11- False Knight

3.6K 201 258
                                    

Instagram: josswayarph / mewartphilippines

Wayo's POV

Ilang oras na kaming bumabyahe pero hindi pa rin kami dumadating sa pupuntahan namin.

Yung totoo? Nasa Cambodia na ata kami.

Hindi ako sanay bumyahe ng ganito katagal. Ang sakit na ng pwet ko kakaupo!

Sana pala hiniram ko na lang yung BBJ ni daddy at sinuggest sa university na yun na lang ang gamitin namin papunta sa beach.

May malapit namang domestic airport don eh.

*Buzz Buzz

Halos mabitiwan ko pa yung Iphone X nun nakita ko kung sino yung tumatawag.

Si Doc Ming.

[Phone Call]

"Sawadee..."

Hindi ko alam pero sobrang lambing ng boses na lumabas sakin.

"Wayo, sabihan mo nga 'tong anak mo. Pinapainit ang ulo ko. Ayaw nanaman kumain. Kausapin mo." iritableng boses ni Doc Ming.

Mukhang pinasa na nya yung phone.

"Mommy!!" excited na sigaw ni Oreo.

"Baby. Sabi ng daddy mo ayaw mo nanaman daw kumain? Totoo ba?"

Narinig ko na ang sigh si baby Oreo.

"Ayokong kumain mommy. Namimiss kita eh."

Napahawak na lang ako sa noo. Ang kulit at cute ng anak ko at the same time.

"Akala ko ba good boy ka pag wala ako? You promised pa nga 'di ba?"

"Ehh mommy. Namimiss talaga kita."

"Baby, magagalit si daddy mo pag 'di ka kumain. Gusto mo bang magalit sya? Sumabay ka na kumain sa daddy mo."

"Eh hindi rin naman kumakain si daddy eh. Namimiss ka din nya."

("Oreo!!!") sigaw sa backround.

Hindi ko namalayan abot tenga na yung ngiti ko.

Bakit ang sarap sa pakiramdam na malamang miss din ako ni Doc Ming?

Ang cute nilang mag-ama! No doubt na mag-daddy sila haha.

"Oh sige baby. Sabihin mo sa daddy mo na kumain na sya or else papagalitan ko kayong dalawa."

(Daddy kumain na raw tayo sabi ni mommy! Magagalit na sya!)

(Oo na. Mag bye ka na sa mommy mo at sabihin mo na 'wag rin syang magpapagutom.)

"Mommy kakain na raw kami. Love you mommy, kain ka na rin daw sabi ni daddy."

"Sure baby. I love you too..."

[End of Phone Call]

Pagkababa ko ng phone sakto namang lumiliko na yung university bus na sinusundan namin. Mukhang stopover muna.

"P'JB magbreakfast na kayo ng mga guards." inabot ko yung black card ko sa kanya after namin mag-park.

"Kayo po sir?"

"Pupuntahan ko si Kit. Orderan nyo na rin kami."

Hindi pa naman ako gutom dahil pinakain ako ni Doc Ming kanina. In case lang na 'di pa kumakain si Kit.

Pagbaba ko medyo nagulat pa ko dahil may mga boys na pinipicturan yung kotse ko.

I wonder why?

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon