Prologue: Soon to Change my Last Name

7.9K 236 239
                                    

instagram; kimbas_ph

FB page: The QueenMother Hateu

Wayo's POV

[Phone call]

"Ai'Kit! Excited na akong pumasok bukas!!"

"Ai'Yo! Wag ka namang sumigaw ang sakit sa tenga eh."

"Sorry naman! Excited lang talaga ako. Ikaw ba hindi excited?"

"Excited din."

"Yun naman pala eh. Sa wakas makakatakas na rin ako kay daddy!"

"Makatakas? Eh hindi ka nga pinayagan mag-dorm 'di ba? Lakas mo makasabi ng takas ah bestfriend?"

"Atleast pinayagan nya na ko mag-university. Akala ko kaya buong buhay na ako mag ho-homeschooling!"

"Hahahahaha. Akala mo talaga malaya ka pag nasa university ka? Narinig ko kay Pa na nagpapadagdag ng security yung daddy mo para bantayan ka sa school."

Secretary ni daddy yung Pa ni Kit. Yun ang dahilan kung bakit kami naging magbestfriend.

Dinadala sya ng Pa nya noon sa mansion namin para may kalaro ako.

Buti nga nun nag high school kami, pumayag si Kit na samahan ako sa home schooling ko.

"Totoo ba Ai'Kit? Pakisabi naman sa Pa mo na 'di ko na kailangan ng guard."

"Ayoko nga. Idadamay mo pa si Pa eh. Hayaan mo na lang Ai'Yo. Tama ka naman eh, atleast hindi tayo mag cocollege sa mansion nyo. Haha!"

("Sir Wayo, handa na po yung dinner nyo. Kakausapin din daw po kayo ng daddy nyo."

"Sige susunod na ko." Sagot ko kay yaya.

Napatingin ako sa relo ko. 7pm pa lang ah. Bakit nasa bahay na si daddy?

"Ai'Kit ibaba ko na 'to, kakausapin daw ako ni daddy."

"Sige su su na Ai'Yo."

[end of phonecall]

Bakit ba kasi ang aga ng uwi ni daddy ngayon? Hindi katanggap tanggap. Dapat mag overtime pa sya sa trabaho gaya ng palagi nyang ginagawa.

For sure may problema nanaman yan at syempre ako nanamang pagbubuntunan nya ng inis.

Medyo kabado ako habang naglalakad papunta sa dining room.

Wag naman nya sanang pagdiskitahan yung pag-pasok ko sa university.

Crossfingers.

Tulad ng inaasahan, mukhang stressed nga yung daddy ko.

"Dad ang aga mo atang umuwe ngayon."

Umakap ako sa daddy ko mula sa likod. Kahit naman stricto yan, mahal ko yan.

"Sit down."

So I did.

Pag-kaupo sa right side ni daddy, agad na lumapit yung mga maids para lagyan ng appetizer yung plate ko at i-fill ng juice yung glass ko. Wag na kayong magtaka, fine dining ang drama dito sa bahay.

"Wayo ready ka na ba sa 1st day mo bukas sa university?"

Hot seat question number one!

"Ready na po dad."

I doubt na itong pag-pasok ko sa university ang gusto nyang pag-usapan namin ngayon.

"Okay good. Gusto ko uuwi ka on time. I-report mo sakin yung magiging schedule mo. Bukas sasamahan ka ng driver mo at dalawang security guard."

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon