Pahina 48
Awaken of Lihtan Part 1
Hurricane’s Point of View
Isang linggo na ang nakalipas nang makaharap namin si Raku. Naghilamos ako sa ilog na nadaanan namin at pinagmasdan ang repleksyon ko.
“The food is ready.” nakita ko si Simone na nakatayo sa likuran ko sa tubig na rume-repleka rito.
Nakangiting tumayo ako. Napanguso ako sa paninitig nito nang seryoso.
“I love you.” hindi ko inaasahang litanya ni Simone. Lumapit siya at dinampian ng halik ang noo ko. Marahang pinikit ko ang mga mata ko nang gawin niya ‘yon.
Nang idilat ko ang mga mata ko ay sumalubong sa mga mata ko ang abo nitong mga mata na masuyo at puno ng pagmamahal na nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilang kabigin ang batok niya at halikan ang labi nito.
“I love you more, Simone.” bulong ko sa tainga niya at nilapat ang tainga ko sa tapat ng puso niya. Mabilis at malakas ang tibok na umaayon sa ritmo ng puso ko.
“Hangga't nandyan ka, hindi ‘yan titigil.” natigilan ako sa sinabi ni Simone nang seryoso.
“Simone...”
Tumingala ako sa kanya at nakitang nakangiti siya. Ang ngiting bihira niyang ipakita ngunit sa akin ay lagi niyang pinapakita.
“Remember? I will go, wherever you go and stop wherever you stop.” malumanay na sambit niya at pinunasan ang pisngi kong basa na pala.
“A life without you would be more painful than hell, Hurricane.” sambit niya at pinagdikit ang noo namin habang nakatulala ako sa nakapikit niyang mga mata.
Mahina akong tumawa, para pagtakpan ang kaba at pagkabalisa ko sa sinabi niya.
“Ano bang sinasabi mo, Simone? Hindi ako mawawala! Masamang damo ako!”
“Tss, masamang damo. Kung ano ano sinasabi mo sa mga isip batang baliw na yon.” mahinang pinitik niya ang ilong ko, hehehe.
“Caneeee~ may pagkain na.” narinig kong boses ni Lihtan.
“AKING BINIBINI~! KAIN NA.” malakas na boses ni Taki, pfft!
“Cane, Mahaaaaaal! Inuubusan na kayo ni Lihtan matakaw!” sigaw ni Tenere.
“H-Hindi ‘yon totoo, Cane.” -Lihtan
Narinig ko ang buntong hininga ni Simone at hinila ako patungo kung nasaan sina Lihtan, Tenere at Taki. Pinagmasdan ko ang magkahawak naming mga kamay at napangiti.
Nang makarating kami sa pwesto nila ay agad na inabot ni Lihtan ang pagkain na hawak niya. Napangiti ako dahil siya ang laging nagtatabi ng pagkain para sa akin. Pansin ko ring laging lamang ang dami ng binibigay niya palagi sa akin at talagang pinauubos sa akin. At sa t'wing hahatian ko sila, hindi siya pumapayag dahil para sa akin daw ‘yon.
“Kain ka na, Cane.” -Lihtan
“Salamat Lihtan, hehehe.”
“Ubusin mo ‘yan, Cane ah?” -Lihtan
“Hehehe. Opo Sir Lihtan.”
Nginitian ako ni Lihtan bago umupo sa tabi ni Taki na maganang kinakain ang malaking inihaw na isda sa hawak na stick na gawa sa sanga.
Ang sarap talaga ng mga isda rito, hehehe.
“Taki, paano mo nagawang ilabas ang kapangyarihan mo?” kuryosong tanong ni Lihtan.
“Hindi ko rin alam, Lihtan eh.” nakangusong sagot ni Taki matapos lumunok.
Hmm, palaisipan din sa akin ang tanong ni Lihtan.
“Mabuti ka pa, Taki. Kaya mo nang palabasin ang kakayahan mo.” sambit ni Lihtan.
Napatigil si Taki at nilingon sina Lihtan at Tenere na sabay na nagpakawala ng buntong hininga.
“Lalabas ‘yan nang di niyo inaasahan.” bagot na sambit ni Simone habang ngumunguya. Sabay sabay naming nilingon si Simone.
“What?” -Simone
“Tama si Simone!” masayang sang-ayon ni Taki na nakapagpangiti kay Lihtan at Tenere.
“Iba talaga si Mahal. Payakap nga!” ngisi ni Tenere.
Natawa kami nang itaas ni Simone ang kamao niya.
“Tingnan niyo! Iba rin maglambing! Pamatay! Hahahahahaha!” -Tenere
Napangiti ako sa tawanan nila at ininom ang inabot na tubig ni Lihtan. Nang maalala ko ang nakita ko kaninang madaling araw, ang ginagawa ni Lihtan.
Napabuntong hininga ako at napatitig sa hawak kong baso.
“Cane, may problema ba?” nag-angat ako ng tingin kay Lihtan at marahang umiling.
“Aking binibini, naghahanap ka ba ulit ng sagot?” -Taki
“Sagot?”
“Nakwento ni Lihtan na naghahanap ka ng mga sagot Cane, hahaha!” -Tenere
Natawa ako nang mahina. Lihtan talaga. Ang cute cute ng mga katanungan niya sa mundo.
“Tama, naghahanap ako ng sagot.” nangingiting sambit ko. Naramdaman ko ang pag-usog ni Simone palapit sa akin. Mukhang interesado si Sir Simone, hahaha!
“Tulungan ka namin, Cane.” determinadong sambit ni Lihtan. Hehehe. Ang cute cute talaga. Pi-nat ko ang ulo ni Lihtan, hehehe.
“Iniisip ko kung sino ang pinaka-maganda sa inyong apat.” nanlaki ang mga mata nila maging si Simone.
“Cane naman! Tinatanong pa ba ‘yan? Ako! Cane! Ako!” sambit ni Tenere habang nakalapit ang mukha niya sa akin at tinuturo ang sarili niya.
“Aking binibini, tumingin ka kay Taki.” nilingon ko si Taki na nakangiti ng malawak at labas ang lahat ng ngipin. Pfft~!
“Cane, nandito ang sagot.” prenteng upo ni Lihtan nakaturo rin sa sarili niya. Hahaha.
Napatingin ako sa katabi ko na tumikhim at umusog pa palapit sa akin. Paglingon ko ay nakatingin nang seryoso sa'kin si Simone at biglang...kumindat!
“WAAAAAAH! KINDAT KINDAT KA PA RIYAN! KAYA KO RIN ’YAN, AKING BINIBINI!” -Taki
“Mahal! Yung puso ko!” -Tenere
Nang lingunin ko si Lihtan ay pinag-aaralan niyang kumindat kaya lang sabay niyang nai-pipikit yung mga mata niya. Hahahahahahaha! Omygosh! Lihtan!
“Simone, Tenere, Taki paano yon? Turuan niyo ko niyan.” inosenteng pakiusap ni Lihtan na nagpatawa sa akin malakas.
Nagpatuloy kami sa paglalakbay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang likod ng apat na lalaki sa unahan ko. Si Simone na mukhang seryoso pero nakikinig sa sinasabi nung tatlo. Si Tenere na hindi natatakot sa bigat ng sapak at batok daw ni Simone at nagagawa pang umakbay habang tawa nang tawa. Si Taki na parating puno ng enerhiya at sigla sa pagsasalita habang naka-angkla ang magkabilang braso sa braso nina Tenere at Lihtan. Nasa gitna siya ng mga ito at kahit na hindi ko alam ang pinag-uusapan nila ay mahahawa ka sa tawa nito. At si Lihtan na nakatingin sa tatlo at maya't maya ang tanong, nakangiting tumatango sa mga kasama niya.
“Hey...” lingon ni Simone sa akin.
“Dito ka, aking binibini. Wag ka kay Simone, weird yan.” hila ni Taki sa akin at nilagay sa gitna nila Lihtan.
“What?” -Simone
“Hahahahahaha!” -Tenere
“Cane, oh.” abot ni Lihtan sa isang pirasong hawak niyang happy dreams chocolate.
“Pag nasa Pinas ka na, ipapanood ko sa’yo lahat ng episodes ng ‘Doraemon.’” bungisngis ko na kinataka ni Lihtan, hehehehe.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Simone.
“Doremon? Ano ‘yon, Cane?” walang muwang na tanong ni Lihtan habang naka-angkla sila ni Taki sa magkabilang braso ko.
“Oo nga, tao ba ‘yon, aking binibini?” -Taki
“Hindi, hehehe.”
Tiningnan ko ang hawak kong compass, napatigil kami nang may maramdamang malapit sa paligid namin. Mabilis silang pumaikot sa akin na para bang nakaabang sa anumang panganib.
Hinanda ko ang sarili ko at mahigpit na hinawakan ang espada ko sa likod.
“Magpakita kayo!” malamig na bigkas ko, isa isang nagsulputan ang mga nakatago sa itaas ng mga puno.
(Anue Knight, sino sila?)
‘Binibini, sila ang mga kauri ni Eloisa. May kakayahan silang makita ang hinaharap.’ seryosong sagot ni Anue Knight.
“Hanggang diyan lamang kayo.” malamig na anas ng nasa harap.
“Dadaan lamang kami.” mahinahong sambit ko at tiningnan ang unang nagsalita. Binitiwan ko ang pagkakahawak ko sa aking espada.
“Hindi maaari, binibining itinakda.” seryosong sambit muli nito.
“Alam niyo ang pakay naming. Nandito kami upang iligtas ang mga Prinsesa at Prinsipe at makarating sa lugar na pinagmulan ng lahat.” malamig akong tiningnan ng mga ito na sinalubong ko rin ng blangkong tingin.
“Ang pagkabuhay mo ay isang pagkakamali.” sa isang iglap ay naglabasan ang mga natitirang assassins, reapers at ninjas. Anim na lamang sila, ang iba sa kanila ay wala na nang atakihan kami ng mga infected humans. Mas pinili nilang tapusin ang mga buhay nila kaysa maging isa sa mga ito.
“It’s our duty to protect you, Our Young Goddess, till our last breath.” ang kanilang huling litanya bago nila barilin ang mga sarili nilang bungo.
“You have no rights to say that to our Young Goddess!” mariing sambit ng isa sa aming mga Reapers.
“Libo-libo at hindi mabilang ang patong-patong na kamatayan ang mararanasan ng sangkatauhan. Madugo at puno ng karahasan.” sambit ng pinakamay-edad sa mga ito. Mahaba ang puti nilang buhok at purong puti rin ang kanilang mga kasuotan.
“Maaaring ikaw ang makalulutas ng mga ito ngunit ang pagkabuhay mo kasama ng iyong mga halimaw ay siya ring magdadala ng kawakasan sa sangkatauhan.” mabigat na sambit ng isa pa sa mga ito.
Itinaas ko ang kaliwang kamay ko.
“Step back. That’s an order.”
“Yes, Young Goddess.” atrasan ng mga tauhan naming.
“Paano niyo nakuha ang sagot kung hindi niyo pa nakikita ang katapusan?” natigilan ako nang marinig ang malamig na tanong ni Lihtan.
Nakita kong natigilan din ang mga nakapalibot sa amin.
“Sino kayo upang kwestyunin ang buhay namin?” malamig na tanong muli ni Lihtan at umabante.
“Wala kayong karapatang insultuhin si Cane.” nagtindigan ang balahibo ko sa tinuran ni Lihtan at nang tingnan ko sina Simone, Tenere at Taki ay tulad ng ekspresyon ni Lihtan ay nakakakaba ang malamig at blangko nilang tingin sa mga kaharap namin.
Natuptop ang mga bibig ng mga kaharap namin at halata ang pagbalatay ng takot at kaba sa mga ito.
Nanatili akong tahimik.
“Paraanin niyo kami, wala kaming balak na saktan kayo.” malamig na ngisi ni Tenere at hinugot ang espada mula sa gilid ng baywang niya.
“Ngunit kung hindi kayo makikinig, paumanhin sa maaaring mangyari.” dagdag na banta ni Tenere habang nakangisi.
Tenere.
Nahawa ka na ba ng tuluyan kay Simone? Napangiwi ako nang makita ko ang pagka-aliw ni Simone habang nakatingin kay Tenere. Wala sa sariling napakamot ako sa kilay ko.
Ah, Simone...
“Binibini.” rinig kong sambit ng matanda sa aming harapan.
“Ha?”
Nagulat ako nang bigla silang isa-isang nagluhuran!
“Anong...ginagawa niyo?” gulat na tanong ko at lumapit sa mga ito.
“Binibini, ikaw na lamang ang aming pag-asa.” kinuha ng nasa harapan ko ang dalawang kamay ko at nakita ko kung paano ito natigilan at lumuha.
Tulad ng reaksyon ni Eloisa nang hawakan ang kamay ko.
“Anong nakita mo?” malamig na tanong ni Simone nang sa isang iglap ay hawak na niya ang kwelyo ng humawak sa mga kamay ko.
“Simone...” pigil ko rito pero hindi ito nakinig.
“Sabihin mo...ano?” mariing tanong ni Simone.
“Kamatayan...mamamatay ang binibini.”
Kinuyom ko ang kamao ko at napabuntong hininga.
“Hindi...hindi mamamatay ang aking binibini! Hindi! Hindi! Hindi! Hindi ‘yan totoo! Hindi ako papayag! Hindi!” -Taki
“C—Cane...hindi ‘yon totoo di ba?” -Lihtan
“Cane...” -Tenere
Nanghihinang binitiwan ni Simone ang hawak niya sa kwelyo at dahan dahang humarap sa akin. Sumalubong sa akin ang mga mata niyang may namumuong luha.
“Maga-around the world pa tayo, papasok sa school ng sabay sabay, kakain ng mga masasarap at manonood pa tayo ng doraemon kaya hindi ako mamamatay. Hindi ako mawawala. Wag kayong maniwala sa sinasabi nila.” nakangiting sambit ko at binalingan ang mga nakaluhod na gulat na gulat sa sinabi ko.
“Nangako ako sa pamilya ko at hindi ko sila bibiguin.” matatag na sambit ko at nilagpasan ang mga ito.
Napahinto ako nang muling magsalita ang isa sa mga ito.
“Tulad mo ay pinigilan namin ang kapalaran ni Eloisa. Ilang taon na ang nakakaraan nang isilang si Eloisa. Nakita namin ang kapalaran niya at ang pangyayaring ito ay kasama na rin sa aming pangitain. Si Eloisa ay isang mabait, masiyahin at hindi marunong magsinungaling oras na tanungin.” malalim ang boses na sambit ng matandang ginang na nanatiling nakaluhod sa harapan ko at nakayuko.
“Hindi namin nakikita ang kapalaran ng mga kapwa kauri namin ngunit nang ipanganak si Eloisa ay nang hawakan ko ang maliit nitong kamay ay nakita ko ang kapalaran niya. Hindi lamang ako, kaming lahat ay nakita ’yon. Nang isilang pa lang ito ay pilit na naming itinago at nilalayo. Dahil si Eloisa ang magdadala ng kadiliman at kaguluhan oras na mag-krus ang landas nila.”
“Sino ang tinutukoy mo?” mahinahon at seryoso kong tanong habang nakayuko sa matandang ginang.
“Hindi namin alam ang ngalan ng nilalang na ’yon.” sagot nito. Niluhod ko ang isang tuhod ko at ni-lebel ang mga mata sa matandang ginang.
“Siya ba ang pumaslang kay Eloisa?” tumango ang ginang bilang sagot.
“Paano niyo nalaman?”
“Kung inyong mamarapatin at gustong malaman ay nais namin kayong imbitahan sa aming kampo.”
Tumayo ako at sinulyapan ang mga kasama ko na naghihintay din ng desisyon ko.
“Susunod kami.” sambit ko.
Makalipas ang isang oras ay nakarating kami sa kanilang kampo. Napatigil ang lahat nang makita kami.
“Paano kayo nananatiling ligtas sa lugar na ito?” tanong ko.
“Marami kaming mga bitag sa paligid at bantay, binibini.” magalang na sambit nito.
Tumango ako at binalik ang tingin sa mga kauri ni Eloisa na mga nasa apatnapu ang bilang. Mangha silang nakatingin sa amin.
Iginaya nila kami hanggang sa makarating kami sa malaking kweba na purong puti at kumikinang dahil sa mga nakadikit na mga bato o mga dyamante. Pumasok kami sa loob at huminto sa harapan ng isang...balon?
“Ipakita sa amin ang katapusan ni Eloisa.” sambit ng matandang ginang at nilagay ang palad sa tubig ng balon.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko nang unti unting mabuo ang isang imahe kung saan magkaharap kami ni Eloisa sa Mental Institution na pinagbisitahan ko. Ipinakita rito ang pagyuko ko at pag-alis. Naiwang nakaupo si Eloisa na nakangiti hanggang sa may biglang pumalit ng upo sa kaninang upuan na inupuan ko.
Nakatago ang mukha nito sa suot na itim na jacket at naka-face mask.
“Eloisa...Eloisa...Eloisa...” malademonyong tawag nito kay Eloisa na namumutlang nakatingin sa kaharap.
“Hindi ka magtatagumpay.” sambit ni Eloisa.
“Ang magandang binibini ba na iyon ang nakatakda?” nababatid ko ang ngisi nito kahit na may harang sakanyang mukha.
“Siya ang tatapos sa’yo.” may ngiting sambit ni Eloisa.
“Hindi isang hamak na tao ang makakapaslang sa akin, Eloisa dahil ako ay makapangyarihan.”
“H'wag kang pakasisiguro, hindi siya nag-iisa.”
“Hahahahaha. Ang mga alamat na halimaw ba ang tinutukoy mo? Inubos ko na sila, mga wala na silang buhay.”
“Nagkakamali ka, hindi ka nagtagumpay.”
Natigilan ang kaharap ni Eloisa at sumandal sa kinauupuan.
“Nabubuhay pa ang mga lapastangang uri nila. Nasaan sila?” mariing tanong nito.
“Hindi ko alam.” nagtagis ang panga nito.
Itinaas ng kaharap ni Eloisa ang kaliwang kamay nito hanggang sa tumadtad ang napakaraming bala sa katawan ni Eloisa.
Natulala ako sa nasaksihan ko. Nawala ang mga imahe sa balon.
Kung ganoon, ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin matugis ang pumaslang kay Eloisa ng pamilya ko. Malayang naglalabas masok sa aming bansa ang pumaslang kay Eloisa at may otoridad na pinamumunuan o organisasyon.
“Hindi namin alam kung saan nagmula ang nilalang na iyon binibini ngunit ang nilalang na iyon ang magdadala ng kadiliman at kaguluhan sa sangkatauhan.”
Hinarap ko ang mga ito.
“Kung doon pa lamang ay nakita na ako ng nilalang na tinutukoy niyo, bakit doon pa lang ay hindi ako nito pinagtangkaan?”
“Dahil walang kakayahan ang nilalang na iyon na saktan ang mga tao, binibini. Dahil sa proteksyon ng Panginoon ng Liwanag.”
“Kung ganoon, may mga tao itong pinamumunuan.” nakumpirma ko ang hinala ko nang tumango ito.
“Ikaw ay tao, binibini ngunit mapapaslang ka niya oras na matagpuan mo na ang mga halimaw at oras na mapasakamay mo ang espada sa katauhan ni Anue Knight.”
“Dahil hindi niya masasaktan ang mga tao ay gumawa siya ng isang organisasyon, grupo ng mga tao na susunod sa lahat ng layunin niyang maging Panginoon ng lahat...ngunit,”
Hindi ko maintindihan ang tingin na binibigay nila sa akin na kinakunot ng noo ko.
“Bakit?” tanong ko.
“Binibini, parating may humahadlang at pumipigil sa paghahasik ng mga alagad ng masamang nilalang na ‘yon. Ang pamilya mo ang kumakalaban sa organisasyon na binuo ng nilalang na ‘yon.” may paghanga at di makapaniwalang sambit nila.
“Anong klaseng pamilya ang pinagmulan mo, binibini? Kahanga hanga.” saglit na natigilan ako sa mga sinasabi nila tungkol sa pamilya ko.
Tipid na ngumiti ako.
“Simple pero mapangahas.” ang ngiti ko ay naging ngisi na nakapagpalunok sa kanila.
Huminga ako nang malalim at nagseryoso.
“May gusto pa akong malaman.” sambit ko sa mga ito.
“Ano yon, binibini?”
“Anong impormasyon ang sinabi ni Eloisa sa nilalang na ‘yon?”
Tumalikod ng bahagya ang matandang ginang sa akin.
“Pilit man naming itago at pigilan ang pagkikita nila ay tumakas si Eloisa sa kagustuhang magtungo sa iba't ibang lugar hanggang sa magtagpo ang landas nila at hawakan ni Eloisa ang kamay ng nilalang na ‘yon.”
“Sinabi niya sa taong ‘yon ang magiging kapalaran nito at ang nakatakdang pumaslang dito na walang iba kundi ikaw binibini.”
“Hindi siya pinaslang ng nilalang na ‘yon dahil si Eloisa lang ang makakatukoy at makakapagturo kung sino at nasaan ang itinakda. Tanging si Eloisa lang, binibini,”
“Lumuluhang bumalik sa aming kampo si Eloisa at lahat kami'y nagalit sa kanyang ginawa. Nagsisi siya at pinatawad namin dahil hindi niya ginusto iyon ngunit hindi niya matanggap hanggang sa magpakita sa amin mula sa hindi namin alam kung saan sa unang pagkakataon si Anue Knight. Ang sinugo at alagad ng Panginoon ng Liwanag.”
“Nagpakilala siya at tinanong ang gusto ni Eloisa. Hiniling ni Eloisa na parusahan siya sa kanyang kahangalan. Hiniling niyang dalhin siya sa isang lugar na walang maniniwala sa mga sinasabi niya at tinupad ‘yon ni Anue Knight.”
Hindi ko maiwasang malungkot sa mga pinagdaanan ni Eloisa.
Eloisa, hindi kita bibiguin sa kahilingan mong wakasan ang kasamaan ng nilalang na ‘yon at pigilan ang kinatatakutan mong mangyari, sinusumpa ko ‘yan sa’yo.
“May lugar na hinahanap kami. Ang kinaroroonan nila Prinsesa Andrea.” sambit ko sa mga ito.
“Alam ko. Alam ko po.” sambit ng isang maliit na tinig. Nakita namin ang isang paslit na nasa apat na taon na nagtatago sa likod ng balon.
“Mara, ikaw na bata ka. Kanina ka pa hinahanap ng iyong ama.” sambit ng isang kararating na binibini.
“Paumanhin po sa paggambala ng batang ito.” namumulang sambit nito.
“Sandali lang, Urayi.” pigil sa mga ito.
“Mara, totoo bang alam mo kung nasaan ang tinutukoy ng binibini?” tanong ng matandang ginang.
“Opo! Opo!” masayang sambit ng batang babae.
Nakangiting lumuhod ako at sinuklay ng marahan ang buhok nito.
“Tatlong araw nang nawawala ang batang ‘yan, binibini. Napakatigas ng ulo.”
Natawa ako nang mahina dahil parang nakikita ko ang sarili ko kay Mara. Likas na gala kahit mapanganib.
“Narinig ko ang pangalan na Prinsesa Andrea, maganda po siya di ba? May mga kasama rin po siyang mga Prinsipe at Prinsesa. Kawawa nga po sila eh, puro sila pasa.” may lungkot na sambit ni Mara.
Napabuntong hininga ako sa nalamang kalagayan nila.
“Ituturo ko po sa inyo kung saan sila dinala, hehehe.” napakamot ako sa kilay dahil sa sinabi ni Mara.
“Mapanganib mag-dora, Mara.”
“Dora?” naguguluhang tanong ni Mara.
“Oo, hehehe. Dora ibig sabihin gumala, hehehe.”
“Ngunit gusto ko mag-dora kasama ka, hehehe!”
“Wala kang backpack.”
“Damn, my Young Goddess really.” sumusukong ngisi ni Simone na parang di na alam ang gagawin sa akin.
Kiss niya na lang ako, hehehe.
“Cane, magkakilala ba si Doreymon at Dora?” tanong ni Lihtan.
Aww! Lihtan, hahaha!
“Tutuklasin natin ‘yan, Lihtan, hehehe.” sambit ko na kinatango at ngiti ni Lihtan.
“Ako rin, tulong ako, aking binibini.” -Taki
“Sama kami ni Mahal diyan!” -Tenere
“Waaaah! Sama rin po ako ah!” paglalambing ni Mara.
Aaah~! Kahinaan ko ang mga cute na bulinggit, huhuhu. Gusto ko siyang iuwi sa Pilipinas.
“Sige, ipagpaalam kita, Mara. Hehehe. Hintayin mo lang” sambit ko na nakapagningning lalo sa mga mata nito.
Dumiretso ako ng tayo.
“Hehehe, Tenere?” untag ko kay Tenere.
“Sige Cane! Ako ang bahala!” -Tenere
“Huh?” wala pa kong sinasabi paano niya nalaman?
“Ako na ang maghahatid kay Mara!” nakangiting sambit ni Tenere na kinangiti ko dahil iyon ang ipapakiusap ko.
“M-Mag-iingat po kayo.” sambit ni Urayi.
“Salamat, Urayi. Hindi pababayaan ni Tenere si Mara.”
“Ang magandang lalaking si Tenere ang bahala, magandang binibining Urayi.” kindat ni Tenere na kinapula ng mukha ni Urayi.
“Damn playboy.” napapailing na sambit ni Simone.
“Ano pa po hinihintay niyo? Tara na po! Magdora! Magdoraaa!” -Mara
“Dora! Dora!” -Taki/Lihtan
Nakita naming hila hila ni Mara ang mga kamay nina Lihtan at Taki.
“Dora! Dora! Lezzz gooo!” hiyaw ko habang hila sina Simone at Tenere sa mga braso nila. Hahaha.
Natawa ako nang mahina habang nakatanaw kila Mara. Anim na hakbang ang layo namin sa kanila.
“Cane, naalala mo yung pangako ko sa’yo?” biglang tanong ni Tenere nang seryoso. Nakakapanibago sa t'wing nagseseryoso si Tenere.
May tipid na ngiting lumingon siya sa akin.
“Sa oras na manganib ang buhay mo, itatakas kita. Ililipad kita sa lugar na walang makakapanakit sa’yo.” sinserong sambit ni Tenere. Napaawang ang labi ko, huminto siya sa paglakad at ginulo ang buhok ko.
“Tandaan mong may isang magandang lalaking Tenere na handang ilipad ka kahit saan! Hahahahahaha!” matapos niyang sabihin ‘yon ay humabol siya kila Taki at nakipagkulitan kay Mara.
Saglit na natulala ako.
“Makakahinga ako nang maluwag kahit kaunti dahil sa narinig ko sa baliw na ‘yon.” ngisi ni Simone na kinasimangot ko.
“Simone...” nagpatuloy kami sa paglalakad habang magkahawak kamay.
“I won’t let you die. You’re going to be my bride.”
“Yes, my groom.” ngisi ko na sinuklian niya rin ng ngisi.
“From now on, I’ll call you my bride.” tumatangong sambit ni Simone sa sarili sa maganda niyang ideya.
“My bride.” nakangiting sambit niya sa kawalan at lumingon sa akin.
“My groom.” tawag ko rin sa kanya at hinalikan ang likod ng palad niya.
“Hey, ginagawa mo na naman akong babae.” natawa ako sa pagbusangot niya.
“Mahal mo naman bleeeh!”
“Yeah, yeah. Mahal ko nga.” sumusukong sambit niya at pinatakan ng halik ang noo ko.
My groom...
Napangiti ako...
Simone is my groom, hihihi!
Nakarating kami sa lugar na tinuro ni Mara.
“Dito ko po sila nakitang huminto at pumasok. May ginawa sila upang magkaroon ng pinto ang pader.” sambit ni Mara. Sinilip ko ang hawak kong compass na nagwawala ang direksyon ng arrow.
(Anue Knight, anong nangyayari sa compass?)
‘Marahil ay may pumipigil na ituro ang lugar na ito binibini.’
Lumapit kami sa mataas na pader. Nang tingalain namin ay halos hindi namin makita ang hangganan.
“Ihahatid ko na si Mara.”
“Mag-iingat ka, Tenere.” Sambit naming.
“Paalam po! Sa susunod po ulit, dora tayooo” kaway ni Mara habang nakaangkas kay Tenere.
Nang makaalis na sila ay sinimulan na naming hanapin ang makakapaglabas ng lagusan.
Napatingin ako kay Taki na dinidikit ang tainga sa pader. Naalala ko na matalas ang pandinig ni Taki.
“Anong naririnig mo, Taki?” tanong ko.
“May naririnig akong mga mabibigat na yabag.” kunot noong sambit ni Taki.
“Mabibigat na yabag?” -Lihtan
“Oo at marami.” sagot ni Taki nang seryoso at umayos ng tayo.
Tiningnan ko ang paligid. Pinaiwan ko ang mga natitira naming tauhan sa lugar nila Mara.
Natigilan kami nang yumanig ang lupa at dahan dahang bumukas ang pader sa dalawa. Huli na ang lahat para maitago namin ang mga sarili namin.
Anong...klaseng mga nilalang ito?
“Damn. What the hell are these creatures?”
“Simone, may lumilipad at bumubuga ng apoy, baka kamag-anak mo.” -Taki
“What?! No fvck'n way!”
“Cane a-ang tangkad nila at laki.” -Lihtan
Para na kaming mga dwende sa tangkad ng ilan sa mga ito.
“Anue Knight, anong klaseng nilalang ang mga ito?” tanong ko kay Anue Knight.
‘May pagkain bang dala si Ginoong Lihtan?’
“Bakit mo tinatanong kung may pagkain si Lihtan? Nagugutom ka?” gulat na tanong ko.
“Cane may pagkain ako.” sambit ni Lihtan.
“Meron daw, Anue wewewe dapat kanina mo pa sinabing nagugutom ka! Paano ka kakain niyan? Isusubo ko sa espada?”
‘B-Binibini hindi para sa akin ang pagkain kundi para mapaamo niyo ang mga mababangis na halimaw na ‘yan.’
“Aaaah! Pakakainin daw natin upang di tayo saktan!” sambit ko na nakapagpahinga sa amin nang maluwag.
Salamat sa pagkain ni Lihtan, hehehe.
Kada may lalapit sa amin ay inaabutan namin ng pagkain, hehehe.
‘Nananakit lamang ang mga iyan sa oras na saktan, binibini.’
(Bakit narito sila?)
‘Iyon ang hindi ko masasagot, binibini. Mga nilikha rin sila ng Panginoon ng Liwanag.’
Sa t'wing naririnig ko ang ‘Panginoon ng Liwanag’ ay parang pamilyar sa pakiramdam ko. Malabo dahil hindi naman daw iyon nagpapakita sa kanila maging kay Anue Knight.
“Aaaaaaah!!! Mahaaaaal! Bumubuga ng apoy!”
“Tenere!!” gulat na tawag namin sa kanya dahil binubugahan siya ng apoy nung lumilipad sa itaas at hinahabol.
“Tenere! Saluhin mo!” hinagis ni Lihtan ang isang malaking tinapay na nasalo ni Tenere.
“LIHTAN! ANONG GAGAWIN KO SA TINAPAY MO?! GUSTO MO INITIN KO PARA MASARAP?!” -Tenere
“Pfft~!” -Simone
“Hahahahahaha!” -Ako
“HAHAHAHAHAHA!!” -Taki
“Ipakain mo sa humahabol sa’yo! Kaya mo ’yan! PAYTING!” cheer pa ni Lihtan.
Nakita naming binato diretso sa bunganga ng bumubuga ng apoy ang tinapay hanggang sa hindi na siya nito habulin.
Hingal na napaluhod si Tenere.
“Kamag-anak mo ba ‘yon, mahal?”
“Isa ka pa.” -Simone
Pinagpag ni Tenere ang tuhod niya at dumiretso ng tayo.
Napaatras kami nang makita namin ang nasa likuran ni Tenere. Tulad ng lumilipad sa taas na bumubuga ng apoy, kung malaki ’yon ay apat na beses na mas malaki ang nasa likuran ni Tenere.
“B-Bakit kayo umaatras?” namumutla at utal na tanong ni Tenere.
Tinuro namin ang nasa likuran niya.
Slow motion na umikot si Tenere at...
“UWAAAAAH!” tumalon paatras si Tenere at nagtago sa likuran ni Lihtan.
Nagulat kami nang dilaan ng kakaibang halimaw si Lihtan sa pisngi.
Eh?
“Mukha kang pagkain kaya ka siguro dinilaan, Lihtan, hehehe.” -Taki
Parang maamong umupo ito sa harapan namin, katapat ni Lihtan.
“Mukhang gusto ka niya Lihtan.” nakangiting sambit ko.
“Gusto?” -Lihtan
“Oo, Lihtan.” nakangiting sagot ko.
Inosenteng nilapitan ni Lihtan ang malaking halimaw.
“Gusto mo ako?” tanong ni Lihtan na sinagot ng ungol at tango ng malaking halimaw.
Tinanggal ni Lihtan ang suot niyang gloves at nilabas ang kakaiba niyang kamay at pinatong sa ulo ng halimaw.
Kumuha siya sa bulsa niya ng tatlong pirasong chocolitos. Gaano karami ang laman ng bulsa mo Lihtan?
“Ayos, may pantapat na tayo kay Simone kapag binugahan tayo ng apoy! HEHEHE!” -Taki
“Isasakay niya raw tayo, Cane.” masayang balita ni Lihtan.
“S-Sasakay tayo riyan?” namumutlang tanong ni Tenere.
“Waaaaah! Sige sige sige gusto kong lumipad!” -Taki
“Maaaaahaaaaal! Yakapin mo ko nang mahigpit huh?” mabilis na kapit ni Tenere kay Simone.
Namangha ako nang ilagay ng alaga ni Lihtan si Taki gamit ang mahabang buntot nito sa likuran. Magkatabi si Taki at Lihtan na tuwang tuwa.
“Dito ka aking binibini!” -Taki
“Sa gitna ka namin, Cane.” -Lihtan
Nakangiting tumango ako at hinayaan ang buntot na umikot sa baywang ko hanggang sa mapunta ako sa gitna nina Lihtan at Taki.
Natawa kami nang makitang naestatwa si Tenere nang umikot sa kanya ang buntot samantalang nakasimangot si Simone dahil sa pagkaupo niya palang ay mabilis na yumakap ng mahigpit si Tenere.
“Aarrgh! Di ako makahinga!” -Simone
“Mahal, natatakot ako. Yakapin mo akooo.” -Tenere
Natatawang nilabas ko ang compass nang magsimula nang lumipad ang bagong alaga ni Lihtan, hihihi.
Si Lihtan ang nagtuturo habang pinapaliwanag ko kung saan ang tinuturo ng compass.
Umilaw ang hawak kong compass tanda na nakarating na kami sa kinaroroonan nina Prinsesa Andrea.
Nakarating na kami.
YOU ARE READING
Mafia Heiress Possession: Hurricane Thurston
AdventureAn extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the Ten Kingdoms. Will she be successful in finding the three monsters and finally fulfill the prophecy...