Pahina 34

27.2K 1K 160
                                    

Pahina 34
The Meeting...


Hurricane’s Point of View

Hinubad ko ang damit ko, may panloob pa naman ako. Napalingon ako sa mga nasa likuran ko na napasinghap. Nakita ko ang nakabukas na pinto at nakatayo doon sina Prinsesa Feya, Prinsipe Visal, Prinsipe Hasil, Prinsipe Lucien...at Prinsesa Shea?

Nakatingin sila sa braso ko na dumudugo. Nabagsakan kasi, pansin ko rin na nagkapasa. Tumingin ako sa taong gumagamot sa akin na may sugat din ang kamay. Napabuntong hininga sina Simone, Lihtan, Tenere at Taki na mas inuna pa akong gamutin.

Hindi raw nila ipapagamot ang mga kamay nila hangga't hindi nalalapatan ng panlunas ang braso ko. Di ko alam kung matutuwa ako sa katigasan ng ulo nila.

"May kasama kaming manggagamot, binibining Cane." sambit ni Prinsipe Lucien.

"Hindi na kailangan, nandito naman kami." malamig na sagot ni Simone. Napanguso ako. Mukhang sang-ayon din sina Lihtan, Tenere at Taki sa sinabi ni Simone.

"S-Salamat na lang, Prinsipe Lucien." sambit ko, wala na rin itong nagawa.

"Paano ang mga sugat niyo? Kailangan ding magamot." nag-aalalang sambit ni Prinsesa Feya.

"Ayos lang kami." sabay sabay na malamig na sagot nina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.

Nakita ko ang pag-ngiwi ni Prinsesa Feya. Napakamot ako sa ulo at bumuntong hininga muli.

"Ako na lang ang gagamot sa kanila. Ako na ang bahala. Paumanhin." nakangiting sambit ko. Nakakaintinding tumango naman si Prinsesa Feya.

"Kami na ang gagamot sa sarili namin." nabura ang ngiti ko sa sinabi ni Simone.

Napabuntong hininga ako at pinigilan ang kamay ni Simone na gumagamot sa akin.

"Cane." marahang tawag nila sa akin.

"Hindi ko gusto ang ginagawa niyo. Pinagbigyan ko na kayo, kaya magpagamot na kayo." walang emosyon na sambit ko. Umawang ang mga labi nila.

"Magpapagamot na si Taki, aking binibini." -Taki

"Wag ka na magalit, Cane." -Lihtan

"Ang tagal ng manggagamot nasaan ba 'yon?" -Tenere

Natatarantang sambit ng mga ito. Mabilis na may mga lumapit na manggagamot sa kanila.

"Tatapusin ko muna ito." sumusukong sambit ni Simone, at marahang inalis ang kamay ko.

"Lihtan." tawag ko rito.

"Bakit Cane?" lumapit si Lihtan na nagtataka.

Hindi nila dapat makita ang kamay ni Lihtan. Mukhang nabasa ni Simone ang nasa isip ko nang magkatinginan kami.

"Tss, diyan ka muna." -Simone

"Huh?" -Lihtan

Nakangiting pinanood ko si Simone na matapos gamutin ako ay nagpagamot na rin ng kamay. Kinuha ko ang kamay ni Lihtan.

"Pasensya na, Cane, nakalimutan ko." malungkot na sambit ni Lihtan.

"Ayos lang, walang problema. Ako na ang bahala sa’yo, hehehe."

Nakangiting tumango naman si Lihtan. Hindi komportable si Lihtan na may nakakakita sa kamay niya maliban sa amin. Ginamot ko ang isang kamay ni Lihtan, at hinintay na matapos magamot sina Simone, Tenere at Taki.

"Maaari niyo na kaming iwan." sambit ni Simone.

Doon ko lang naalala ang mga kasama namin sa silid. Nawala sa isip ko dahil sa pagiging okupado ko sa mga bagay bagay. Parang nagdadalawang isip pang umalis sila Prinsipe Visal. Bandang huli ay umalis na rin.

Inalis ko ang telang nakabalot sa kamay ni Lihtan.

"Gustuhin ko mang paguhuin at buhatin ang mga nakaharang na bato hindi ko magawa, di ko maramdaman ang lakas ko." saglit akong natigilan sa sinabi ni Lihtan at tiningnan ito na malungkot na nakayuko.

Marahang ginulo ko ang buhok ni Lihtan na biglang natigilan.

"Sorry kung pinag-alala ko kayo nang sobra."

"Hindi na kami nakapag-isip nang maayos dahil paano kung nadaganan ka ng mga bato? Di namin kakayanin 'yon." napatingin naman ako kay Tenere.

Naalala ko na naman ang mga itsura nila kanina, parang pinipilipit ang puso ko sa tanawing 'yon.

















Pagsapit ng gabi ay nakatingin ako sa kanila na mahimbing na natutulog. Pinagpilitan nilang sa malambot na pahingahan ako matulog. Bumangon ako at nagtungo sa balkonahe at pinanood ang maraming bituin sa kalangitan at sa taong nakatalikod sa akin na nakatayo rin habang nakatingin sa kalangitan.

"Simone." tawag ko rito.

"You should be sleeping." sambit niya at humarap sa akin.

"Nilalamig ako, Simone." nguso ko. Napabuntong hininga siya at binalot ako ng yakap. Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Sorry..." naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya nang hindi nadidiinan ang kaliwang braso ko. Hinalikan niya ang ulo ko.

"I'm very scared. Don't do that again, please."

Tumango ako kahit na walang kasiguraduhan na hindi na 'yon mauulit.

"Sorry." ulit ko. Wala na akong ibang sinabi puro 'sorry' sa kanila. Bahagya siyang lumayo at kinulong ang mukha ko sa mga palad niya at tiningnan sa mga mata. Tumibok nang malakas ang puso ko.

Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko na nakapagpangiti sa akin. Namilog ang mga mata ko nang halikan niya ako sa labi. Parang sa pamamagitan no’n ay pinararamdam niya ang halo halong nararamdaman niya. Kinabig ko ang batok niya at tinugon ang malalim niyang halik.

"Damn, Hurricane. You're driving me crazy." paos na sambit ni Simone at sumiksik sa leeg ko.

Napahalakhak ako.

Patas lang tayo, Simone. Binabaliw mo rin ako.

"Kiss me again, baby." bulong ko sa tainga niya. Napahagikhik ako sa pamumula ng tainga niya. Hindi naman niya ako binigo at hinalikan muli ako. Kahit maghalikan kami hanggang lumiwanag ay ayos lang.

Nakaupo na kami ngayon sa upuang gawa sa kahoy. Nakakandong naman ako sa kanya, hehehe.

Paborito niya talagang sumiksik sa leeg ko.

"Simone, dalawang araw na akong walang ligo." imporma ko sa kanya.

"Nah, kahit isang taon pa." sambit niya.

"Sige, di ako maliligo ng isang taon. Tingnan ko lang kung mapanindigan mo 'yan." banta ko.

"Pfft~" nag-angat siya ng mukha. Naaaliw na tumingin siya sa akin habang kagat ang labi sa pagpipigil ng ngiti at hindi alam kung anong gagawin sa akin.

"Ano? Gagawin ko 'yon, akala mo." nakangusong sambit ko.

"Dang. Don't, hahaha."

Mahinang hinampas ko siya sa balikat at natawa na lang din.

"Don't underestimate me, baby." sambit ko.

"Never." nakangiting sagot niya na maraming ibig sabihin habang nakatingin sa mga mata ko.

Dinikit niya ang matangos na ilong niya sa pisngi ko habang nakatingin ako sa baba dahil may kanina pang nanonood sa amin.









Nasa tila malaking tub kami at naliligo ni Prinsesa Feya, kasama namin ang ilang mga Prinsesa. Kahit na nakapikit ako ay ramdam ko ang paninitig nila. Kanina ay kaming dalawa lang ni Prinsesa Feya ang narito, bigla na lang may sunod sunod na pumasok. Hindi ko mapigilang mapahikab at isandal ang ulo ko pahiga. Ang sarap matulog dito, idagdag pa ang mabangong aroma ng mga nakalutang na pulang bulaklak ang at ang katamtamang temperatura ng tubig.

Hindi na kami natulog ni Simone, natawa ako nang maalala ang ginawa ko sa kanya kanina. He's so cute. Lalo 'pag parang nahihiya, di malaman ang gagawin at namumula. Napakagat-labi ako at napahagikhik at napapailing na dumilat.

Nahuli ko silang nakatingin sa akin. Alanganing ngumiti ako. Di naman ako nahihiyang mahuling ngumingiti mag-isa, nakakailang lang ng kaunti dahil titig na titig sila. Sanay naman ako na laging tinitingnan, kahit iba't ibang tingin pa ang ibigay sa akin. Bata pa lang ako alam ko na kung paano bumasa ng tingin, dahil ang mata ay hindi marunong magsinungaling.

At ngayon nakatingin sila sa akin na parang taga ibang planeta ako. Huhuhuhu.

"Waaaaah! Nandito ka!" biglang may tumalon. Sinamaan ng mga Prinsesa ang bagong dating na si Prinsesa Andrea at biglang yumakap sa akin.

Kasunod niyang lumubog sa tubig si Prinsesa Yuka at Prinsesa Shea.

Kung iisipin, anong ginagawa ko rito? Puro Prinsesa ang kasama ko! Kaya siguro ganoon makatingin ang mga Prinsesang kasama namin ni Prinsesa Feya.

Nahihiyang tumayo ako.

"U-Una na 'ko, hehehe." paalam ko. Nakatingin sila sa katawan ko. Pare-pareho naman kaming mga babae kaya wala lang sa akin 'yon, nakabalot naman ang dibdib namin at naka-panty naman ako na kasama sa ginayak ng Mom ko. Kunot noo na nakatingin sila sa panty ko?

"Ano 'yan?" tanong ni Prinsesa Andrea.

"May ganyan din kayo." sambit ko nang natatawa at tumalikod. Napatigil na naman ako dahil sa pagsinghap nilang lahat.

Nagkibit-balikat na lang ako at kukunin na sana ang tuwalya...

"Hindi pa tayo nagtatagal, dito ka muna." kunot noong sambit ni Prinsesa Feya.

"Oo nga! Dito ka muna." pangungulit ni Prinsesa Andrea na kumapit sa kamay ko.

"Bakit ka aalis?" tanong ni Prinse-Reyna Yuka. Reyna na siya.

"Sa ibang paliguan na lang ako, para lang sa mga Prinsesa at Reyna ang lugar na 'to." inosenteng sagot ko.

"Dito ka lang." napakurap-kurap ako sa sinabi ni Reyna Yuka at lumubog ulit hanggang sa pumantay ang tubig sa leeg ko.

Bakit ba sila titig na titig? May mali ba sa mukha ko?

Nabalot ng katahimikan...

"Nakita kitang may kahalikan..." muntik na akong malunod sa narinig ko.

Tiningnan ko kung sino ang nagsabi no’n.

"Sino siya?" bulong ko kay Prinsesa Andrea.

"Si Brena." bulong na sagot nito.

"Ikaw pala 'yung nakakita." sambit ko at sumandal sa gilid.

"Paano mo nagagawang pagsabay-sabayin sila?" malamig na sambit ng katabi ni Prinsesa Brena.

"Sino siya?" tanong ko ulit kay Prinsesa Andrea na nakangiwi.

"Si Veron." tumango ako. Prinsesa Brena... Prinsesa Veron... Tinandaan ko ang mga mukha nila.

"Mag-ingat ka sa binibitawan mong salita!" galit na sambit ni Prinsesa Feya sa mga ito.

"Ayos lang, hayaan mo sila. Gusto kong marinig ang sasabihin nila." mahinahong sambit ko.

"Ngunit, tss."

Binalik ko ang tingin sa mga Prinsesang nasa harapan namin at sinalubong ang mga nagbabaga nilang mga mata.

"Pinaiikot mo sila sa palad mo!" galit na asik ni Prinsesa Veron.

"Marunong ako magpaikot, kahit anong laro pa 'yan, ngunit hindi sila kasama ro’n, Prinsesa Veron." kalmadong sagot ko.

"Lumalaban ako ng patayan, kaya naman oras na may lumapastangan sa kanila, kahit sino babanggain ko. Hindi lang pagganti ang ginagawa ko dahil tinitiyak ko na lumalamang ako sa kahit anong laban." nakangising sagot ko habang seryosong nakatingin ditto.

Parang natakot naman ito maging ang mga nasa tabi niyang Prinsesa.

Nahuli ko ang pagngisi ni Reyna Yuka.

"Mag-ingat kayo sa binibining 'yan. Hindi ba, Shea?" nakangising babala ni Reyna Yuka at tiningnan si Prinsesa Shea.

"Tss." tanging nasabi ni Prinsesa Shea.

"Tama kayo diyan. Ah binibining Cane, hindi ba't tuturuan mo ako ng pana? Tumakas ako!" sambit ni Prinsesa Andrea.

"Hindi maaari, may sugat ang braso niya." sambit ni Prinsesa Feya.

"Aaw! Ganoon ba?"

"Tuturuan kita." nakangiting sambit ko at kumindat.

"N-Ngunit..."

"Matagal na rin akong di nakakapag-ensayo, tuturuan ko rin sina Lihtan."

"Waaah! Sige!"

Nakangiting pinatong ko ang kamay sa ulo nito dahil sa ka-cutan.

Muli kong binalik ang atensyon sa aming harapan.

"Isang lalaki lang ang hinahalikan ng labi ko. Wag kang mag-alala pinaghirapan kong ligawan at mapasakin ang lalaking 'yon, kaya ko siyang halikan sa harap ng kahit sino, para maiparating na sa akin lang ng buo ang taong 'yon." tumayo ako at hindi na tiningnan ang reaksyon nila at nagtapis.

Nang makapagbihis na ako ay naabutan ko silang nakaabang sa labas at tapos na rin maligo.

Pinagmasdan ko silang apat na nakangiting nag-aabang sa paglapit ko.

Hindi ko magagawang paikutin sila at pagluruan. Kung gagawin ko man 'yon ay para sa kanila...

"Nag-aya si Prinsesa Andrea na mag-ensayo sa pagpapana." sambit ko.

"Saan? Sama kami, aking binibini."

Talagang paninindigan nila ang pagbuntot sa akin.

"Si Prinsipe Visal?"

"Binibining Caneeeee." nakita ko ang paparating na si Visal.

"Kumuha siya ng makakain, Cane." nakangiting sambit ni Lihtan na hindi inaalis ang tingin sa hawak ni Lihtan.

Pfft.

"Kailangan pa rin namin kayong bantayan, may gagawin ka ba ngayon, Prinsipe Visal?" tanong ko at kumuha ng malaki at masarap na tinapay. Nang makumpirma na ayos lang ay sinenyasan ko sila na pwede nang kainin.

"Wala naman? Bakit?"

"Tuturuan ko sila mag-pana, nag-aya si Prinsesa And-"

"Waaaah! Binibining Cane, handa na akoooo!" masayang sabi ni Prinsesa Andrea na kinangiwi ni Prinsipe Visal.

"Talagang nakatakas ka ah?" -Prinsipe Visal

"Oo naman! Lalo na nang mabalitaang bumalik sila." -Prinsesa Andrea

Nawala kasi kami ng tatlong araw matapos ang engrandeng salo-salo dahil inilikas namin sina Lola Dalya at Lolo Val kasama ang mga ilang nasasakupan nila sa tulong nini Prinsesa Yuka, Prinsipe Lucien at Prinsipe Hasil. Ang mga onymus naman ay may sarili ng teritoryo na hindi magagawang lapitan o makita basta basta ng kahit sino.

"Cane..."

Bahagyang natigilan ako nang makita si Prinsesa Shea sa likuran ni Prinsesa Andrea.

"Gusto kitang makausap." sambit ni Prinsesa Shea at tumalikod at naglakad palayo. Susunod na sana ako nang pigilan ni Tenere ang kamay ko.

"Baka may pinaplano na naman siyang masama, Cane." nababahalang sambit ni Tenere.

"Kung pupunta ka kasama ang Prinsesang 'yon ay kasama kami." malamig na sambit ni Simone.

Inunahan nila ako ng lakad. Nakangusong napakamot ako sa ulo ko at sumunod.

"Saan kayo pupunta?" kunot noong tanong ni Reyna Yuka kasama si Tasyo at Kasmar na tinanguan ako na sinuklian ko ng ngiti at tango.

"Gusto akong makausap ni Prinsesa Shea." Sagot ko.

"Hindi ba maganda ang relasyon niyo?" taas kilay na tanong ni Prinsesa Feya.

"Oo nga, binibining Cane." ngusong segunda ni Prinsesa Andrea.

Napabuntong hininga ako at tumango.

"Dito na lang muna kayo." sambit ko sa kanila.

"Cane..." -Lihtan

"Sandali lang 'to."

Huminga ako nang malalim at iniwan silang lahat at pumasok.

"Prinsesa Shea..."

Nakita kong nakayuko ito at nakaupo sa upuan kaharap ang magarang salamin.

"Bakit gusto mo akong makausap?" kalmadong tanong ko.

Nagulat ako nang manginig ang balikat nito at marinig ang kanyang paghikbi.

Tahimik na hinintay ko na magsalita ito.

"M-Maililigtas mo ba ang aking Ama?" tanong niya.

"Kamusta na siya?" tanong ko.

Ang huling kita ko kay Haring Agnol ay sobra nang nanghihina. Kumalat na sa katawan niya ang lason, at nang makita ko ang sinasabi nilang mga sulat, banta at gamot ay hindi ko alam kung makakaligtas pa si Haring Agnol. Isang lunas ang natatanggap nila ngunit panandalian lang.

At ang huling kita ko sa Prinsesang ito ay napakalayo sa nakikita ko ngayon.

"Iligtas mo siya." sambit nito at biglang lumuhod sa harapan ko.

Naestatwa ako panandalian.

"Hindi ko hawak ang buhay niya, Prinsesa Shea." sambit ko. Paulit-ulit na umiling ito, umiiyak at parang hindi naririnig ang sinasabi ko.

Tinalikuran ko ito.

"Nagmamakaawa ako. Iligtas mo siya." lumuluhang sambit nito. Wala akong makapang awa. Ang sama ko.

"Sa t'wing nakikita kita, ipinapaala ng pagkatao mo ang pagpapahirap mo sa kaibigan namin. Maisip ko pa lang ang pinagdaanan niya, ang pagmamakaawa niyang wag mong patayin si Matilda, ang pagkulong at paglatigo sa kanya ay sapat na 'yon para hindi ako makaramdam ng awa para sa’yo." sambit ko rito at pipihitin ko na sana ang pinto...

"Wag mo na akong lalapitan at kakausapin, ayokong nasasaktan at nag-aalala sila dahil sa’yo, mauuna na ako." malamig na sambit ko.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Prinsipe Lucien at Prinsipe Hasil na nasasaktan. Nilagpasan ko sila.

"Binibining Cane..." pigil ni Prinsipe Hasil sa braso ko.

"Alam mong wala na akong magagawa." sambit ko.

"Alam ko, patawad." sambit nito at pinuntahan sa loob ang kapatid niya.

"Binibining Cane..." sambit ni Prinsipe Lucien at malungkot na tinanguan ako at pumasok sa loob.

"Tenere!" sigaw ni Taki.

Nakita ko ang paglakad palayo ni Tenere. Narinig nila. Sensitibo ang nakaraan niya sa kanya. Hindi pa rin niya kayang magpatawad at hindi ko siya pipilitin.

"Uh, binibining Cane? Ayos lang na ipagpaliban ang pagsasanay natin." sambit ni Prinsesa Andrea.

"Hindi, itutuloy natin. Antayin mo kami sa pagsapit ng hapon, dadating kami." sambit ko at tinapik ang balikat nito.

Tinunguan ko sina Reyna Yuka, Prinsipe Visal at Prinsesa Feya at sina Tasyo at Kasmar.

Hinanap namin si Tenere. Nakita namin siya sa silid na pinagtulugan namin na nakahiga sa pahingahan.

"Hoy! Bumangon ka diyan, sa aking binibini ang higaan na 'yan!" napangiwi ako sa pagsaway ni Taki kay Tenere.

"H-Hayaan mo na, Taki. Hehehe."

"Umalis ka diyan, Tenere." saway ni Lihtan.

Kaya ngayon ay hila hila nila ang dalawang paa ni Tenere

"O-OY! SANDALI! MAHUHULOG AKO!!" -Tenere

"Yun ang plano namin, hehehe." -Taki

"Oo nga." -Lihtan

"Aray!" -Tenere

Napangiwi na naman ako dahil nauntog si Tenere.

"Ano? Gising ka na?" pangangamusta ni Taki.

"GISING AKO! ANO BANG PROBLEMA NIYONG DALAWA?! DI PA KAYO KUMAKAIN 'NO?! NABABALIW NA NAMAN KAYO!!" -Tenere

"Bigla ka na lang umalis, hinanap ka namin. Pinahirapan mo pa kami, nandito ka lang pala." -Lihtan

Pare-pareho silang mga nakasimangot. Hindi ko mapigilang matawa. Si Simone naman ay hawak ang noo niya.

"Pakiramdam ko may malaking bukol ako." -Tenere

"Ayos lang 'yan, kasalanan mo 'yan." -Lihtan

"Mas matanda ako sa inyong dalawa!"- Tenere

"Alam namin." -Taki

Bumuntong hininga si Tenere at tumingin sa akin.

"Hindi mo sila tutulungan?" tanong ni Tenere.

"Wala na akong magagawa, masyado nang huli ang lahat." sambit ko.

"Kung may magagawa ka pa, tutulungan mo ba sila?"

"Masama man sa pandinig ng iba, hindi ko sila tutulungan kung labag sa kalooban mo." diretso sa matang sagot ko.

"Kung sasabihin kong tulungan sila, tutulungan mo? Kung hindi ay hindi?" parang di makapaniwalang tanong ni Tenere.

"Oo naman. Mas ginagalang ko ang gusto at desisyon niyo, hehehe." sagot ko.

"Ang laki na ng pinagbago ni Prinsesa Shea ah?" nguso ni Taki.

Sabay sabay silang tumango maging si Simone.

Pagsapit ng hapon ay nagtungo kami kung saan naghihintay si Prinsesa Andrea. Pero hindi namin inaasahan na may mga kasama siya.

"Binibining Cane!" sigaw ni Prinsesa Andrea na naging dahilan para mapatingin sa amin ang mga naroon.

Tumakbo papunta sa amin si Prinsesa Andrea na malawak ang ngiti.

"Prinsesa Andrea." bati ko.

"Gusto nilang sumama." sambit ni Prinsesa Andrea na walang muwang sa mga nangyayari. Mas mabuti na ring inosente siya.

"Manonood na lang muna kami, hehehe." sambit ko sabay turo sa mga nakalinyang upuan sa kabila na walang nakaupo. Sa kabila kasi no’n may mga nakaupo at nanood na mga Prinsesa't Prinsipe.

"Huh? Hindi kayo sasabay?" matamlay na tanong ni Prinsesa Andrea.

Isa sa mga kahinaan ko ay ang mga cute na tao, hayop o bagay. Cute siya, huhuhu.

"M-Mamaya, hehehe."

"Waaah! Sabi mo 'yan ah!"

"Oo, hehehe."

Naglakad kami patungo sa upuan.

"Nalaman ko ang mga pangalan nila kahapon." napatingin kami kay Sir Simone, hehehe.

"Talaga po?" bigla naman siyang namula. Hihihi.

"Sino umaangkin ng katauhan ko, mahal? Turo mo 'yang malakas loob na 'yan!" tila nanghahamon at mayabang na tanong ni Tenere.

"Pfft~" pagpipigil ko ng tawa.

"Baliw. Hanapin mo 'yung pinaka-pangit."

"Hahahahahaha, ayon oh!" turo ni Taki.

Sinundan namin yung tinuro ni Taki.

"Si Gabe, yan ang sinasabi nilang mabilis tumakbo sa grupo nila. ‘Yan ang gumaya sa’yo." ngisi ni Simone.

"Anooooo?!" eksaheradong sigaw ni Taki at di makapaniwalang tumayo.

"Hahahahahaha. Pinakapangit pala ah? Pinakapangit TAKI." Pang-aasar ni Tenere.

"Hindi ako makakapayag! Hindi siya kyot tulad ko! Waaaah!" -Taki

"Sino yung akin, Simone?" kuryosong tanong ni Lihtan.

"Ayon, si Guten. May pambihirang lakas daw ang kamay. Sabi?" -Simone

Tiningnan ko yung Guten at tumango. Hehehe.

"Ah, pwede na rin pagtiyagaan." komento ni Lihtan. Bwahahahaha.

"Ayoko nang alamin 'yung nagpapanggap na ako." -Tenere

"Sa tingin mo gusto ko rin 'to?" -Simone

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" napahagalpak ako sa katatawa. Grabe sila!

"Anong pangalan nung pula ang buhok, Simone?" mataray na tanong ni Taki. Bwahahaha.

Ang taray. Taas kilay OMG.

"Fauna." bagot na sagot ni Simone at tumingin sa akin. Fauna?

Tiningnan ko ang mga ito na nagpapana at si Fauna. Magaling siya at akurado ang pagpapana. Bulls-eye.

Nakikita ko namang tuwang tuwa si Prinsesa Andrea.

Hmm.

"Dino..." biglang nagliwanag ang mukha ni Lihtan.

Pumalakpak kami habang nakatingin kay Dino na papalipad patungo sa amin. Nang biglang...

"Dino!!!"

"Too close." malamig na sambit ni Simone at pinatamaan ang tatlong pana na palipad kay Dino. Mabuti na lang nadala niya ang pana niya. Nakahinga kami nang maluwag nang makarating na sa amin si Dino.

"Is he okay?" tanong ni Simone.

"Mabuti na lang, napigilan mo, Simone." namumutlang sambit ni Taki at hinagod ang likod ni Lihtan na parang maiiyak sa nangyari.

"Tss. Nakakaasar naman 'yung mga 'yon!" asar na sambit ni Tenere.

Tiningnan ko ang grupo na nasa hindi kalayuan bago ibinalik ang tingin kay Lihtan.

"Ayos ka lang, Lihtan?" tumango siya.

Sa sobrang bigla siguro ay hindi na makapagsalita si Lihtan. Marahang hinaplos ko ang buhok niya, tumingala siya at huminahon na rin sa wakas.

"Hindi siguro nila sinasadya." sambit ko.

"Tss. Sinadya 'yon." sambit ni Simone. Nginiwian ko si Simone at mahinang kinurot.

"Hindi nga siguro." bagot na bawi ni Simone.

"Kapag ako natuto, sila gagawin kong puntirya." -Taki

"Oo, paliliparan ko rin sila ng mga pana, mga pangit na 'yan." -Tenere

Napapalibutan sila ng dark aura.

"Cane, gusto kong matuto mag-pana." desididong sambit ni Lihtan.

Parang hindi na yata magandang ideya na turuan sila?

"Oo nga, aking binibini! Waaah! Turuan mo kamiiii!" puma-padyak na ngawa ni Taki.

Dahan dahan kong nilingon si Simone na nakangisi.

"Ah eh. Di ba kayo nagugutom?" tanong ko. Tama hindi nila tatanggihan ang pagkai-

"Makakapaghintay ang pagkain, Cane" -Lihtan

Si Lihtan na mahilig kumain? Totoo ba 'yung narinig ko? D-Desidido nga siya.

"S-Sabi ko nga, hehehe."

"Tara na." aya ni Simone.

Nag-uunahan silang sumunod kay Simone. Napapakamot sa kilay na sumunod na lang ako habang nasa balikat ko si Dino.

Parang hindi talaga magandang ideya ito. Bahala na...

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum