatawa.
"Kanina pa namin siya hinahabol, hanggang sa mapagod na lang kami." sambit pa ni Lihtan. Hahaha. Natawa ako dahil naiimagine ko kung paano nila sabay sabay na habulin ang estrangherong 'yon.
Napaka-cute no’n sigurado. Hihihi.
"That guy is really something, ang bilis tumakbo." Pagsang-ayon na sambit din ni Simone at hindi maipaliwanag ang mukha.
Dahil sa sinabi nila Simone ay hindi ko mapigilang mapahanga sa taong 'yon.
"Paanong hindi bibilis ang takbo no’n? Inulan mo ng pangbabanta. Hahahaha." natatawang sambit ni Tenere na kinatawa ko.
"Ang sabi ni Simone 'Patay ka sa akin oras na maabutan kita' 'Babalatan kita ng buhay' 'Humanda ka oras na maabutan kita!' 'Bibigwasan-" hindi na natuloy ni Lihtan ang sinasabi nang takpan ni Simone ang bibig nito.
"BWAHAHAHAHAHA!" napahagalpak ako ng tawa sa kwento ni Lihtan at ganoon din si Tenere.
"Ang daldal mo..." nakasimangot na sambit ni Simone at binitiwan na ang bibig ni Lihtan.
Nakakatuwa talaga si Lihtan t'wing nagkukwento ang cute cute!
Kinaumagahan ay laking gulat ko nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang maraming mga kawal.
"Cane?" rinig kong tawag ni Lihtan sa akin.
"What the?"
"Bakit, anong-"
Nang makabawi ako sa saglit na pagkabigla ay tuluyan na akong lumabas.
"Anong kailangan niyo?" takang tanong ko sa mga ito.
"Iniimbitahan kayo ng Mahal na Hari sa kanyang palasyo." malamig na sambit ng nasa harapan na sa tingin ko'y pinakapinuno nila.
"Sige." pagpayag ko.
"Cane! Bakit ka pumayag?" sigaw ni Tenere na masama ang tingin sa mga nasa labas.
Napabuntong hininga lang si Simone, tahimik na nakatingin naman si Lihtan sa mga nasa paligid.
"Dahil iniimbitahan niya tayo?"
"Binibini, ikaw lamang po." pagputol ng pinuno ng mga kawal.
"Kung ganoon ay makakaalis na kayo sa harapan ko." kunot noong sambit ko na kinabigla nito.
"-Hindi ako sasama kung hindi kasama sila, hindi ko sila iiwan dito."
"Ngunit! Mahal na binibini, ang Hari ang nag-iimbita sa'yo."
"At tumatanggi na ako. Intindihin mo."
Ang kaninang walang emosyong mukha nito ay napalitan ng pangamba at takot.
"M-Maaari niyo na silang isama, binibini." sumusukong sambit nito.
Nilingon ko sina Simone, Lihtan at Tenere at kinindata. Hehehe. Pagharap ko ay sumeryoso muli ako.
Nakasakay kaming apat sa karwahe.
"Bakit pumayag ka?" malamig na tanong ni Tenere. Mula sa pagkakatingin ko sa labas ay tiningnan ko ito.
"Masanay na kayo. Tanggap lang 'yan ng tanggap ng kahit ano." mahinahon at nakapikit na sambit ni Simone.
"Anong ibig mong sabihin, Simone?" naguguluhang tanong ni Lihtan.
"Hindi naman lahat. Grabe ka Simone." nakangusong sambit ko rito.
"Tss."
Bumaling ulit ako sa labas at nakita ko na naman siya! Nasa labas ito at kunot ang noo habang nakatingin sa mga kawal at nang magtama ang mga mata namin ay nanlaki ang mga mata nito at bakas ang pagtataka.
Nginitian ko ito at kinawayan ko siya. Hehehe.
Para itong napako sa kinatatayuan niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Hahahahahaha." tawa ko. Nang sumilip sila Simone ay bigla na naman itong kumaripas ng takbo kaya mas lalo akong natawa dahil parang na-trauma na ito kila Simone.
"Tinakot mo Simone." bintang ko dito na kinasimangot niya.
"Tss."
Napatingin ako sa daliri ko na sumara na ang sugat at napangiti.
"Sana magkita at magkausap kami." sambit ko habang nakatingin sa sugat ko.
"Mahirap hulihin ang isang 'yon." iling na sambit ni Tenere.
"Para siyang hangin." sambit ni Lihtan habang nakadungaw sa labas.
Singbilis ng hangin...
Naputol ang pag-iisip ko nang huminto na ang karwaheng sinasakyan namin.
Pinagbuksan kami at inalalayan ako pababa.
Sabay sabay kaming sumunod sa mga kawal. Manghang nililibot ko ang tingin sa palasyo ng 'Hideus'.
Maraming nagyuyukuan sa amin.
Bumukas ang higanteng pinto at nakita namin doon ang mahabang mesa. Nakaupo roon sina Prinsipe Hasil, Prinsipe Lucien at Prinsesa Shea na parang hindi inaasahan ang aming pagdating.
"Ama? Anong ginagawa nila rito?" tanong ni Prinsesa Shea sa kanyang Ama.
"Maupo kayo at sabayan kami." seryosong sambit ng kanilang Ama. Naglakad ako sa pinakadulo kung saan nakakatapan ko ang kanilang Hari at naupo. Nahuli ko ang pagngisi nito. Umupo na rin sa tabi ko sina Simone, Lihtan at Tenere na seryosong seryoso.
Mabilis kaming nireserbahan ng mga pagkain.
"Salamat." tipid na ngiti at sambit ko sa naghain. Nagulat ito at yumuko.
Tinanggal ko ang taklob ko at ngumiti sa Hari nila.
"Salamat sa pag imbita, Kamahalan." sambit ko.
"HAHAHA! Sana'y magustuhan niyo ang inihain namin." ngising pahayag nito. Marahan akong tumango at ngumiti.
"Sandali." pigil ko kanila Simone, Lihtan at Tenere.
Kinuha ko ang kubyertos at tinikman isa isa ang mga nakahain. Hindi ko pinansin ang pagtataka nila. Nang matapos ko tikman lahat ay uminom ako ng tubig.
"Walang lason. Hehehe, kain na tayo."
Napanganga sila sa ginawa ko.
"M-Masarap siya. Hehehe, kain na tayo." sambit ko ulit pero nakatingin lang silang lahat sa akin.
At maya maya pa'y natawa nang malakas ang Hari nila.
E?
Napakamot ako sa kilay ko at napanguso. Bakit ganyan sila nakatingin sa akin?
"HAHAHAHA! Napakainteresanteng binibini." sambit ni Haring..?
"Hehehehe."
Siniringan ako ng mata ni Prinsesa Shea. Nginitian naman ako ni Prinsipe Lucien at Prinsipe Hasil.
"Masarap 'to, Lihtan." bulong ko kay Lihtan at nilagyan siya sa plato niya ng parang lumpia.
"Sarap nu?" nakangiting tumango si Lihtan at nag-tamsap. Hehehe. Punong puno na ang bibig niya. Pinunasan ko ang kalat sa gilid ng labi niya.
Magana lang siyang kumakain. Tulad ng pinangako ko ay pakakainin ko siya ng maraming masasarap na pagkain. Para talaga siyang bata at ang sarap alagaan. Hehehe. Feeling ko may anak na 'ko. Hehehe.
"Kain pa nang kain. Dahan dahang inumin mo 'to."
Binalingan ko naman si Simone na walang pakialam sa paligid at pormal na kumakain. Si Tenere naman ay nahuli kong may nilalagay sa plato ko.
"Masarap 'yan, tikman mo rin." nakangiting sambit ni Tenere
"Masarap nga! Ito tikman mo rin oh." May tinusok akong bilog na lasang pork siomai at tinapat sa bibig niya. Napanganga siya kaya agad kong shinoot sa bibig niya.
Nagulat ako nang biglang itaas ni Simone ang plato niya at iabot sa akin.
"Ibigay mo sa akin ang plato mo." seryosong sambit ni Simone. Binigay ko sa kanya ang plato ko na walang kalaman laman.
"Salamat, Simone." kinain ko na ang binigay niya. Ang sarap ng mga binigay niya at magulay.
أنت تقرأ
Mafia Heiress Possession: Hurricane Thurston
مغامرةAn extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the Ten Kingdoms. Will she be successful in finding the three monsters and finally fulfill the prophecy...