Pahina 38

27.7K 1.1K 163
                                    

Pahina 38
Start of Survival or Deaths?
Part 1


"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!"

Nagkatinginan kami ni Simone nang marinig ang galit na sigaw na nagmumula sa kuta. Bumitaw kami sa pagkakahawak at sabay na tumakbo.

Nakita namin ang nakadalong si Tenere sa isang ginang na namumutla na natitiyak kong isa sa mga biktima ng sakit. Pagtingin namin kina Taki at Lihtan ay nakaharang sila sa harapan ni Tenere na parang pinoprotektahan na hindi makalapit ang mga galit na mamamayan.

"Waaaaah! Aking binibini, Simone." ngawa ni Taki at para silang nakahinga nang maluwag.

"Anong nangyari?" tanong ko nang makalapit.

Akmang luluhod ako para daluhan ang ginang na nasa bisig ni Tenere...

"Hinawakan nila! Bago pa tayo mapahamak at mahawa ay dapat na silang paalisin kasama ng mga peste!"

"Tama! Tama!!"

Nakita kong natigilan sina Lihtan, Tenere at Taki maliban kay Simone na salubong ang kilay tanda ng hindi pagkagusto sa nangyayari at naririnig.

Hinawakan at nilagay ko ang daliri ko sa pulso ng ginang at dinama ang pintig.

"C--Cane..." tawag ni Tenere sa akin na parang iniisip na mali siya, sila.

"H'wag kang mag-alala, magiging mabuti ang kalagayan niya. Magtiwala ka lang, gagaling siya." nakangiting sambit ko at ginulo ang buhok ni Tenere.

Naaalala niya siguro si Matilda sa ginang na ito.

Bigong tiningnan ko ang natahimik na mamamayan.

"Naiintindihan namin ang takot na nararamdaman niyo, ngunit hindi sapat na rason ito para umaakto na parang walang puso at walang awa." tiningnan ko isa isa ang mga ito habang nasa harapan ng mga kasama ko na nakatayo na rin.

"Minsan ba ay sumagi sa isip niyo na paano kung isa mga mahal niyo sa buhay ang nasa ganitong kalagayan, at tinrato ng tulad nito. Maaatim niyo ba?"

Muli silang natahimik.

"Habang kayo, abala sa pagligtas ng mga sarili niyo. Sila na biktima, ay abala para ipaglaban ang buhay nila. Alam niyo ang ang tawag sa ginagawa niyo? Pagiging makasarili."

"S-Sino ka upang insultuhin kami?!" mabagsik na sigaw ng binibining sumigaw kanina at tila pasimuno.

"Hindi na importante ang katauhan namin, kayo subukan niyong itanong sa sarili niyo 'yan! Kayo ay mamamayan ng Dessertum! Bakit wala kayong ginagawa para tulungan sila?!" sigaw ko rin na nakapagpaatras sa kanila nang tapatan ko ang bagsik nito.

"Hindi mawawakasan ang problemang ito kung pare-parehong iiwasan at tatakasan! Isipin niyo ang mga anak niyo at ang mga susunod na henerasyon na makakaranas nito! Paulit ulit lang itong mangyayari! Naiintindihan niyo ba? Mas mabuting mamatay nang may kabuluhan, nang may nagawa, nang may natulungan at lumaban kaysa mamatay na duwag at walang nagawa! Kailangan niyong kumilos dahil kayo ay mamamayan ng Dessertum, ang kapwa niyo naninirahan doon ay humihingi ng tulong. Ito na sila nakikita niyo! Kumilos kayo nang makatao at nararapat! Pinaiinit niyo ulo ko!"

Mula sa pagkakapikit ay rinig na rinig ko ang tanging huni ng mga ibon at wala na akong marinig na iba pa sa tindi ng katahimikan. Oh oh. Sumabog ang pasensya ko.

Huminga ako nang malalim at dumilat.

Hihingi na sana ako ng pasensya nang magulat ako nang isa isang magsiluhuran at nag-iiiyak.

Eh?

"B-Binibini, tama ka, napakasama namin."

"Hindi ko na kaya ito, kung mamamatay man tayo ay ayos lang. Ang mahalaga ay nakatulong tayo."

"Ayokong mangyari sa pamilya ko ang mga nangyayari."

"Kailangan nating tumulong."

"S-Sandali lang ano kasi--" hindi ko malamang sambit at hindi matuloy tuloy dahil sa sabay sabay na salita ng mga ito.

"Ang sama sama natin, nasusunog na ang kaluluwa natin."

"Ayoko mapunta sa demonyo, huhuhu."

"Ah eh..." napakamot ako sa ulo ko at humarap kina Simone, Lihtan, Tenere at Taki na nakaawang ang mga bibig at gulat na gulat na nakatingin sa akin.

"Payting? Hehehe." sambit ko at parang doon lang sila natauhan.

"PAYTING!" -Lihtan, Tenere, Taki

"Payting." nakangising sambit ni Simone.

"PARA SA KAPAYAPAAN!" biglang sigaw ni Taki.

"PAYTING!" sigaw nina Tenere, Lihtan at Taki maging ni Simone.

"Ano 'yong 'payting'?" bulungan sa paligid.

"Simone, ipaliwanag mo na." utos ni Lihtan.

"Inuutusan mo 'ko?" -Simone

"Cane oh ayaw ni Mahal!" -Tenere

Nagkatinginan kami ni Simone. Pfft~

"Paliwanag mo na, Sir Simone." natatawang segunda ko.

"Bilis na, Simone." -Taki

"Ang 'payting' ay isang ritwal na sinasagawa para maging matagumpay, kapag nahihirapan." -Simone

"PAYTING!!" -Ako, Lihtan, Tenere, Taki

"Kapag may hamon..." -Simone

"PAYTING!!" -Ako, Lihtan, Tenere, Taki

"Kapag may patayan..." nakakapangilabot na ngisi ni Simone.

"P-PAYTING!!" -Ako, Lihtan, Tenere, Taki

"PARA SA KAPAYAPAAN!" malakas na hiyaw ni Taki.

"PAYTING!"

"PAYTING!!!"

"HAHAHAHAHAHA! PAYTING!"

At dito nagsimula ang alamat ng 'Payting'.

BWAHAHAHAHA!

"Anong gagawin namin?" tanong ng mga ito sa amin.

"Magtatayo tayo ng malaki at malawak na bahay pagamutan." nakangiting simula ko

"Dito? Sa gitna ng kagubatan?" gulat na tanong nila at muling nagsimulang magbulungan na parang malabo 'yon mangyari.

"Tama, sa gitna ng kagubatan! Mas magandang magtayo rito dahil bukod sa hindi matao ay sariwa ang hangin! At higit sa lahat ay nandito sa kagubatan na ito ang lahat ng halamang gamot at masusustansyang pagkain na makakatulong sa paggaling ng mga naapaektuhan ng sakit." tuwang tuwa na paliwanag ko.

"Totoo ba ang sinasabi mo, binibini? Mapapagaling sila?" nabubuhayang tanong nila.

"Magagawa natin iyon. Hindi namin kayo pababayaan ng mga kasama ko." sulyap ko kina Simone, Lihtan, Tenere at Taki na sabay sabay na umabante at tumango.

"Maniwala kayo sa aking binibini! Kapag sinasabi niya ay mangyayari." -Taki

"Tama! Hindi tumatalikod sa pangako si Cane." -Tenere

"Oo nga, magtiwala kayo." nakangiting dagdag ni Lihtan.

Nakangising ginulo ni Simone ang buhok ko, hihihi.

"Binibini, nakuha na namin ang lahat ng halaman na pinapakuha mo." nakangiting sambit ni Lana habang may tag-iisang basket silang anim na dala.

Tumigil ako sa pagluluto at tinali ang mahaba kong buhok at nakangiting tiningnan ang dala nila.

"Magaling." masayang sambit ko at nakita kong nalinis na nila 'yon. Binuhos ko ang mga nakuha nila sa malaking palayok na hanggang dibdib ko.

"Kami na ang maghahalo." Nag-uunahan silang kinuha ang hawak kong panghalo. Nangingiting hinayaan ko sila at lumipat sa isa pang pinakukuluan kong sinabahang isda. Napakarami ng nahuli ni Lihtan at ng mga kalalakihang kasama niya, hehehe. Hanggang dibdib ang palayok, kahanga-hanga ang laki nito.

"Kami na rin diyan, binibini." kuha rin nila sa hinahalo ko.

Wala na akong nagawa at napakamot na lang.

"Magpahinga ka na lang muna, binibini, kami na ang bahala rito." nakangiting sambit nila.

"Ha? Pero-" naputol ang sasabihin ko nang paupuin nila ako.

"Kanina ka pa nahihirapan dito at walang pahinga. Nag-aalala na sa’yo ang mga kasama mong magagandang lalaki, hihihi." kinikilig na sambit nila.

"Oo nga, kanina pa sila nakatingin sa’yo. Pinagpapahinga ka na nila."

Hinanap ng mga mata ko sina Lihtan, Tenere, Taki at Simone na mabilis na ngumiti.

Napangiti rin ako.

"Hindi pa naman ako pagod." nguso ko at tumayo nang makita na kaunti na lang ang panggatong. Dinampot ko ang malaking itak at sinibak ang punong kahoy. Napatigil ako nang makarinig ng singhap.

Napatigil sa paghahalo ang mga binibining kasama ko.

"Ayos lang kayo?" alalang tanong ko

"Babae ka ba talaga?"

"Ha? Oo naman, kita niyo 'yung lalaking 'yon?" sabay turo ko kay Simone na biglang nagsalubong ang kilay na nakatingin sa akin, hehehe.

"Kyaaah, si Ginoong Simone?"

"Oo, kasintahan ko 'yan. Pinaghirapan ko 'yan." nakangiti at pagmamalaki ko pa.

"Kyaaah! Sana lahat!"

"Hahahahahaha." tawa ko at tinuloy ang pagsisibak.

"Kyaaah! Papalapit siyaaa."

Napadiretso ako ng tayo nang makita ang paglapit ni Simone.

"Let me." kinuha niya sa kamay ko ang itak at siya na ang nagtuloy.

Bakit ang hilig nila akong bawian ng ginagawa? Napanguso ako at umupo na lang ulit.

Nakita ko ang muscles niyang bumabanat sa bawat hampas, so hot.

"Hot mo." ngisi ko, bigla naman siyang namula at seryosong tumingin sa akin. Nagulat ako sa sagot ni Simone, omygosh hihihi.

"I know." nakangising sagot niya na sinabayan pa ng kindat. Napakagat ako ng ibabang labi at humagikhik.

"So just sit there, relax, and watch my sexiness." may kapausang sambit pa niya na nakapagpanganga sa akin at palunok.

Omygodness! Omygosh!

Inaakit ako ni Simone!

Inaakit niya ako at gusto ko siya i-kiss.

"H-Hey, where are you going?"

Nilingon ko siya nang seryoso. Nakita ko ang gulat at pagtataka sa gwapong mukha niya.

"Baka mahalikan kita bigla diyan."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nagpatuloy ako sa paglalakad at bago ako makalayo ng tuluyan ay narinig ko ang mahihinang mura niya at tilian nila Lana.

"Narinig niyo 'yon? Kyaaah!"

"Oo nga! Iba rin!"

Napapailing na nagpatuloy ako sa paglakad. Napangiti ako nang makitang unti unti nang nasisimulan at natatayo ang malaking bahay pagamutan. Mga tatlong araw ay nasisiguro kong magagawa na.

"Aking binibini, para sa’yo." inabot ni Taki sa akin ang isa niyang hawak na buko na bukas na. Ininom ko ang katas ng buko.

"Ang sarap."

"Masarap?" biglang litaw ni Lihtan sa likod ni Taki.

"Nakarinig na naman ng masarap, hahaha." sambit ni Tenere na katabi ni Lihtan at nakaakbay.

Napanguso si Lihtan, hahaha.

"Luto na ang pagkain." narinig kong bulong ni Simone na sobrang lapit sa likod ko.

"L-Luto na." sabik na sambit ni Lihtan.

"KAKAIN NA." -Taki

"Hahahahahaha." halakhak ni Tenere habang nakahabol sa dalawang sina Taki at Lihtan na nag-uunahan.

Humarap naman ako kay Simone at medyo nasisinag dahil sa liwanag, pinatong niya ang kamay niya sa uluhan ko kung kaya't luminaw ang paningin ko.

"Kain na tayo." nakangiting hila ko sa kamay niya, nagpatianod siya sa hila ko.

Nang sumapit ang gabi ay nakita ko ang mahimbing na tulog ng lahat. Natawa ako nang mahina dahil sa gulo ng higa nina Tenere, Lihtan at Taki.

Tumayo ako at hinanap si Simone, hanggang sa dalhin ako ng mga paa kung nasaan siya.

"Huli ka!" talon ko sa likuran niya, hahaha.

"Pfft, finally."

Dinampian niya ng halik ang labi ko na mabilis kong tinugunan.

"Kanina ka pa?" tanong ko at hinila siya paupo.

Nakangiting umiling si Simone at nilagay ang takas na buhok sa likod ng tainga ko.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" natigilan ako sa naging tanong niya.

"Ha? Ayos lang naman ako."

Tinitigan niya ako nang seryoso at sa huli ay napaiwas ako ng tingin. Nahalata niya. Hindi ko mapigilang mapangiti, dahil napapansin niya ang kahit kaunting detalye.

"Hindi kasi ako makatulog nang maayos kahapon." mahinang sambit ko at dinungaw siya.

"Bad dreams?" marahang tanong niya, tumango naman ako.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at huminga nang malalim habang nakatingin sa talon na kumukutitap sa gabi at ito'y malinaw naming nasisilayan dahil sa liwanag ng buwan.

Ang mata ko ay nakapirmi sa tanawing nasa harapan namin pero ang buong atensyon ko ay nasa kanya na pinatong ang baba sa balikat ko habang yakap ako mula sa likod.

"Madalas ba?"

"Hindi naman." iling ko sa tanong niya at naramdaman kong pinaglalaruan niya ang mga kamay ko.

Bumilis ang pintig ng puso ko nang may maramdamang malamig na pumasok sa daliri ko, sa aking palasingsingan.

"I remembered you when I saw this. Binili ko para sa’yo." bulong niya habang nakatago ang mukha sa leeg ko. Napangiti ako nang makita ang kamay niya at may singsing din.

"The old lady said, pangpa-swerte ito sa m-magkasintahan, nagpapasaya at nagpapatatag." pahina nang pahina na sambit niya

Mas lalo akong napangiti.

"Damn. Sa susunod ibibili kita ng mas ma-"

"Salamat, Simone. Nagustuhan ko, ang ganda!" mangha kong sambit.

Parang nakahinga naman siya nang maluwag.

"Really?" binalik niya sa pagkakapatong ang baba niya sa balikat ko.

Tumango ako at mas lumawak ang ngiti. Nilingon ko siya at nakitang namumula siya at nakangisi.

"I-If you're having a hard time to sleep, you can look at that. Nakakapagpaalis din daw ito ng masamang panaginip."

"Sige, hahaha! Gagawin ko 'yan." masayang sambit ko at tinaas ang kamay ko.

"Pingke-twer, Simone. Hehehe."

"Dang. Pingke-twer."

Binalot kami ng payapang katahimikan. Siya na nakapirmi ng yakap sa akin at paghalik sa pisngi at leeg ko. Sa leeg, minarkahan na naman niya. Hindi naman nahahalata dahil sa kwelyo ko pero hindi niya nakakaligtaan magtanim ng marka roon.

"Gusto kong malaman ang pagkatao ko." natigilan ako sa seryosong sinambit niya na pumutol sa katahimikan.

Dati ko na siyang inalok na tutulungan ko siyang alamin ang pagkatao niya, kaya lang ayaw niya noon. Wala siyang ibang alam sa pagkatao niya maliban sa pangalan niya nang iwan siya sa kamay ng sindikato.

"Hm, gawin natin 'yan oras na makabalik tayo." paniniguro ko, gagawin ko ang lahat para matulungan siya.

"Yeah, I'm craving to know my surname na pinapangarap kong itabi sa apelyido mo." narinig kong ngisi niya na nakasiksik na naman sa leeg ko.

So cute.

Mas lalo akong napangiti.

"Hm, let's do that."

Dumaan ang ikatlong araw at natapos na nang tuluyan ang bahay gamutan at bumalik na sigla at lakas ng mga tinamaan ng malarya.

Kasalukuyang nagdiriwang ang lahat nang mapaangat kami ng tingin sa kalangitan nang makita ang mga lumilipad na panang may apoy sa kalangitan. Hindi naman dito ang direksyon at may kalayuan. Kinukutuban ako ng hindi maganda.

"Ano 'yon?" bulungan ng lahat.

Bumalik sa kasiyahan ang lahat. Nanatili akong nakatingin sa kalangitan.

"Cane?" takhang tawag ni Lihtan sa akin at inabutan ako ng ibang putahe sa pangatlong beses.

Pfft~

"Masarap 'yan, Cane." ngiting sambit ni Lihtan.

"Pinatataba mo ako, Lihtan. Hahaha." tawa ko at ginulo ang buhok niya.

"Habang may pagkain, go lang nang go." napahalakhak ako sa sinabi ni Lihtan.

Omygod! Hahahahahaha.

Kinain ko ang binigay niyang suman.

"Masarap nga." mas lalo siyang napangiti sa sinabi ko.

Kinakabahan ako sa katakawan minsan ni Lihtan.

Pfft~

"Ako, Lihtan, yung akin? Yung akiiin? Hehehe." sulpot ng lumulundag na si Taki.

"Wala na eh." nguya ni Lihtan na nakapagpabagsak sa mukha ni Taki na parang maiiyak na.

Hahahahahaha.

"I-Ikaw! Waaaah!" ngawa ni Taki.

Nginitian lang siya ni Lihtan at hinati ang hawak na suman at binigay ang kalahati kay Taki.

Ang sunod na sinabi ni Lihtan ang nakapagpanganga sa amin.

"Ito na, para kang bata." sabay gulo ni Lihtan sa buhok ni Taki habang nakangiti.

"HAHAHAHAHAHAHAHA." tawa ako nang tawa sa pinaggagawa nila.

"Aking binibini naman ih!" nguso ni Taki.

Natatawang hinila ko si Taki sa silid ko at naabutan namin sina Simone at Tenere na nagtatagayan at kumakain. Kapwa puno ang bibig na mas lalong nakapagpangawa kay Taki.

"ANG DAYA NIYO! BAKIT ANG DAMING PAGKAIN DITO?" eksaheradong ngawa ni Taki na pumapadyak pa.

"Shi Lichan machakaw hakhakhak!" punong puno ang bibig na sagot ni Tenere.

"ANO? ANONG SABI MO? ANO SABI MO?"

"Pachit ka!" sagot ulit ni Tenere.

"ANO? AKO? PANGIT?! KYOT AKO!"

Nakita ko na lang na may nakashoot na mansanas sa bibig ni Taki na hinagis ni Simone.

"Simone!" gulat na sigaw ko rito.

"What?" painosenteng tanong nito.

"Hahahahahahahaha." tawa ni Tenere.

Nakita ko namang kinain ni Taki ang mansanas.

"Galing kay Lihtan lahat ng pagkain na 'yan." nakangiting paliwanag ko.

Binalik ko ang tingin sa mga pagkain. Kada makikita ako ni Lihtan may inaabot na pagkain kaya dinala ko na lang sa kwarto ko. Tamang tamang nakita ko sina Simone at Tenere na nag-iinuman at sinamahan ako hanggang sa mapuno na ang silid ko ng pagkain.

Nakita kong maraming nag-aabot kay Lihtan na tuwang tuwa naman sa natatanggap. Kita at rinig ko ang tilian ng mga ito habang pagala gala si Lihtan at tanong nang tanong kung anong klaseng pagkain ang kinakain nila.

Lihtan talaga.

Natatawang sinapo ko ang noo ko.

At hinila paupo si Taki sa tabi nina Tenere at Simone.

"Kain lang kayo riyan. Hahaha, babantayan ko muna 'yon." mabilis na paalam ko at hinanap si Lihtan.

Natanaw ko siya na nakikitagay.

Hehe- NAKIKITAGAY?!

"Lihtan?" kalabit ko rito.

"Caneeeeee." masayang lingon niya nang makita ako.

"Paumanhin, binibini, di namin alam na mahina sa alak ang ginoo na ito. Hahaha."

"Ah hehehe, kukunin ko na po siya." pinasan ko si Lihtan.

"Caneeeee."

"Ano po 'yon?"

"Masaya ako, masaya ka din ba?"

"Opo." ngiting sagot ko.

"Masaya din ako, masaya. Hahaha."

"Halata nga po, busog ka din 'no?"

"Oo hahaha. Busog, paano mo nalaman, Cane?"

"Halata po, hahaha."

Sumabay din siya ng tawa. Nakarating kami sa silid namin.

"Whooa! Ano nangyari sa batang 'yan?" -Tenere

"Nakita ko, nakitagay na rin, akala niya tubig."

Tinabi ko si Lihtan kay Taki. Bigla namang nakatulog ito sa balikat ni Taki.

Umupo ako sa harap nila at nagsalin ng alak para sa akin at nilagok.

"Hey." -Simone

"Ngayon lang 'to, hehehe." nguso ko.

Nag-cheers kami ni Tenere. Hehehe.

"Waaaah! Ako rin aking binibini!" -Taki

Tinanguan ko si Taki at sinalinan siya. Hehehe. Nagulat kami nang dumiretso ng upo si Lihtan at seryosong tiningnan si Taki na hindi pa natutuloy ang pag-inom.

"Caneeeee ako rin." lingon ni Lihtan sa akin.

Pfft~!

Sinalinan ko rin si Lihtan.

"Nakakatakot ka talaga lasingin, Lihtan." -Taki

"Nagsalita ang matino 'pag nalalasing." -Tenere

"Sino matapang?" -Lihtan

"Ako, bakit?" -Simone

"Alam ko, hehehe." -Lihtan

"Hahahahahaha."

Natatawang sinalinan ko silang apat ng alak.

Mahaba-habang tagayan ito.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon