Pahina 52

17.4K 808 203
                                    

Pahina 52
Thurston Famiglia


Agad na tumigil ang kapulisan nang makita ang dumating na napaka-importanteng bisita. Tumalina ang mga ito at mabilis na sumaludo sa mag-asawang ‘Thurston’.

“Chief, sino sila?” Naguguluhang tanong ng isang baguhang pulis. Manghang nakatingin ang baguhang pulis sa buong paligid. Hindi na bago ang pagsaludo ng mga pulis ngunit ang nasasaksihan ngayon nito ay tila higit pa sa isang saludo ang pinapakitang paggalang ng lahat sa bagong dating mula sa pinakamataas na ranggo ng kapulisan hanggang sa pinakababa.

Hindi nakatanggap ng sagot ang baguhang pulis sa halip ay nakatanggap ng nakakakabang tingin na nagpatikom dito.

Binalik ng baguhang pulis ang tingin sa mga dumating. Nakangiti ang magandang babae sa lahat samantalang seryosong nakatindig ang asawa nito habang nakapirmi ang bisig sa baywang nito. Hindi maiwasan ng baguhang pulis na matulala sa mag-asawa, lalo na sa babae.

Para itong dyosang bumaba sa kalangitan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napigil ang paghinga niya sa isang babae.

Namutla ang baguhang pulis nang lumingon si Eros Thurston sa kinatatayuan nito.

“Kung mahal mo pa ang buhay mo, alisin mo yang mata mo sa asawa nito.” seryosong sambit ng kanilang Lieutenant.

Doon lamang napansin ng baguhang pulis ang malamig na tingin na binibigay ng lahat ng kapulisan.

Natigil ang paghinga ng kaawa-awang pulis nang umalingawngaw ang tunog ng sapatos ni Eve Henderson na nakangiti.

“So he’s the new one.” sambit ni Eve Henderson.

“Yes, Goddess Chaos.” magalang na sagot ng kanilang Chief Officer. Nahalata ng baguhang pulis ang kabang tinatago ng kanilang Chief Officer na lalong nagpagulo ng isip ng baguhang pulis.

Nagulat ang lahat nang ipatong ng kanilang tinitingalang babae ang kamay nito sa uluhan ng baguhang pulis, nanatili namang kalmado at nakapirmi ang bisig sa asawa at hinayaan ang ginagawa nito.

“Let’s save the world together, new one.” nakangiting sambit ni Eve Henderson at matapos noon ay umatras at tiningnan ang buong kapulisan bago nilisan ang lugar ay nag-iwan ng salita si Eros Thurston.

“Thank you.” dalawang salita na nagpaluha sa buong kapulisan at taas noong sumaludo.

Bumalik sa isipan ng buong kapulisan ang mga hirap na pinagdaanan nila upang iligtas ang mga tao. Nabalot ng takot ang buong mundo ngunit dahil sa mag-asawang iyon ay bumangon ang kanilang nanghihinang loob. Naging posible ang pagligtas sa libo libong buhay dahil sa mga ito.

Ang dating sulok na napupuno ng mga naapektuhan na nanalasa ay unti unti nang Nawala. Ang mga taong naging biktima at nahawa ay unti unti na ring nalunasan dahil sa panlunas o antidote na isinagawa ng mag-asawa. Kung paano iyon naisakatuparan ng mag-asawa ay walang kahit sinong nakakaalam.

Unti-unti nang nakakabangon ang iba't ibang bansa sa delubyong mga naganap ngunit pinanatili pa rin ang mataas na seguridad.

Inalalayan ni Eros Thurston ang asawa na makaupo, nasa pinakasentrong Headquarters sila. Ang pinakasadya nila sa pagbisita ay para makita ang kalagayan ng bawat bansa.

Ang magkakapatid na Rain, Storm at Thunder ay nasa ibang karatig na mga bansa rin upang masigurong wala ng babanta.

“Reporting.” agad na bumungad ang gwapong mukha ng kanilang anak na si Thunder Thurston.

Hindi maiwasang mapangiwi ni Eve Henderson sa anak o mas tamang sabihing sa kanyang tatlong anak na lalaki nang magkasunod ding lumitaw ang mukha nina Rain Thurston at Storm Thurston sa hologram.

“Proceed.” maotoridad na pahayag ni Eros Thurston.

Pumahalumbaba si Eve Henderson-Thurston at nakinig sa kanyang mag-aama.

Halos ang magkakapatid na Thurston ang tumapos sa paglilibot sa iba’t ibang bansa upang masigurong ligtas na ang lahat dahil sa iisang dahilan.

“We are going, Dad.” magkakasabay na pahayag ng magkakapatid.

Nabalot ng katahimikan ang silid.

Tulad inaasahan ni Eve ay iyon ang gustong mangyari ng mga anak. Ang magtungo sa lugar kung nasaan ang kanilang bunso.

Habang nakahalumbaba ay sinulyapan ni Eve ang asawa na kalmadong nakatingin sa hologram.

“We are going.” natigilan si Eve Henderson-Thurston at tila nabingi nang marinig ang sinabi ng kanyang asawang si Eros Thurston.

Maging ang magkakapatid ay nagulat sa sinabing iyon ng kanilang ama.








Pumailanlang ang puno ng paghihinagpis na sigaw. Napabaling si Lucifer sa isang silid na kinaroroonan ni Simone. May pinarurusahan na naman ito.

Ano na naman ang nagpainit sa ulo nito?

Walang araw na hindi ito galit.

Nakita ni Lucifer ang latigong hawak ni Simone na walang awang hinampas sa isa sa kanilang mga tauhan.

Nawalan ng buhay ang pinarurusahan nito nang may bumaong espada sa bungo nito na gawa ni Lucifer.

“What the fvck! Wag kang mangialam!” mabagsik na asik ni Simone. Nakangising pinagmasdan siya ni Lucifer.

“Kay init ng iyong ulo, kapatid.” bumaba ang tingin ni Lucifer sa ilang nakakalat na duguan sa lapag. May tatlong babae na may suot na maninipis ang tela ang wala ng malay.

“Get lost!”

Binangga ni Simone si Lucifer, sa isang iglap ay binalibag ni Lucifer ang kapatid sa pader na semento. Nagtagisan at nagsalubong ang itim na mga mata ng magkapatid.

“Tanggapin mo ang kapalaran mo, kapatid.” nakangising sambit ni Lucifer.

“Sa tingin mo ba'y matatanggap ka ng mga kaibigan mong halimaw?” mas lalong nandilim ang mukha ni Simone at sinapak si Lucifer.

Tila namanhid ang mukha ni Lucifer sa lakas ng kamao nito. May mga naglalarong katanungan sa isip ni Lucifer kung ano ang naging buhay nito sa kamay ng organisasyong kumupkop dito dahil sa husay nitong makipaglaban.

Salubong ang kilay na naglakad palabas si Simone. Lahat ay nagbibigay galang. Walang emosyong tiningnan nito ang sariling kasuotan na tila Prinsipe ang kasuotan na kulay itim at matingkad na pula. Mas lalong lumitaw ang perpektong magandang mukha at matikas na pangangatawan nito. Palagi na lang mainit ang ulo niya. Kung kasama niya lamang ang dalaga ay magiging maganda ang bawat araw niya.

Nang maisip ang babaeng mahal niya ay saglit na gumanda ang pakiramdam niya ngunit nang bumalik sa isipan ang mga pangahas na babaeng nagtungo sa silid niya upang akitin siya ay muling uminit ang ulo niya lalo na nang dumampi ang isa sa mga labi ng babae sa kanyang leeg. Isang babae lang maaaring magmarka sa kanyang leeg. Tanging si Hurricane Thurston lamang ang may karapatan sa kanya.

Nilibot ni Simone ang bawat pasilyo, sa bawat pasilyo ay ang malalaking apoy ang nagbibigay liwanag sa kadiliman ng palasyo.

Tinalasan niya ang pakiramdam at pinagpatuloy ang pagtingin sa bawat nadaraanan.

May kailangan siyang mahanap. Ang desisyon niyang sumama kay Lucifer ay may dahilan.

In Thurston Organization, Simone is also known as one of the best spies. He’s not going to take any actions if it is not related to his Young Goddess. He’s not doing anything that will benefit him in everything. He is doing every evil that will be a favor only for his Young Goddess. He’s like that from the very beginning. He always makes everything that will be pleasing to his Young Goddess. All of the Mafia Bosses and Mafia Heirs are aware of his dangerous existence and know how wicked he is. Even the Mafia Heiresses of different Mafias want him. Countless times, those Heiresses tried to seduce him but Simone always remained uninterested because his eyes is fixed only for his Young Goddess. The only woman he will only want.

At ngayon ay kailangan niyang malaman kung ano ang gustong makuha ng dalaga na kailangan nitong itaya ang buhay para hindi na ito sumugal pa.

Simone sighed as he remembered how his girl wanted to make him leave and never come back because she already knew.

Alam ng dalaga ang lahat ngunit sa kabila noon ay siya pa rin ang iniisip. Dumilim ang ekspresyon ni Simone. Kailanman ay hindi niya bibiguin ang dalaga kahit pa kalabanin ang sariling ama.

Hindi pa niya ito nakikita at tanging si Lucifer lamang ang nakikita niya na parating nakamatyag.

Binalik niya ang atensyon sa dinaraanan.

Hanggang sa may hindi ito inaasahang madatnan.

“You’re spying, brother.” ngisi ni Lucifer na sinuklian ng ngisi ni Simone at hinarap ang kapatid na nakasandal sa pader.

Sa isang iglap ay napalibutan si Simone.

Walang sali-salitang inunahan ng sugod ni Simone ang mga nakapalibot sakanya.

“Damn not the face, she loves it.”

Manghang tiningnan ni Lucifer ang mga nagkalat na tauhang wala ng mga buhay.

“I’m very curious, brother.” ngisi ni Lucifer na walang pakialam sa mga napatay ng kapatid.

“How a devil like you knows how to love?” nagsalubong ang kilay ni Simone dahil hindi nito maintindihan ang reaksyon ni Lucifer na tila ba hindi lubos maunawaan. Tila ba may mas malalim na kahulugan.

“What the fvck is your problem with that?” matigas na tanong nito.

“How can you feel those emotions? Because I don’t have any of those.” blangkong sambit ni Lucifer. Natigilan si Simone at tiningnan ito nang seryoso dahil naguguluhan ang kaharap.

Nabalot ng katahimikan ang magkapatid.

Napabuntong hininga si Simone at nginisihan si Lucifer.

“So, you’re curious.” dahan na litanya ni Simone, tumango nang seryoso si Lucifer.

“Tch, I will make you feel those emotions.” gumuhit ang gulat sa gwapong mukha ni Lucifer na kinalawak ng ngisi sa mga labi ni Simone.

He’s going to manipulate him.

“Really? How? Is it easy? Do you have that kind of ability?” sunod sunod at di makapaniwalang tanong ni Lucifer.

Naglakad si Simone at nilagpasan si Lucifer.

“If you can make it happen, brother. I will bring you there. Alam ko ang pina-plano mo.” lumawak ang ngisi ni Simone nang palihim dahil nagtagumpay na mapasunod ito nang ganoon kadali

“Deal, brother.” ngisi ni Simone.















“Cane, patawad. Nakuha nila si Simone dahil sa akin. K-kung pinigilan ko pa rin sana siya, nandirito pa rin siya.” nakayukong sambit ni Tenere habang yakap ang dalagang si Cane. Dalawang araw na ang nakakalipas at hindi pa rin ito nagkakamalay.

“Tenere, di mo kasalanan. Wag ka nang umiyak, huhuhuhu." pagpapatahan ni Taki rito habang umiiyak din.

“Cane, gumising ka na para mabawi na natin si Simone at hindi na malungkot si Tenere.” nagsusumamong sambit ni Lihtan at kinuha ang kamay ng dalaga at pinatakan ng halik.

“Kung hindi sana ako mahina hindi mapipilitan si Simone na sumama.”

Isang kamay ang pumatong sa ulo ng nakayukong si Tenere.

“Ssshh...wala kang kasalanan.”

“Cane!”

“Waaaah! Aking binibini!”

Agad dinambahan ng tatlo ang dalaga. Mahinang napangiti ang dalaga at marahang ipinikit ang mga mata habang tinatapik ang mga likod ng mga ito.

“Gising ka na aking binibini. Alam mo bang takot na takot ako? Ba’t ang tagal mo gumising? Ang sakit at hapdi ng mata ko. Huhuhu!”

“Cane, maayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa’yo?” -Lihtan

“Ayos na ako. Mabuti naman ayos lang kayo.” sambit ni Cane na nagpaiyak muli sa tatlo.

“Waaah! Wag na kayong umiyak.” tarantang sambit ng dalaga sa tatlo. Nahabag ang dalaga nang makitang pare-parehong namumula ang mga mata ng mga nito.

“Hindi mapigilan ni Taki. Ayaw tumigil ng luha ni Taki.” -Taki

“Cane, bakit ayaw tumigil ng luha?” -Lihtan

“Ang magandang mata ko, Caneee.” -Tenere

“Dahil may mabuti kayong puso.” napatigil sa pag-iyak ang tatlo ngunit.

“Kailangang umiyak para magkaroon ng puso, Cane?” naguguluhang tanong ni Lihtan.

“Itanong mo ’yan kay Simone pag nabawi na natin siya, hehehe.”

Binalingan ni Cane si Tenere.

“Inaasahan ko nang hindi mo mapipigilan si Simone, Tenere. Salamat pa rin dahil sinubukan mo.” ginulo ni Cane ang buhok ni Tenere at nilapat ang magkabilang kamay sa pisngi nito


Hurricane’s Point of View

Nang makita ko ang pagtango ni Tenere ay nakahinga na ako nang maluwag. Ayokong sisihin niya ang sarili niya dahil sa kapabayaan ko.

Umayos ako ng upo at tiningnan sila isa isa na maamong titig na titig sa akin.

“Anong nangyari nang mawalan ako ng malay?” mahinahong tanong ko.

“Cane, gutom ka ba? May ano ah dala akong tsokolate?” manghang tiningnan ko si Lihtan na parang natataranta. Ngayon ko lang siya makitang mataranta.

Inabot niya sa akin ang isang balot na happy dreams. Pigil ang ngiting tinanggap ko.

“Pahingi rin si Taki!”

Nakangisi nang makahulugan si Tenere na parang may nalalaman na hindi ko alam? Nang mahuli ni Tenere na nakatingin ako sa kanya habang ngumunguya ay tumikhim ito at ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya, hehehe.

“Lihtan...”

“C-Cane?”

Pinanatili kong seryoso ang mukha ko at pinigilang matawa dahil sa nenenerbyos na mukha ni Lihtan. May tumutulong pawis sa noo niya.

“Sinong nag-utos sa’yo na iturok sa akin iyon?” kunwaring seryosong tanong ko na kinalunok ni Lihtan.

Pare-pareho kaming nakatingin kay Lihtan habang ngumunguya ng happy dreams. Hehehe, sorry Lihtan. Ang cute mo.

Nasa kalagitnaan ako ng kaaliwan kay Lihtan nang bumukas ang silid ko.

“My daughter, such a bully.”

Natigilan ako nang makita sila. Hindi ko mahagilap ang boses ko at hindi makapaniwalang nandirito sila.

“No, Eros. She’s very lovely to her friends.”

“When you’re enjoying bullying me, my dear wife, that’s your expression.”

“No, I’m such a lovely wife!”

“Yeah, and I love you.”

“Hm, love you too, hehehe.”

Napangiti ako sa narinig kong usapan ng mga ito.

“Kuya Thunder!”

“Kuya Rain!”

“Kuya Storm!”

Nauunahang lumundag sina Lihtan at Taki nang makita ang mga kapatid ko at yumakap na kinangiti nina Thunder, Rain at Storm. Samantalang nakipag-pisbam si Tenere sa mga ito.

Hindi ko inaasahan ang pagdating ng pamilya ko.

“Darling, why don’t you introduce your friends to us?” natauhan ako nang marinig ang sinabi ni Mom.

Bago ko pa maibuka ang bibig ko ay...












“AMA! INAAAAA!”

Laking gulat ko nang dambahin ni Taki ang mga magulang ko na tulad ko'y nabigla sa ginawa ni Taki. Para itong batang nakayakap sa mga magulang ko na pareho nitong yakap.

“Taki, ako rin, ako rin.” inosente at sabik na marahang hila ni Lihtan kay Taki at sunod na yumakap sa mga magulang ko.

Napakurap kurap ako ng mga mata ko at napahagikhik. Ang cute.

“Kinagagalak po namin kayong makilala, ako si Tenere.” magalang at nahihiyang pakilala ni Tenere habang nakahawak sa batok at hinila ang likod ng kwelyo nina Taki at Lihtan na nag-aagawan sa paglapit sa mga magulang ko na aliw na aliw na nakatingin sa kanila.

“Pasensya na po sa dalawang ito, hehehe.” paulit ulit na yuko at paumanhin ni Tenere sa nakasimangot na Taki at Lihtan at kalaunan ay sabay na ngumiti.

Pffft~!

“Magandang buhay! Ako si TAKIIIII! TAKI! TAKI! TAKIIIII!” Puno ng siglang pakilala ni Taki. Hahahaha.

“Ako si Lihtan.” nagniningning na mga matang pakilala ni Lihtan.

Tinakpan ko ang bibig ko sa sobrang kakulitan nila.

Napatigil ako nang nilapitan sila ni Eros, ang aking ama na nakikitaan ko ng paghanga at aliw sa tatlo.

“Waaaah! They are soooo cuteeee! Omg! Uwaaaah!” napanguso ako nang makitang nagtatatalon-talon si Eve, ang aking ina habang pinanggigigilan ang pisngi nina Taki, Lihtan at Tenere.

“Mom.” marahang tawag ko rito. Ngumuso itong nilingon ako.

“I know, I know. What’s yours is yours.” sambit ni Mommy, hehehe.

“Waaaaaah! Sabi ng aking binibini, kyoot din ako!” -Taki

“Sabi rin ni Cane sa akin kyoot ako.” tila hindi rin papalamang na sambit ni Lihtan.

Naiiling na lang si Tenere at hinayaan ang dalawa habang nakangiti.

Tuwang tuwang nakatingala ang dalawa sa aking ama nang marahang guluhin nito ang mga buhok nila.

Pinakiramdaman ko ang mga paa ko at napangiti nang maramdamang naigagalaw ko na hindi tulad kanina ay unti unti akong bumaba sa pahingahan ko. Bago ko pa maiapak ang mga paa ko sa semento ay nasa tabi ko na si Taki wala pang isang segundo.

“Cooool!” Bulaslas ni Mom, manghang nakatingin sila kay Taki na nilalagyan ng sapin ang mga paa ko.

“Cane, kaya mo na ba?” alalang tanong ni Lihtan.

Inalalayan ako ni Tenere na makatayo sa kanang braso, sa kaliwa naman ay si Taki.

Nanlaki ang mga mata ni Lihtan. Eh?

Nakita ko na lang ang sarili kong buhat ni Lihtan.

“LIHTAN!” -Tenere/Taki

“Ibaba mo si Cane!” -Tenere

“Aking binibini.” -Taki

Napangiwi ako nang ngitian lang sila ni Lihtan.

Ah, Lihtan?

“Pfft~!” pigil ang tawa ng mga kapatid ko.

Nang buhatin ako ni Lihtan ay di ko maiwasang matulala rito nang maalala ang ginawa nito. Nang mawalan ako ng malay ay pinakita ni Anue Knight ang mga nangyari.

Sinong mag-aakalang makikita ko ang isang mabagsik na parte nito na bago sa paningin ko?

At ang kakayahan ni Lihtan, hindi lamang siya kundi si Taki na nasaksihan ko rin ang mga kayang gawin. Tiningnan ko si Tenere na nakangiti, pakiramdam ko ay dapat din akong kabahan sa mga kayang gawin nito. Si Tenere na lamang ang may hindi ordinaryong kakayahang hindi ko pa nasasaksihan. Nang wala akong malay, kahit na hindi ko maramdaman ang buong katawan ko ay naririnig ko ang lahat ng pinag-uusapan nila. At nang mga araw na ’yon ay siya ang tumayong lider.

Kaya kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko.

Mabilis na niyakap ako ni Mommy nang lumapag ang paa ko sa lupa. Naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat dahil sa pag-iyak nito.

“Mom...” mas lalo itong umiyak. Hinayaan ko muna itong umiyak sa balikat ko. Marahan kong hinagod ang likod nito.

Sa dami ng nangyari ay napagtanto ko ang pagiging makasarili ko. Gusto nila akong samahan sa laban pero dahil nirerespeto nila ang gusto ko ay sinuportahan nila ako sa misyon ko. Sino ba namang ina ang gustong mawalay sa anak, sa anak na sa bawat segundo ay nasa panganib? Naramdaman ko ngayon ang takot at pag-aalala ng pamilya ko na kinadudurog ko ngayon.

Panahon na para pagbigyan naman sila.

Naramdaman ko ang kamay ng aking ama sa ulo ko.

“Dad...”

“I’m very proud of you, Hurricane.” natigilan ako sa sinabi nito at namuo ang mga luha ko. Yayakapin ko rin sana si Dad nang...

“Ano ka ba naman, anak. Moment natin ‘to.” umiiyak na sambit ni Eve, ang mom ko.

“Ganoon ba, sorry Mom.” ngiwi ko dahil sa higpit ng yakap nito at ayaw akong pakawalan.

“Wife...” sumusukong sambit ni Dad.

“Wag kang magulo, Eros. Huhuhu, baby Cane ko miss na miss ka ni Mommy!”

Hilig ni Eve este ni Mommy na ipagdamot ako sa sarili niyang asawa.

And knowing my father, he will patiently let his wife and wait to let him hug me.

Also, my brothers, like my Father walang magawa pag hawak na ako ni Eve este ni Mom.

“Nakakatuwa.” narinig kong sambit ni Taki na tulad nina Lihtan at Tenere ay nagniningnig ang mga matang nakatingin sa amin.

Ngumiti ako nang matamis sa mga kaibigan ko at sa mga kapatid ko. Masaya ako sa nakikita ko dahil nasisiguro kong anuman ang mangyari, hindi sila pababayaan ng pamilya ko.

“May kailangan akong sabihin.” naramdaman kong natigilan si Mom nang mahimig ang seryosong tinig ko. Lumuwang ang yakap nito at sinalubong ng kanyang seryosong mga mata ang aking mga mata.

Nakita ko ang paghakbang ni Dad sa tabi ni Mom at nilagay ang bisig sa baywang nito na nagbibigay ng pahayag na kanya itong teritoryo. Napabuntong hininga ako, too bad Simone is not here. I want to show off too that he is mine, that I found my own territory too.


Tenere’s Point of View

Namuo ang tensyon ng pamilya sa harapan namin at nakita kong ramdam din iyon ng dalawang isip batang kasama ko.

“Lead the way, Young Goddess.” kalmado ngunit bakas ang awtoridad sa boses nito. Tila sa isang iglap ay nagbago ang katauhan ng mga ito. Yumuko si Cane, nilagay ang kanang palad sa tapat ng puso bilang pagbibigay galang. Napigil ko ang hininga ko nang gawin niya iyon na tila napakalaki ng respeto niya sa taong kaharap. Seryosong nakatingin ang mga kapatid niya.

“Yes, Master.” binuksan ni Cane ang pinto at pinaunang lumabas ang kanyang mga magulang ngunit bago yon ay may sinulyapan kami ng kanyang ama. Sunod sunod kaming napalunok nina Lihtan at Taki.

“I also want to talk to your friends, Hurricane.”

“U-Uh, as you wish, Master.” nakangiting lumingon si Cane sa amin.

“Gusto kayo makausap ng aking ama.” sumunod kami sa kanila. Bumungad sa amin ang mga tauhan nilang nakaluhod ang isang tuhod bilang paggalang. Naroon din ang lahat ng mga mamamayan lalo na ang mga Hari, Reyna, Prinsesa at Prinsipe.

“We have matters to discuss with the royals here, we request your presence.” sambit ng ina ni Cane nang seryoso.

Umabante si Reyna Yuka at bahagyang yumuko.

“It’s our pleasure.” seryosong sambit ni Reyna Yuka.

Tinitigan ito ng ina ni Cane at napalunok si Reyna Yuka.

“Thank you.” ngiti ng ina ni Cane na kinapula ng pisngi ni Reyna Yuka.

Sumunod kami hanggang sa makita ang mahaba at magarang mesang hindi ko alam na may ganoon pala. Naalala kong hindi kami umaalis sa tabi ni Cane mula ng mawalan ito ng malay.

Nakita kong ipinaghila ng upuan ng ama ni Cane ang ina nito. Nasa pinakadulo at magkatabi ang mga magulang ni Cane. Sa kanang bahagi ay nakaupo ang mga kapatid ni Cane, sa kaliwang bahagi malapit sa kanyang ama nakaupo si Cane at kami na nasa tabi ni Cane. Ako ang katabi niya samantalang kasunod ko sina Lihtan at Taki. Sumunod ng upo ang mga Hari, Reyna, Prinsesa at Prinsipe.

Maraming nakahaing pagkain na may napakagandang desenyo at may mga inumin na nasisiguro kong galing sa pamilya ni Cane. Napatingin ako kay Lihtan na hindi naaalis ang tingin sa mga pagkain at si Taki na nakatingin sa mga bote.

Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Maraming nakakalat na tauhan nila sa mga gilid at may mga mamamayan na nag-aabang sa mga nangyayari.

“Now, I want to know who among you, ordered Lihtan to inject the thing to me.” seryosong sambit ni Cane.

“Tawag mo ‘ko, Cane?” tanong ni Lihtan. Mula sa seryosong mukha ay ngumiti si Cane.

“Hindi, kain lang kayo riyan, hehehe.” paglingon ko, kumakain na nga ang matakaw na bata. Pagbaling ko sa isa ay umiinom na ng alak.

Lihtan.

Taki.

“I gave the order.” sambit ng ina ni Cane.

“Mom...” may himig ng tutol ni Cane.

“It can’t be helped. My daughter was being reckless and as a loving mother, what would you expect us to do? You’re so troublesome.” nguso ng ina ni Cane.

“Wife, her stubbornness, she takes it after you.”

“You also violated, baby girl.” ngisi ni Kuya Storm.

“I’ll face all my consequences, Storm. You guys be ready too.” malamig na ngisi rin ni Cane.

“Whatever, Hurricane.” ani ni Kuya Thunder nang nakangisi rin.

“So, what’s your plan?” sambit ni Kuya Rain nang blangko.

“Babawiin ko si Simone.” sa lahat ng narinig kong mga salita nila ay iyon lang ang naintindihan ko. Tumigil sa pagkain si Lihtan at pag-inom si Taki.

“Alam mo ba kung nasaan?” tanong ng ina ni Cane.

Natahimik si Cane.

“Alam ko.” sambit ko, napalingon si Cane sa akin.

Tiningnan ko si Cane dahil kinakabahan ako sa pamilya niya, hehe.

“Kinausap ko si Marquis.” nakangiting sambit ko kay Cane.

“Oo nga kinausap namin, aking binibini!”

“Cane, tinakot at pinahirapan nila.” napangiwi ako sa sinabi ni Lihtan.

“Tinakot? Pinahirapan?” manghang tanong ni Cane na kinangiti ko lalo dahil mukhang nagustuhan ni Cane ang ginawa namin!

“Tama, aking binibini! Hindi naman kami nahirapan.” pagmamalaki ni Taki.

“Pfft~”

Natigilan kami nang mapatingin sa pamilya ni Cane na nakangiti sa amin.

“Maaasahan talaga kayo.” nakangiting sambit ni Cane.

“Pupuntahan na ba natin si Simone, Cane?” tanong ni Lihtan at napangiwi ako nang makita ang maliliit na kalat sa gilid ng labi nito.

Saglit na natahimik si Cane.

“Bago iyon, may gusto akong sabihin tungkol kay Simone.” sambit ni Cane nang seryoso sa lahat at huminto ang mga mata sa amin.

“What do you mean, Hurricane?” seryosong tanong ni Kuya Thunder.

“Simone is a heir.” mahina at malamig na sambit ni Cane.

“A heir...” bigla akong kinabahan sa tensyon ng pamilya ni Cane.

“Nagmula siya sa nilalang na naglikha ng lahat ng kaguluhang nagaganap sa buong mundo. Ang kumitil sa buhay ng inyong uri Lihtan, Tenere at Taki.”

Nabingi ako sa narinig ko.

Hindi ko maintindihan.

Si Simone?

Hindi maaari. Paanong--?

“Cane, paanong mangyayari ‘yon?” basag ang boses ni Lihtan na tulad ko ay hindi rin makapaniwala.

“Gusto kong malaman, kung nakahanda pa rin kayong samahan akong bawiin si Simone. Igagalang ko anuman ang pasya niyo.” marahang sambit ni Cane at bakas ang lungkot doon.

“K-Kailan mo pa nalaman, Cane?” nanginginig na boses kong tanong.

“Mula nang makilala natin si Mara.” seryosong sambit ni Taki.

“Alam mo Taki?” di makapaniwalang tanong ni Lihtan.

Napabuntong hininga si Taki.

“Ano naman? Si Simone lang naman siya. Si Simone na nakakatakot mambatok. Si Simone na laging nandyan para sa atin at higit sa lahat si Simone na kaibigan natin.” bagot na sambit ni Taki at abala pa rin sa pag-inom nang walang nililingon.

“Hindi naman siya ang gumawa ng masama sa atin. Hindi niya kasalanan. Wala pa rin namang magbabago kahit na pagbali-baliktarin ang mundo, mananatili siyang si Simone.” nakita ko ang pag-ngiwi ni Taki sa bagong bukas na alak.

“Paano mo nalaman, Taki?” kuryusong tanong ni Lihtan at pansin kong kumbinsido at humanga sa sinabi ni Taki.

“Nakalimutan niyo na bang naririnig ko ang lahat ng nasa paligid ko? Alam ko rin na bumabangon ka, Lihtan, t'wing madaling araw para kumuha ng pagkain sa kusina. Maging ang pagnguya mo ay naririnig ko.”

Napasinghap si Lihtan. Huli ka pero di ka kulong, hehehe.

“Ikaw rin, Tenere, kapag nag-iinuman kayo ni Simone lagi mo siyang nilalambing kaunti na lang talaga Tenere...”

Natawa ako sa sinabi ni Taki. Lokong bata ‘to ah.

“Naririnig mo ang lahat, Taki.” Nanlaki ang mga mata ni Taki at napaayos ng upo nang marinig ang tanong ng ama ni Cane! Nawala sa isip ko ang mga kasama namin.

“Opo, Ama, hehehe.” sobrang lapad ng ngiting sagot ni Taki.

Tiningnan ko si Ama, este ang ama ni Cane.

“Matalas din ang mata ni Taki, Ama! Mabilis ako tumakbo kaya di ako naaabutan sa t'wing galit si Simone kasi masakit iyon mambatok, hahahahahahaha!!!” halakhak at pagmamalaki ni Taki.

“So adorable.” nakangiting sambit ng ina ni Cane na di namin namalayang nakayakap na kay Taki.

Napatingin ako sa ama at ina ni Cane. Sila talaga ang magulang ni Cane dahil nakikita ko ang pinaghalong ugali ni Cane sa magulang nito.

“Wife...” nakangusong bumalik sa pagkakaupo ang ina ni Cane matapos halikan ang pisngi naming tatlo.

“Nakapagdesisyon na ako Cane.” tumingin kami kay Cane na nakangiting nakatingin sa amin.

“Sasamahan ka namin kahit saan, babawiin natin si Simone.” seryosong sambit ko.

“Salamat.” sinserong sambit ni Cane at ginulo ang buhok ko bago bumaling sa kanyang pamilya. Hindi ko alam kung namamalikmata ako ngunit kanina ko pa napapansing hindi nawawala sa mga mata ng mga ito ang aliw at paghangang nakatingin sa amin.

Parang hindi sila makapaniwala sa nakikita.


Third Person’s Point of View

Kalmadong ngumiti si Eros sa mga nakaupo sa mahabang mesa habang nakapirmi ang bisig sa baywang ng asawa.

Taimtim na tinitigan ng magkakapatid na Thurston ang kanilang bunsong prinsesa habang katabi ang mga kaibigang halimaw. Seryosong nilapag ni Thunder Thurston ang babasaging kopita matapos uminom ng alak.

“Simone is not here.” ngising pahayag ni Thunder na kinaseryoso ni Hurricane.

“Knowing him, he’s making himself a bait for you.” seryoso at nakangising sambit ni Rain Thurston.

Nabalot ng kalamigan ang maamong mukha ni Hurricane nang marinig ang sinabi ng mga kapatid. Sinulyapan niya ang kapatid na si Storm Thurston na huling nagsalita.

“As always...” ngising dagdag ni Storm Thurston.

Ang lahat ay pigil ang hininga sa mga nangyayaring palitan ng salita ng pamilya. Nakakapagbigay-kaba ang buong presensya ng buong pamilya at hindi maikakaila ang matinding awtoridad at kapangyarihan ng mga salita.

“I’m curious, what do you want, Hurricane?” nakakapangilabot na ngisi ni Storm Thurston at bahagyang umahon at mariing tiningnan ang mga mata ng bunsong kapatid.

“I... I didn’t tell him.” mahinang pag-amin ni Cane at nag-iwas ng tingin.

“So he decided on his own. He wanted to find out and get what you want.” seryoso at diin na sambit ni Thunder Thurston.

Nag-angat ng tingin si Cane sa mga kapatid na nakailing na nakatingin sa kanya.

“It’s not easy to obtain.” malamig na sambit ni Cane na singlamig ng tingin din ng kanyang mga kapatid

Nanatiling nakatingin sina Eve at Eros sa kanilang anak na babae. Malaki ang pinagbago ng kanilang anak ngunit nanatili ang misteryo sa isip nito na hindi nila maipaliwanag. Sa kanilang mga anak ay sa anak na babae nila sila nahihiwagaan.

“Hurricane Thurston.” natigilan si Cane nang marinig ang buong pagtawag ng ama.

Marahang ginulo ni Eros ang buhok nito. Nakatulalang pinagmasdan ni Cane ang lalaking pinakatinitingala niya sa lahat.

“Don’t be hard on yourself.” kalmadong sambit ni Eros dahil sa nakikitang kondisyon nito.

Nangilid ang mga mata ni Cane, ang matatag na pader na hindi nakikitaan ng kahinaan ay natibag ng kanyang ama.

“Cane/Aking binibini.” nag-aalalang tawag nina Lihtan, Tenere at Taki.

Lumambot ang ekspresyon ni Eros Thurston at pinatakan ng halik ang noo ng kanyang prinsesa.

“Everything is going to be alright.” mahinahong sambit ni Eros.

“Mommy is here, baby Cane. No one can bully you, I will send them to hell. Babasagin ko ang lahat ng bungo ng umaapi sa’yo.” malambing na sambit ni Eve na kinangiwi ng lahat, napabuntong hininga si Eros.

“Wife, you’re scaring them.”

Napasinghap si Eve at tiningnan sina Lihtan, Tenere at Taki na nakaawang ang mga labi.

“Oh my! Pasensya na kayo. Ganito talaga ang inyong ina kapag nagiging emosyonal, hehehe.”

Kumislap ang mga mata ni Lihtan.

“Naiintindihan ko, Ina. Ganyan din ang nararamdaman ko t'wing may gustong saktan si Cane.” sambit ni Lihtan.

Napaubo si Cane at binaba ang hawak na kopita.

“Ako rin, Ina! Nagagalit ako nang sobra pag nasasaktan ang aking binibini.” -Taki

Nagpipigil ng ngiti si Tenere at napaayos ng upo nang makitang taimtim na nakatingin sa kanya ang tatlong kapatid ni Cane.

“Waaaah! Narinig mo ‘yon, Master Hubby? Ang galing!” masayang sambit ni Eve.

“How about you, Tenere?” tipid na ngising tanong ni Rain Thurston.

Ngumiti nang makahulugan si Tenere sa magkakapatid.

“Pasensya na hindi ko maintindihan, hehehe.” kumakamot sa batok na sambit ni Tenere.

“Anong sinasabi niyo sa kanya?” salubong ang kilay na tanong ni Cane at mapanganib na tiningnan ang mga kapatid.

“We’re just asking him, baby girl.” sambit ni Storm Thurston.

“What?”

“Tahimik siya.” tagalog na pagrarason ni Storm na naintindihan nila Lihtan, Tenere at Taki.

“Wala kasi si Simone. HAHAHAHA!” halakhak ni Taki at hinampas hampas ang likod ni Tenere na nakasimangot.

“Tama, wala kasi Simone.” nakangiting sambit ni Lihtan.

“Wala si Simone na lagi niyang nilalambing at tinatawag na ‘Mahal’.” -Taki

“Mahal?” nahihiwagaang sambit ni Eve, maging si Eros ay hindi maiwasang mahiwagaan sa relasyon nina Tenere at Simone.

“Yeah, they are lovely bestfriends.” nakangiting sambit ni Cane.

“Are you sure, baby Cane?” tanong ni Eve, nagtatakang tumingin si Cane sa ina.

“Why Mom?”

“Hehehe!”

“Mom?”

“HEHEHE!!”

Sabay sabay na napabuntong hininga sina Thunder, Storm at Rain dahil sa hagikhik ng kanilang ina, may naiisip na naman itong hindi nila maintindihan.

Tumikhim si Eros at kinuha ang atensyon ng mga natitirang Hari, Reyna, Prinsesa at Prinsipe.

“Adams, I’m glad you’re alive.”

“Master Eros.” magalang na sambit ni Haring Adams.

“Valdemor, Dalya, thank you for taking care of my daughter.” baling ni Eros sa mag-asawang may katandaan na.

“Walang anuman. Napamahal na rin sa amin ang iyong anak, Master Eros.” sagot ng dating Haring Valdemor.

“Tama, itinuring na namin itong apo.” magaaang sambit ng dating Reyna Dalya.

“Lolo Valdemor, Lola Dalya.” nakangiting sambit ni Cane.

“Paumanhin sa mga pangyayari, maging ang kaligtasan niyo ay nadamay sa delubyong nagaganap sa aming bansa.” paumanhin ng dating reyna.

“Hindi namin malilimutan ang tulong na aming natanggap. Sabihin niyo lamang ang gusto niyo ay ibibigay namin. Utang namin sa inyo ang aming mga buhay.” seryosong sambit ni Reyna Yuko at yumuko.

“Ang laki mo na, parang kailan lang paslit ka pa at buhat ko kasama ng iyong ama.” pagbabalik tanaw ni Eve, natigilan si Reyna Yuka.

“Ngayon, isa ka ng Reyna.” nakangiting pinagmasdan ni Eve si Reyna Yuka.

“K-Kilala niyo ang aking Ama?”

“Hm, naalala ko pa nang gusto niya akong gawing kanyang ‘Reyna’ noon.” natahimik ang lahat sa sinabi ni Eve, napanganga si Reyna Yuka.

“Hindi lang ang iyong Ama, lahat ng mga nabubuhay na Hari noon ay gusto akong gawing Reyna.” humalumbaba si Eve habang nagbabaliktanaw.

“Sinabi ni Eros na ang matitirang matibay sa mga Hari ay bibigyan niya ng pagkakataon na makalaban siya. Kapag natalo siya, pagbibigyan niya ang mga ito.” nakangiwing kwento ni Eve at hindi alintana ang katahimikan.

“Hay! Pinagtulungan siya ng mga Hari maliban kay Adams, Agnol, Valdemor at Alazar na hindi sumali.”

“Eros is a bully, kung hindi ko pa napigilan ay baka natuluyan na talaga ang mga Hari.”

“The Kings were really damn mad but my husband is more ruthless hanggang sa isang araw nagising na lang ako mula sa mahimbing na pagkakatulog.”

“Bigla na lang nagbago ang mga Hari. Pinapakinggan na siya ng mga ito at hindi na ako nilalapitan. My husband really...” buntong hininga ni Eve at nabalik sa sarili nang hinapit siyang lalo ni Eros.

“I disciplined them a bit.” seryosong sambit ni Eros.

“Yes, a ‘bit’.” iling ni Eve at binalik ang atensyon sa mga Prinsesa at Prinsipe na bakas ang gulat sa mga mukha.

Natawa sina Haring Adams at Valdemor.

“Totoo ba, Ama?” tanong ni Prinsipe Lucien sa Hari ng KIN Palacio na si Alazar.

“Totoo iyon. Sadyang nakakahanga ang ganda at abilidad ni Goddess Chaos.” sagot ni Haring Alazar sa anak.

“Goddess Chaos? Chaos?” mahinang tanong ni Prinsipe Hasil. Natigilan si Prinsipe Lucien nang ngitian siya ni Eve Henderson-Thurston.

“S-Sino ba talaga sila?” ang tanong na kanina pang gumagambala kay Prinsesa Andrea. Parang gustong magsisi nito sa paglalakas loob na magsalita at magtanong dahil sa pagtahimik ng paligid.

Seryosong tiningnan ng batang Hari na si Visal si Prinsesa Andrea dahil tulad nito ay nahihiwagaan at walang ideya sa katauhan ng pamilyang nasa kanilang harapan ngunit isa lang ang alam niya. Hindi basta basta ang mga ito.

“Gusto ko ring malaman.” sambit ni Haring Visal.

“What is your opinion, Hurricane?” tanong ni Eros sa anak. Binibigay ang pasya sa mga kamay nito. Ibinaba ni Cane ang kopitang hawak na iniikot sa kamay.

“Hm, mukhang hindi pa tamang panahon lalo na sa sitwasyon. Pasensya na kung hindi ko masasagot ang mga tanong sa mga isip niyo.” mahinahon at seryosong pahayag ni Cane na kinalunok nila Haring Visal.

“N-Naiintindihan namin, Cane.” sagot ni Haring Visal.

“Salamat, Visal. Hehehe.”

“Magkakaroon kayo ng ideya oras na umapak na kayo sa Pilipinas.” sambit ni Eve nang nakahalumbaba muli habang pinagmamasdan ang mga ito.

“What do you mean, Mom?”

“Well, baby Cane, maya maya ay darating ang mga choppers na maghahatid sa kanila sa ating ‘tahanan’ dahil hindi masisiguro ang kaligtasan nila sa mga mangyayari.” nakangiting sagot ni Eve sa anak. Nakakaintinding tumango si Cane.

“Maayos na ba ang lahat doon?” tanong ni Cane.

“Your brothers are really reliable, baby Cane. Sila na ang umayos sa lahat. Nagmamadali talaga silang puntahan ka.” napangiti si Cane sa narinig sa ina.

“Thank you for coming here.” sinserong pasasalamat ni Cane sa kanyang pamilya.

“Mananatili ako.” Sambit ni Reyna Yuka, nakangising nilingon ito ni Cane.

“Inaasahan ko nang sasabihin mo ’yan, Reyna Yuka.”

“Sasamahan ka namin, Reyna Yuka.” Sabay na pahayag nina Kasmar at Tasyo.

“Mananatili rin ako.” sambit ni Prinsipe Rodolpo. Tiningnan ito ni Cane at napabuntong hininga.

“Hindi ko pipigilan ang mga gustong manatili ngunit nasisiguro namin ng pamilya ko na may pinakaligtas na lugar para sa lahat.” seryosong sambit Cane at pagkatapos ay tumayo.

“Sa mga mananatili, ipinapangako kong bibigyan ko kayo ng maayos na libingan.” -Cane

“Tutulungan ka namin, Cane, sa paghukay ng libingan nila.” -Lihtan

“Ako rin! Sama akooo!” -Taki

“Damay niyo ko riyan, hahahaha!” -Tenere

Napangiwi si Prinsipe Rodolpo at napalunok ang iba sa narinig.

Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang tunog ng hindi mabilang na choppers sa kalangitan. Dumilim ang paligid dahil doon.

“Saan ka pupunta?” mabilis na harang ni Taki kay Dr. Marquis na akmang tatawid sa lubid na hagdan patungo sa chopper.

“Ah! Eh...” namumutlang utal ni Dr. Marquis at lalong namutla nang makita sina Lihtan at Tenere sa likuran ni Taki.

“Sasama ka sa amin.” seryosong sambit ni Lihtan.

“Dr. Marquis, buhay ka.” nakangiting sambit ni Cane at lumapit sa mga kaibigan.

“Binibini, ayokong mamatay.” makaawang sambit ni Dr. Marquis.

“Wala pa namang papatay sa’yo rito, hehehe.” -Cane

Tuluyang nawalan ng pag-asa ang kaawa-awang doktor.

“He is a wanted criminal doctor, Hurricane.” narinig nilang sambit ni Thunder na nasa likuran na pala nila kasama ang mga magulang niya at dalawa pang kapatid.

“Wow! Jackpot pala talaga ako, e di may rewards ako? Hihihi!” maligayang sambit ni Cane.

“Yes, may rewards ka.” nakangiting kompirma ni Storm.

“Magkano? Magkano?”

“200 million.” sagot ni Rain.

“Pwede na rin, hehehe!” tumatangong bulong ni Cane.

“Ano yon, aking binibini?” -Taki

“Waaah! Di na tayo mamomoblema sa pangkain! May naisip na akong hanapbuhay!”

“T-Talaga Cane? Magta-trabaho tayong magkakasama? Gusto ko ’yan.” -Lihtan

“Oo! Huhuli tayo ng maraming masasamang kriminal!” -Cane

“Paano ang pag-aaral, Cane? Sabi ni mahal papasok tayo sa iskol?” -Tenere

“Magiging working student tayo, hehehe!” -Cane

“Ano yung workeng estudent, Cane?” -Lihtan

“Mag-aaral sa umaga tapos trabaho sa gabi. Hehehe. Pangarap ko rin yung mag-working student.” -Cane

“Gawin natin ’yan, aking binibini!” -Taki

“Kriminal ba si Dr. Marquis, Cane?” -Tenere

“Oo! Hehehe!” -Cane

“Waaaah! Ibig sabihin ba may pabuya tayo?” -Taki

“Tama! Malaki ang pabuya sa ulo niya, hehehe!” -Cane

“Paano kung mamatay siya, Cane? May makukuha ba tayo?” -Lihtan

“Patay o buhay may premyo tayo! Mayaman na tayo! Woooooh!” -Cane

Kung kanina ay pag-asa ang nawala kay Dr. Marquis ngayon ay pati na rin ang katinuan.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now