Pahina 23

29.6K 1.2K 225
                                    

Pahina 23
Unconditional Love of Simone

Simone's Point of View

Where the hell is she? I sighed. Kailangan na niyang kumain.

Biglang may bumagsak sa harapan ko. Tumalon siya mula sa mataas na puno.

Napabuntong hininga ako.

"Kakain na..." sambit ko pero tinitigan niya lang ako. Bigla akong kinabahan sa titig niya.

Seryosong pinagmasdan niya ang mukha ko na parang kinakabisado.

"Cane..." tawag ko sa kanya, huminto ang mga mata niya sa mga mata ko. Hindi ko pa rin mabasa ang mga pinaparating ng mga mata niya.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko kahit na naghuhumerintado na ang dibdib ko.

"Simone, bakit gusto kitang ipagdamot?" seryosong tanong mong na kinabigla ko.

"Ayos lang bang maging makasarili pagdating sa'yo, Simone?" sunod mong tanong Cane.

Is she trying to kill me with her questions? This girl...

"The idea of you with another girl, parang hindi matanggap ng tainga ko. I'm now wondering...why?" tanong mong muli Cane pero parang sa sarili mo 'yon tinatanong.

Sunod sunod akong napalunok. Seryoso ang maamo mong mukha na humakbang palapit sa akin.

"Hindi ko maiintidihan, Simone. Am I starting to become greedy?" atake mo na namang tanong.

Damn, what are you doing, Cane? Tumigil ka na hangga't kaya ko pa.

Tahimik na tiningnan mo ako at nakita ko ang pagbuntong hininga mo.

"Am I infected with the Thurston Syndrome?" tanong mo na hindi ko narinig.

Nakangusong tumingin ka sa akin.

"Simone, baka mahirapan akong pakawalan ka." nakangising sambit mo pa at hinila ang baywang ko na kinalaki ng mga mata ko.

Bakit ginagawa mo akong babae sa istoryang 'to?

"Hmm, hindi ko maibibigay sa'yo lahat ng kayang ibigay ni Prinsesa Yuka pero kaya naman kitang alagaan hanggang sa hindi mo na maisip na kumawala." nakangiting sambit mo.

Bumagal ang oras, Cane.

Nang ngitian mo ako, at tingnan na parang ako lang ang nakikita mo. Naglalambing ang maganda mong mata na nakatingala sa akin. Nakita kitang nakayakap na pala ang mga braso mo sa baywang ko.

Cane, ang sama mo.

Hulog na hulog na ako matagal nang panahon, at mas lalo mo akong nilulunod. Kahit pa na alam kong walang kasiguraduhan. Ang manatili sa tabi mo hanggang kamatayan ay sapat na para sa akin. Hindi na maisasalba ng kahit sino ang tulad ko. Na kahit dumating ang araw na hindi mo na ako kailangan ay mananatili ako sa dilim at magsisilbing anino mo at poprotekta sa'yo.

Kaya sabihin mo, makakawala ba ako? Hindi na, Cane. Hinding hindi na.

Inangat ko ang mga kamay ko sa tangka na yakapin ka rin pero napigil ko ngunit ikaw ang nagtuloy at nilagay ang mga braso ko payakap sa'yo.

"Hug mo ko, Simone."

Ipinikit ko ang mga mata ko at sinaulo ang pakiramdam habang yakap ka at nakabaon ang ulo mo sa dibdib ko.

"You're heartbeat is very fast, Simone." manghang sambit mo.

Matagal na 'yang ganyang, Cane. Matagal na.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now