Extra Untold Moments: Cane & Simone

19.4K 818 118
                                    

Extra Untold Moments
of
Hurricane and Simone


Simone sighed for the fifth time as he watched his beautiful naughty Princess in trouble again.

Mabilis na sinalo niya ang magtatangka sanang humawak dito at matalas na tiningnan.

"Don't you dare.."

"Waaaah! Simone! Nakakatakot sila!" Nguso ng labing limang gulang na si Hurricane at nagtago sa likuran ni Simone.

Napabuntong hininga si Simone at malamig na tiningnan ang mga natalo ng dalagang binabantayan niya sa drag racing.

Napakapasaway ng babaeng binabantayan niya.

"Hindi sila marunong tumupad sa usapan, Simone. Sabi nila kapag nanalo ako ibibigay nila mga kotse nila sa akin, bad sila 'no?" sumbong pa ng dalaga sa likuran niya habang hindi niya inaalis ang masamang tingin sa mga nakalaban ni Hurricane at mas humigpit ang pagpilipit sa kamay ng pangahas na hahawak sana sa dalaga.

"What do you want me to do then, My Young Goddess?" seryosong tanong ni Simone na nagbigay ng matinding takot sa mga nasa paligid nila.

Nagulat ang mga kalalakihan nang mula sa inosente at maamong mukha ng dalaga ay naging seryoso at ngumisi ito.

"I want my prize, ayoko ng tino-talk shit, Simone! Bad daw yon sabi ni Mommy!"

"As you wish, My Young Goddess.." sagot ni Simone at naglakad sa gilid at may hila hilang upuan. Humanda sila gagawing pag atake nito ng buong akala nila ay ihahampas sa kanila ang upuang yari sa kahoy nang itapat nito iyon sa dalagang si Hurricane. Napanganga sila nang umupo doon ang dalaga habang humihikab.

Hindi na bago ang ganitong senaryo dahil sa t'wing may nagtatangka sa dalaga ay sumusulpot siya at pauupuin ang dalagang binabantayan niya habang pinanonood siya.

He loves spoiling his troublemaker. Always.

"I'll finish this right away," mahinahong sambit ni Simone

"Thank you, Simone, hehehe.."

Wala pang isang minuto ay namimilipit na sa sakit ng katawan ang mga kalaban ni Simone, samantalang nakahalumbabang pinapanood ni Hurricane ang bawat atake nito. Pinagmamasdan ng dalagang si Cane ang mga namimilipit sa semento. Walang emosyon at hindi mabasa ang binabalak ng maamong mukha nito. Bumalik sa kanyang tabi si Simone at matalas na tiningnan ang mga ito.

"Nasaan ang ibang mga kotse?" tanong ni Cane

Nnagkatinginan ang mga ito at hindi namumutlang hindi makasagot.

"Sasagot kayo o bibitayin ko kayo.." salubong ang kilay na sambit ni Simone nang hindi sumagot agad ang mga ito.

"Well, hindi marunong bumali ng salita si Simone kapag sinabi niya gagawin niya hehehe.." pananakot pa ng dalagang si Cane at pigil ang ngisi nang makita ang matinding takot sa mga mata ng mga ito.

"Wag niyo galitin si Simone, ayokong nagagalit siya kasi nagagalit ako sa gumagalit sakanya.." nakangiting dagdag pa nito na nagbigay ng kilabot sa mga naroon.

Bahagyang natigilan si Simone at palihim na ngumiti at puno ng adorasyong tiningnan ang likod ng binabantayan niya na nakapagpanganga sa mga nakakita dahil mukha itong maamong nilalang ng kanyang amo at huminahon.







"Hurricane.." seryosong tawag ni Storm Thurston nang makasalubong ang bunsong kapatid na kumakain ng barbeque kasama ang bantay nito na mabilis na nagbigay galang.

"Oh! Hi, Storm! Gusto mo?"

"What did you do this time, Hurricane?" mahinahong tanong ni Storm na diretso ang tingin kay Simone at tulad ng inaasahan nito...

"She captured the gang of thieves, Young Master and she gave it back to it's owners.." paliwanag ni Simone ng seryoso

Napabuntong hininga si Storm at nilingon ang bunsong kapatid na nangingiti sa gilid.

"Aryt, please be careful.."

"Yes, Young Master,"

Matiim ang tingin ni Storm kay Simone na kinanguso ni Hurricane at hinila sa braso ang kanyang bantay.

"Stop staring, Storm! He's mine!" nakangusong hiyaw ni Hurricane. Gumuhit ang gulat sa gwapong mukha ni Storm Thurston sa litanya ng kapatid.

Salubong ang kilay nito at pinagdadamot ang bantay na namumula ang pisngi.

"Damn.." bulong ni Storm sa sarili at napasapo sa noo na tila may may reyalisasyong natanto.

"What's happening here?" malamig na tanong ng bagong dating na si Thunder sa naabutang senaryo. Kagagaling lamang nito sa gym at tagaktak ang pawis.

"Thunder! Si Storm kasi eh!" sumbong ni Hurricane

Tiningnan ni Thunder si Storm na parang problemado.

"What did you do, Storm?" tanong ni Thunder habang salubong ang kilay.

"This is bad, damn bad.." problemadong bulong ni Storm na hindi nakaligtas sa pandinig ni Thunder.

"Don't ever go near him, Simone...you're mine," natigilan si Thunder nang marinig ang sinabi ng kanilang munting bunso at naiwan sa ere ang pagpupunas ng pawis sa leeg. Umawang ang bibig at nilingon ang kapatid na pinagdadamot ang bodyguard nito na nakatulala.

"Simone, answer me. You're mine, right?" pakiramdam ni Simone ay tumigil ang mundo niya sa tanong na iyon at ang tanging nakikita lang ay ang malambing na mga mata ng kanyang pasaway na pinangangalagaan na tila nagsusumamo na pumayag.

Tumikhim si Rain Thurston na kanina pang nakikinig at lumabas sa kinasasandalan. Seryosong tiningnan ng magkakapatid si Simone na nakatulala pa rin.

"What makes you think that I will take him?" seryosong tanong ni Storm na tinapatan ng kaseryosohan ni Hurricane.

"I hate the way you look at him, I just don't like it...para kasing interasado ka.." nakangusong sagot ni Hurricane sa kanyang Kuya.

"He's interesting, baby sis.." ngisi ni Storm at sinulyapan si Simone na nakatulala pa rin sa kanilang bunso.

"Hmmp! Let's go, Simone! Di ko sila bati!" hinila nito ang bodyguard na nagpaubaya sa pagtangay nito. Sabay sabay na napailing sina Storm, Rain at Thunder.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon