Pahina 18

29.8K 1.2K 119
                                    

Pahina 18
Poisonous Taki (1st Part)

"Lihtan..." lumapit ako sa kanya at umupo sa batong inuupuan niya.

Nakaharap siya sa dagat.

"Wala na naman siya, Cane." sambit ni Lihtan.

Alam ko ang tinutukoy niya.

"Nag-aalala ka kay Taki?" ngiting tanong ko. Parang bata na tumango si Lihtan at hindi ko mapigilang guluhin ang buhok niya sa taglay niyang ka-cute-an.

"Bigla na lang siyang nawawala sa t'wing tulog na tayo." narinig kong boses ni Tenere na gising na rin. Si Simone naman ay nanatiling nakasandal sa pader ng kweba habang nakapikit pero alam ko na gising ito.

Madaling araw na at mga dilat na ang mga mata namin.

Tumingala ako sa napakagandang buwan na siyang nagsisilbing liwanag namin. Napakasarap sa pakiramdam ng paghampas ng alon sa karagatan at ang malamig na simoy ng hangin.

Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Lihtan habang napapaisip din kung anong ginagawa at nasaan sa mga ganitong oras na 'to si Taki. Mula nang makilala namin siya ay lagi siyang nawawala kapag dumidilim na at magigising kami na nasa tabi na namin siya at natutulog. Napangiti ako dahil naalala kong nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Simone. Gustuhin mang tumayo ni Simone ay di niya magawa dahil sa nakapatong na ulo sa kanya.

Napakakulit at cute ni Taki. Na marinig ko pa lang ang pangalan niya ay natatawa na 'ko.

Pero nasaan siya ngayon? Nag-aalala kami.

Napaupo ako nang diretso nang may maramdamang paparating.

"T-Taki... Taki!!"

Bigla siyang bumagsak sa lupa, hawak ang tagiliran at may dugong umaagos doon.

"H'wag kayong lumapit..." nahihirapang pakiusap niya at pinilit na tumayo.

"Taki..." nag-aalalang tawag namin sa kanya.

"Ano bang problema mo?! Fvck!" akmang hahawakan siya ni Simone nang biglang...

"HAYAAN MO 'KO! H'WAG KANG LALAPIT!" sigaw niya.

Bakit natatakot siyang lapitan namin?

Ngayon lang namin siya nakitang ganyan.

Parang nagulat din siya sa kanyang pag-sigaw. Umatras siya palayo sa amin.

"Taki.,." lumapit ako.

"Cane, h'wag mo akong lapitan." natatakot na sambit niya.

Mas binilisan ko lumapit at bigla siyang natumba. Tutulungan ko sana siya...

"Nagmamakaawa ako h'wag mo akong lapitan, Cane. A-ayokong mamatay ka."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin, Taki?" tanong ni Tenere at humarang sa harapan ko.

"N-Nakamamatay ang dugo ko." pinatakan niya ng dugo ang halaman na nasa tabi niya na mabilis na nangitim.

Nabalot kami ng matinding katahimikan.

Nakatingin kami sa kanya na nakayuko ngayon habang nakabagsak pa rin sa lupa.

Bigla siyang nanginig at narinig namin ang nakakahabag na pag-iyak niya.

Taki...

"H-Hindi normal ang dugo na dumadaloy sa akin. Maiintindihan ko kung n--natata-"

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now