17- Forbidden Kiss

3.3K 186 177
                                    


Wayo's POV

Excited na ang lahat dahil bukas na ang final event ng hazing activities dito sa university.

Hindi ko alam kung dapat ba ako ma-excite or kakabahan. After kasi nito, start na nang academic semester next week.

Goodluck na lang talaga sa utak ko.

*ring ring

Dinukot ko yung phone ko sa bulsa.

Tumatawag si Joss.

"Sawadee!"

"Sawadee Wayo, nasaan ka na?"

"On the way na ako sa auditorium."

"Uhm Wayo, wag ka na tumuloy dito."

"Huh? bakit naman?"

"Uhm basta. Sinabi ko na rin kay Kit."

Ano kayang problema? Kung kailan namang general rehearsal nila, tsaka naman ayaw nya kaming pasamahin?

"Okay okay. Sure ka ha?"

"Oo. Bye bye."

Binaba na nya yung phone.

"P'Jb sa faculty mo na lang ako ihatid." utos ko sa driver ko.

"Sige po."

Mabilis kaming nag u-turn at sa med faculty na dumiretso.

Nagkakagulo yun mga studyante sa harap ng faculty noong dumating ako.

Anong meron?

As usual, pagbaba ko sa kotse... naagaw ko lahat ng attention nila.

Hindi ko alam kung dahil ba sa necktie ko na kumikinang dahil nasinagan ng araw o dahil kay Veneno, ang pinakamahal kong sports car.

Either the two, pareho namang millions of baht ang presyo so why bother?

"Wayo!!" tawag sakin ni Kit at kinakawayan ako.

Agad akong pumunta sa kanya. Nagiisa lang sya dito sa table.

"Kit, anong meron?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko.

Sobrang busy ng lahat. May mga nagugupit ng mga papel, may nagpipintura, may naglalagare ng kahoy at merong mga nagmamartilyo.

"Gagawa tayo ng float natin para sa float parade bukas."

"I see. Bakit pala ayaw tayo pasamahin ni Joss sa kanya ngayon?"

"Ahhh. Ayaw daw nyang marinig natin yung kakantahin nya eh. 'Di ba nagprapractice naman kayo sa bahay nyo? Nagtataka nga ako eh."

"Oo nagprapractice nga kami pero hindi kumakanta si Joss. Nagi-guitar lang sya habang nagpa-piano naman ako. Ayaw nya daw iparinig sakin yung  lyrics."

"Ayun naman pala eh. Ipe-present kasi nila yung talent nila ngayon sa mga staff. Kaya siguro ayaw tayong kasama ni Joss."

Napatango na lang ako.

Andaming pakulo ni Joss. Ano bang meron sa kanta nya at ayaw nyang marinig namin.

"Kamusta pala kayo ni Joss?" biglang bumulong si Kit.

"Okay naman. Wala namang naglalakas loob na mag-open ng topic about sa mga nangyari samin."

"I see. Eh kayo ng asawa mo?"

Hindi na ako nakasagot.

Bigla kong naisip yun mga harutan namin ni Doc Ming.

Agad nag-init yun mga pisngi ko.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon