Pahina 44

23.5K 1.1K 310
                                    

Pahina 44
The Prophecy and The Sword




Hurricane’s Point of View

Natanaw ko si Lihtan na nakatingala sa kalangitan, walang bituin at mukhang napakalalim ng iniisip niya. Dahan dahan akong lumapit, naalala ko ang tungkol kay Dino kaya napatigil ako ng hakbang bigla at kinuyom ang kamay.

Pagsisisihan nila ang ginawa nila kay Dino.

"Cane?"

"Lihtan."

Ngumiti siya na naging dahilan ng pagkalma ko. Di ko maiwasang magtaka sa paninitig ni Lihtan sa akin, napabuntong hininga pa siya at di nakatakas ang lungkot na dumaan sa kulay-lila niyang mga mata.

"May problema ba, Lihtan?" medyo nababahalang tanong ko, umiling lang siya at pinatong ang isa niyang kamay sa ibabaw ng ulo ko at marahang inayos ang buhok ko. Napatulala ako sa ginawa niya.

Kanina ko pang napapansin ang kakaiba nilang kinikilos mula nang umalis sina Thunder. May sinabi ba sila?

"Hindi ko na matandaan ang itsura ni Dino. Tatlong taon pa lang ako nang iwan niya ako kasama ang itim niyang ibon sa kweba. Kaarawan ko noong araw na 'yon..." mahinang salaysay niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi ko na rin matandaan ang kaarawan ko. Hindi niya ako binigyan ng pangalan dahil hindi naman iyon kailangan sa tulad ko. Kahit ganoon, masaya ako sa tuwing tinatawag niya akong 'anak'." may tipid na ngiting sambit niya.

"Ang sabi ko noon, gusto kong lumuwas kasama siya at magkaroon ng kalaro at kaibigan kaya lang hindi siya pumayag. Ayon sa kanya, mapapahamak lang ang mga taong mapapalapit sa amin. Ang sabi niya, babalikan niya ako ngunit lumipas ang maraming taong hindi ko na nabilang hindi siya bumalik. Hindi pa rin ako umalis sa lugar na pinag-iwanan niya dahil umaasa pa rin akong babalik siya. Babalikan niya ako, Cane." nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya, parang may bumara sa lalamunan ko at naramdaman ko na lang din ang pagkabasa ng pisngi ko.

Pinunasan niya ang basang pisngi ko sa marahang paraan at may pag-iingat.

Nakikita ko ang imahe ng batang si Lihtan na nag-iisa sa kweba. Walang kausap at mag-isang nakatanaw malayo sa lahat.

Mas lumakas ang pag-iyak ko.

"C-Cane..." natatarantang boses ni Lihtan.

"What...happened?" narinig kong boses ni Simone at mga yapak patungo sa amin.

Hindi ako tumigil sa pag-iyak, hagulhol na yata itong ginagawa ko. Huhuhu. Kawawa si Lihtan.

"A-Aking binibini?" -Taki

"Cane?" -Tenere

Niyakap ko si Lihtan.

"H'wag ka nang malungkot, Lihtan. Nandito na kami. Hahanapin natin si Dino at ibibigay ko rin ang kaarawan ko sa’yo para pareho na tayo ng birthday." sambit ko.

"Ibibigay ko rin sa inyo ang apelyido ko, gagawin ko kayong 'Thurston. Di kayo gugutumin, marami akong savings, di tayo maghihirap. Kung kapusin man tayo, nandiyan naman sina Thunder, Storm at Rain pwede tayo umutang sa kanila kahit magkano. Kahit na hindi na rin tayo magbayad sa kanila mayaman naman sila."

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now