Pahina 49

16.3K 795 127
                                    

Pahina 49
Dangerous Innocence


Hurricane’s Point of View

Idinilat ko ang mga mata ko at mapait na ngumiti habang nakatingin sa likod ng lalaking mahal ko. Ipinagpaliban ko ang pagtungo namin sa palasyo ng kadiliman dahil sa huling pagkakataon ay gusto kong makasama sila na nasa wastong pag-iisip pa ako.

Nang humarap siya ay mabilis kong pinalitan ng sigla ang ngiti ko dahil ayokong mag-alala siya.

Kaya pala, kahit anong gawin ko noon ay wala akong makalap na kahit anong impormasyon tungkol sa pagkatao mo. Kahit pa humingi na ako ng tulong sa mga kapatid ko dahil naiiba ka. Dahil hindi ka ordinaryo. Hindi ka nagmula sa aming mundo, Simone.

"Hey..." malumanay na bati mo at puno ng pagmamahal na nakatingin sa akin.

"Sandali lang po." rinig kong sambit ni Mara at dali daling hinawakan ang mga kamay ko.

Maraming eksena sa aking isipan ang lumarawan. Ipinakita sa akin ni Mara ang hinaharap, ang mga mangyayari. Natigilan ako at pilit na hinanap ang lakas ko nang madinig ko ang nagtatakang tawag nila Lihtan sa akin.

"Ate, mag-iingat po kayo. Lalo na sa kanya." may takot sa himig na sambit ni Mara habang nakatingin sa likuran ko kung saan nakatayo si Simone.

"Simone..." ipinikit ko ang mga mata ko at niyakap ito nang mahigpit. Dinig ko ang tibok ng puso niya at ramdam ko ang init ng yakap niya.

"What do you mean, Thunder? Bakit may naghahanap kay Simone? Anong pakay nila?" di mapakaling tanong ko sa mga kapatid ko. Nasa malawak na conference room kami na may malalaking trono na kung saan may kanya-kanya kaming pwesto. Nakaupo sila at nakatingala ako habang salubong ang kilay.

Tahimik na nakaupo ang mga magulang namin habang nakikinig.

"Mula nang bumagsak ang sindikato na kinalulugaran ng iyong bantay ay siya ring paglabas ng mga ordinaryong grupo na hinahanap siya." seryosong pahayag ni Storm na nakaupo sa kanyang trono.

"Paano kayo nakakasiguro na siya?"

"Lahat ng batang hindi kabilang sa naligtas ay kinunan ng dugo at lahat ng 'yon ay normal." sambit ni Thunder.

Hindi na lingid sa akin ang dugong dumadaloy kay Simone.

Anong kailangan nila kay Simone?

"Kinakalaban ng hindi kilalang organisasyon ang atin dahil sa kagustuhang makuha ang iyong bantay." malamig na sambit ni Rain.

Malamig at seryoso ko silang tiningnan. Nagtagis ang panga at kumuyom ang aking kamao.

"Nasa ilalim siya ng pangangalaga ko, walang makakakuha sa kanya dahil sa akin siya."

"Simone, tandaan mong ikaw pa rin ang mahal kong Simone kahit na anong mangyari." sambit ko habang yakap ito nang mahigpit.

"Mahal na mahal kita." nahihirapang sambit niya na naging dahilan ng pagpintig lalo nang malakas ng puso ko.

Anuman ang mangyari gagawin ko ang lahat para sa’yo, para sa inyo.

Kahit pa na ikaw ang anak ng Kasamaan na dahilan ng kadiliman at karahasang nangyayari sa mundo, Simone. Kahit na anak ka pa ng pinakamasamang tao. Sa akin ka lang.

"I'm very scared, I don't know why. I can't lose you." parang sinaksak nang paulit ulit ang puso ko nang marinig ang takot na boses niya.

"Wag ka nang matakot, Simone. Tahan na, magiging maayos din ang lahat."

Pinagmasdan ko ang gwapong mukha nito nang makatulog at dahan dahang inalis ang braso nito sa aking baywang na nakapirmi. Napanguso ako nang humigpit iyon at hinapit pa akong lalo. Nakasandal kami sa puno at dahil alam ko ang makakapagpatulog sa kanya ay nakatulog ito kahit na ayaw.

Nang matagumpay kong naalis ang braso niya ay hinubad ko ang kapa ko at ginawang kumot para sakanya at nakangiting pinagmasdan saka maya maya ay iniwan.

Nakarinig ako ng kalansing ng espada at sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko si Lihtan na seryosong nag-eensayo. Kung noon ay isang espada lang ang hawak niya, ngayon ay dalawa na at pamilyar sa akin ang dalawang espadang hawak nito at ang kahanga-hangang istilo ng paghawak at atake ni Lihtan.

"Aking binibini..." napatalon ako sa gulat nang may tumabi sa akin.

"Taki! Ginulat mo ako." mahinang sambit ko.

"Hehehehe!"

Napanguso ako, inakbayan ako ni Taki.

"Kanina ka pa rito?" mahinang tanong ko.

"Kanina pa, aking binibini."

"Anong ginagawa mo rito?" muling tanong ko dahil dapat natutulog na ito para bukas.

"Hehehe. Ikaw ano ginagawa mo rito, aking binibini?" makulit na balik tanong ni Taki.

Mahinang kinurot ko ang ilong nito.

"Dapat natutulog ka na." sambit ko.

"Hindi ako makatulog at bumagsak ulit at binabantayan ko si Lihtan dahil baka bigla na naman matulog sa lupa ’yan tapos matatapon yung mga pagkain niya sa bulsa niya tapos saying, hehehe." napanganga ako sa sinabi niya.

"B-Bumagsak?"

"Tama, aking binibini." mahinang sagot ni Taki at tiningnan muli ito. Nakatago kami sa likod ng damo at kita ang seryosong mga mata nito na bakas ang pag-aalala kay Lihtan.

"Gusto niyang sagarin ang hangganan niya, kahit na masama at delikado. Naiintindihan ko siya, aking binibini." tipid na ngiting sambit ni Taki at tiningnan ako

"Gusto kong makita pa ang pagpupursigi ni Lihtan kaya babantayan ko siya." seryosong sambit ni Taki.

Napabuntong hininga ako at bumaling kay Lihtan na nakatulog sa sobrang ensayo. Mabilis na sinalo ni Taki ang ulo ni Lihtan at nilapag nang maayos ang ulo ni Lihtan.

Nakangiting nilingon ako ni Taki at nang maihiga nang maayos si Lihtan ay hinila niya ang kamay ko at sa isang iglap ay nasa harapan na kami ng ilog na kumikinang sa ganda.

Kasabay noon ay ang pag-ilanlang ng isang malamyos na musika na mula kay Tenere.

"Tumutugtog ulit siya, hehehe." sambit ni Taki. Hindi kami napansin ni Tenere na ngayon ay seryosong nakatanaw sa ilog.

Binalingan ko si Taki na nakangiti ngunit may hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata.

Ang ginagawa niya ngayon ay tila ba matagal na niya itong ginagawa. Ang pagtingin sa kalagayan ng mga ito. Alam na alam niya at isang reyalisasyon ang nabuo sa isipan ko na huli ko nang natanto.

"Patawad, aking binibini. Alam ko ang lahat, naririnig ko." may tipid na malungkot na ngiting sambit ni Taki.

Napaiwas ako ng tingin.

"Si Simone ay ang nag-iisang likha. Ang anak ng nilalang na dahilan ng kasamaang nagaganap. Ang kumitil sa buhay ng aming mga kauri."

Napayuko ako.

Tama, si Simone ay ang nag-iisang anak ng panginoon ng kasamaan. Hindi ko alam ang istorya, maraming bumagabag na delikadong katangunan sa isipan ko.

"May...tiwala ako kay, Simone, aking...binibini." natitigilang nag-angat ako ng mukha kay Taki at naiyak.

"Taki..."

"Siya si Simone at ikaw si Cane, ang aking binibini. Walang kahit ano o sino ang makakasira at tibag ng tiwala ko sa inyo, kahit anong mangyari." seryosong sambit ni Taki at marahang pinunasan ang luha ko.

"Salamat, Taki."

"Ngunit nag-aalala ako kay Lihtan, aking binibini." buntong hininga ni Taki na nakapagtaka sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Narinig kong nag-uusap si Lihtan at ang iyong mga kapatid at nang marinig ko ang salitang 'bloodlust' ay kinabahan ako kaya tinanong ko kay Simone! At sabi ni Simone, mahilig daw sa dugo ang ibig sabihin noon! Aking binibini! Nahahawa na ba sa akin si Lihtan?"

Bloodlust.








Lihtan’s Point of View

Nakatingin ako sa likuran ni Cane habang katabi si Calih, ang aking bagong alaga habang naglalakad patungo sa palasyong nababalot ng kadiliman. Kung saan naroroon ang mga Prinsipe at Prinsesa.

Hinawakan ko ang kwintas na nakatago sa leeg ko na galing kay Kuya Thunder.

"Thank you, for bringing happiness to our Angel, Lihtan." sambit nang seryoso ni Kuya Thunder. Wala sa sariling tumango ako kahit di ko maiintindihan ang lenggwahe nito.

Namimitas ako ng hinog na mangga dahil paborito ito ni Cane. Sabi ni Cane magaling akong pumili kaya naman lagi kong binabantayan ang paghinog ng mga ito nang makita ako ng mga kuya ni Cane.

May magaganda silang mga mata tulad ni Cane. Maging ang dala nilang kalmadong presensya ay tulad din ni Cane. Maganda rin ang ngiti nila ngunit para sa akin ang ngiti ni Cane ang pinakamaganda sa lahat dahil siya ang kauna-unahang ngumiti sa akin nang tunay. Napangiti ako dahil maging ang tawa ni Cane ay gustong gusto ko rin.

Nakita ko ang pagngiti ng mga kapatid ni Cane.

"Now I know, why she's determined." narinig kong sambit ni Kuya Rain. Napakamot ako sa batok dahil di ko sila maintindihan habang nakatingin sa akin. Nakita ko si Taki na mabilis na nakarating sa amin, kita ko ang pagkamangha ng mga kuya ni Cane at ilang saglit pa'y nasa harapan na namin si Tenere na bumagsak mula sa itaas.

"Young Masters." pagbibigay galang ni Simone nang seryoso.

Seryosong nagsukatan ng tingin ang mga kuya ni Cane at si Simone. Nagkatinginan kami nina Taki at Tenere dahil pakiramdam ko ay may tensyon na namumuo ngunit bakit?

"You are now her man. She finally realized it." marahan at seryosong pahayag ni Kuya Rain. Nakita kong natigilan si Simone na kinanguso ko dahil minsan lang magpakita ng emosyon si Simone at nakakamangha yon.

"Kung alam mo lang ang mga ginawa niya para sa’yo." nakangising sambit ni Kuya Storm.

"Ang aking binibini ba ang pinag-uusapan niyo?" tanong ni Taki.

Ginulo ni Kuya Storm ang buhok ni Taki at nakangising tumango samantalang naguguluhan pa rin si Simone.

"Anong ibig niyong sabihin?" mahina at naguguluhang tanong ni Simone ngunit nginisihan lang siya ng mga kuya ni Cane.

"Naaalala ko pa noon, nang makita namin siyang nakaupo mag-isa at ayaw umalis sa kinauupuan. Hinihintay niya ang mga kalaro niya, umabot ang dilim walang dumating." sambit ni Kuya Rain habang nakatingin sa kawalan at nakapamulsa.

"Mabait ang aking binibini, bakit walang dumating?" nag-aalalang tanong ni Taki.

Nakita ko sa itsura ni Simone na wala rin itong ideya. Napayuko ako at bumagsak ang mga mata sa hawak kong mangga.

Cane.

Unti unti na naming nalalaman at napapasok ang mundong ginagalawan mo. Marami man akong hindi maintindihan at hindi alam, isa lang ang alam ko. Hinding hindi kita iiwang mag-isa, aalagaan kita nang mabuti. Matututo ako para maasahan mo ako sa kahit ano.

Ang sabi mo, isa akong liwanag sa malupit na mundo, sa dilim ng kwebang kinaroroonan ko ngunit ikaw ang liwanag, Cane. Ang liwanag namin.

Ikaw na nagbibigay lakas sa amin at bumuo sa amin ay lingid sa amin na durog na pala. Ano pang mapait na nakaraan ang naranasan mo? Paano mo nagagawang ngumiti at tumawa? Paano mo nagagawang magningning sa kabila ng lahat?

"Ikinukulong niya ang sarili niya sa t'wing nawawalan siya ng control. Walang makakapigil sa kanya oras na kainin ng galit." narinig kong sambit ni Kuya Thunder.

"B-Bakit niya gagawin 'yon?" naguguluhan at nanginginig na tanong ni Tenere.

Nanatili akong nakayuko. Bakit mo gagawin sa sarili mo 'yon, Cane?

"She's going to punch us, once she found out about this." nakangisi at seryosong sambit ni Kuya Rain.

Nag-angat ako ng tingin sa kalangitan at nakita si Dino na lumilipad hanggang sa magtungo sa isang direksyon, si Cane na nakangiting patungo sa amin.

Nang magdilim ay tahimik akong nag-ensayong mag-isa na lagi kong ginagawa at pagsubok na palabasin ang nakatago kong kapangyarihan ayon kay Anue Knight.

Tiningnan ko ang mga kamay ko nang seryoso.

"Lihtan..." natigilan ako nang marinig ang boses sa likuran ko at nakita si Kuya Thunder na seryosong nakatingin sa akin. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinuturuan ni Kuya Thunder ng iba't ibang atake na labis kong kinamangha.

Binagsak ko ang katawan ko habang hinihingal na nakatingin sa langit na napupuno ng bituin. Nakita kong umupo sa tabi ko si Kuya Thunder na parang hindi man lang napagod.

"Salamat, Kuya Thunder." nakangiting pasasalamat ko na kinangisi nito.

"Don't mention it. Ako ang dapat na magpasalamat sa’yo." ginulo nito ang buhok ko.

Ibinalik ko ang tingin sa langit at pumikit.

Dumilat ako at walang emosyong itinaas ang kamay ko.

"Hindi ko palalagpasin ang lahat ng mananakit kay Cane." sambit ko at nilingon si Thunder na tila natigilan habang nakatingin sa akin at ilang saglit pa'y naging seryoso.

"Damn, baby sis, your innocent monster is becoming deadly like you." hindi ko mainmaintindihang sambit ni Kuya Thunder habang umiiling na nakatingin sa akin.

"I smell bloodlust here." napatingala ako sa nagsalita na walang iba kundi sina Kuya Storm at si Kuya Rain na nasa likuran nito. Parehong seryosong nakatingin sa akin.

Inabot ni Kuya Rain ang kamay nito sa akin na tinanggap ko at tumayo.

"Galing ito sa aming ina. Gusto niyang gamitin ito ng isa sa inyo oras na kailanganin. Sa’yo ko ipagkakatiwala ito, Lihtan." nilagay ni Kuya Thunder sa palad ko ang isang kwintas na may maliit na lalagyan.

"Galing sa inyong ina? N-Ngunit bakit sa akin?" naguguluhang tanong ko.

"Bakit hindi ikaw?" nakangising tanong ni Kuya Thunder na kinalunok ko.

"Sa oras na hindi niya na makilala ang sarili niya, iturok mo sa kanya 'yan. Hanggang dito na lamang pansamantala ang magagawa namin. Marami na siyang nilabag na batas kaya lalabagin namin ang batas niya." nakangiting sambit ni Kuya Storm. Naguguluhang tiningnan ko sila.

"Maaasahan ka ba namin, Lihtan?"

"Cane..." tawag ko sa kanya. Takang lumingon sila sa akin.

"Payting." nakangiting sambit ko na kinangiti niya maging nina Simone, Tenere at Taki.

Narinig ko ang ungol ni Calih, pinagsamang pangalan namin ni Cane. Nagustuhan nila ang naisip ko.

"Lihtan, alam ko ang nasa isip mo." narinig kong sambit ni Taki na nasa tabi ko pala nang hindi ko namamalayan.

"Nakakapagbasa ka ng isip, Taki?"

"Hindi, hehehe, ngunit h'wag mong kalilimutan na naririnig ko ang lahat." inakbayan ako ni Taki at tumingin din kay Cane.

"Tutulungan kita, hehehe."

"Anong pinag-uusapan niyo riyan?" sulyap ni Tenere na ngayon lang umimik.

"Humihingi ako ng pagkain ayaw ako bigyan ni Lihtan di niya na ako mahal."

Tiningnan ako ni Cane nang nakanguso.

"Mas masarap kumain pag namimigay, Lihtan. Masama maging madamot. Magbigayan kayo at magmahalan." nakangiting sambit ni Cane.

Nakasimangot na binigyan ko si Taki ng isang pirasong...ano nga ulit ito? Aykol? Napangiti ako nang maalala ang lasa non. Yari ka sa’kin, Taki.

Napasinghap si Taki nang malasahan iyon.

Nahuli kong nakatingin sa akin si Simone.

"Nice." ngisi ni Simone.

"Ano 'yon, mahal?"

Nilingon ko si Taki na hindi maipinta ang mukha.

"H'wag mo nang uulitin 'yon, Taki." sambit ko.

"Ha?" naguguluhang tanong ni Taki.

"Ayokong magalit si Cane sa akin. Gusto ko hindi siya malungkot dahil sa akin dahil poprotektahan ko siya." nakita kong natigilian si Taki.

"Lihtan..." mahinang tawag ni Taki sa akin hanggang sa unti unting ngumiti nang seryoso.

"Naiintindihan ko, Lihtan." sambit ni Taki, napanguso ako at nag-aalalang tiningnan siya.

"Ayos na ba ang lasa? Pasensya ka na, Taki. Di ko na uulitin."

"Ayos lang si Taki. Walang dapat ipag-alala si Lihtan!"

"Hey, anong ginagawa niyo?" rinig naming tawag ni Simone na may kalayuan na sa amin.

Laking gulat ko nang hilain ako ni Taki, sa isang iglap nasa harapan na kami nila Cane na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

May ipinasok si Cane sa magkabilang tainga ko, pati sina Simone, Tenere at Taki ay sinuotan niya rin.

"Ano ito, Cane?" tanong ko habang hawak ang bilog na nasa tainga ko.

"Ito ang magiging gamit niyo upang marinig ang isa't isa gaano man kalayo, kung sakali mang magkahiwalay-hiwalay tayo ay malalaman niyo ang nangyayari sa isa't isa." marahang sambit ni Cane.

"I will not let you out of my sight." -Simone

Mahinahong binalingan ni Cane si Simone.

"Patawad sa pagbibigay sa inyo ng sobrang alalahanin, pinapangako kong tatapusin ko ito." nakangiting sambit ni Cane at sumulyap kay Calih ng ilang segundo. Nagulat ako nang lumipad si Calih kasabay ng pagtalikod ni Cane.

"Calih!" tawag namin dito maliban kay Simone na tahimik na nakatingin kay Cane habang nakatalikod.

"Babalik din siya." puno ng kasiguraduhang sambit ni Cane na kinataka namin ngunit sa huli'y tumango at sumunod dito.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now