Epilogue - Inside Your Heaven

4.9K 426 348
                                    

(Released kahit 'di abot requirements. Pa-make up ko na dahil nag skip ako ng 1 day.)

Ming's POV

"Kuya... Kuya Ming..."

Napamulat ako ng mata dahil sa tawag at pagtapik ni Joss sakin.

"Kuya binabangungot ka ata. Kanina mo pa tinatawag ang pangalan ni Wayo." paliwanag nya.

Binabangungot? Panaginip lang ang lahat?

Hindi ko pa ma-absorb yung mga nangyayari dahil wala pa ako sa wisyo.

Ang alam ko lang ay sobrang bilis nang tibok ng puso ko dahil sa takot at kaba.

"Kuya okay ka na ba? Gusto mo mag-stopover muna tayo?"

Tumango na lang ako sa kanya kahit naguguluhan pa ako sa mga nangyayari.

"P' hinto muna tayo kapag may nadaanang gasoline station." narinig kong utos nya sa driver.

"Sige sir." sagot naman sa kanya ng driver.

"Joss hindi ba ako tinawagan ni Oreo?" bumabalik na ang wisyo ko.

"Tinawagan ni Oreo? Parang hindi naman ata. Yung secretary mo ang narinig kong kausap mo kanina bago ka nakatulog."

"Panaginip nga lang ang lahat..." bulong ko.

Medyo na-relax na yung kalooban ko.

Hindi pa patay si Wayo.

"Ano bang napaniginipan mo kuya? Nakakatakot yung mga sigaw mo kanina."

"Sobrang samang panaginip. Patay na raw si Wayo..."

Nanlaki yung mga mata ni Joss dahil sa sinabi ko.

"Hindi naman siguro magkakatotoo yan kuya. Kabaliktiran ang nangyayari sa panaginip 'di ba?"

"Sana nga... Nasaan na pala tayo?"

Naalala kong papunta nga pala kami ngayon sa address ng telephone na ginamit ni Oreo para tawagan si Pring.

"Malapit na tayo kuya. Isang city na lang nasa Saraburi na tayo."

"I see. Sana makita na natin sila Oreo."

"Wag kang mag-alala kuya. Kahit payphone lang ang ginamit ni Oreo, atleast may lead na tayo ngayon kung nasaan sila. Atsaka nasa Saraburi na lahat ng private investigator na hinire mo, mahahanap na natin sila in no time."

Sasagot pa sana ako pero biglang nag-ring ang phone ni Joss.

Agad nya namang sinagot yung tawag.

"Hello? May balita ba?"

...

"Ha? Paanong nangyari? Akala ko ba nasa office lang sya? Paano sya napunta dyan?"

...

"Ganon? Sige sige. Bantayan nyong mabuti."

Binaba na ni Joss yung phone nya.

"Kuya nasa Saraburi raw si ate Pring."

Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ni Joss.

Hindi maganda yung pakiramdam ko kay Pring.

"Kasama ba ni Pring yung dalawa?"

"Hindi kuya. Sa isang drugstore raw sa mall nila namataan si ate Pring. Sinusundan na sya ngayon ng mga tao ko."

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon