16- Secret Love Song

3.3K 156 115
                                    

Instagram: josswayarph / tongoreoph / mewartphilippines

Forth's POV

Sa wakas makakapag-lunch break na rin ako. Naging busy 'tong emergency room kanina dahil may naaksidenteng school bus nearby dito sa hospital.

Nakakapagod at nakakagutom.

Nagpaalam na ko sa mga colleagues ko at dumiretso sa canteen nitong hospital para kumain.

O-order na sana ako ng meat for lunch pero bigla kong naalala na kailangan ko nga palang budgetin yun natitira kong cash.

Nextweek na lang ako kakain ng masarap. Noodles na lang muna pala ang kakainin ko.

Kahit labag sa loob ko, umorder na lang ako ng noodles at umupo sa table na pangdalawahan.

Ayoko na mamuhay via cards!

Hindi naman nagtagal dumating na yung order ko. Inumpisahan ko na ring kainin. Gutom talaga ako.

"Doc Forth!" si Beam yan.

Kanina ko pa sya iniiwasan.

Nito lang kasi nya nalaman na doctor pala ako. Hindi basta doctor dahil head ako ng emergency room.

Nakakahiya, baka kinuwento nya sa mga classmate nya yun nangyari sakin nun nakaraan.

Head doctor ng emergency room na mahilig magparty-party, nanakawan dahil sa kalasingan!

Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

Lumapit sya sakin at umupo sa harap ko.

Nilapag nya yung lunchbox nya sa table at may hinanap sa bag nya.

"Sayo ba 'to Doc Forth?"

Pinakita nya sakin yung phone na naka flipcase.

Phone ko nga yun.

"Sakin nga yan." seryosong sagot ko.

Inabot nya naman agad sakin at nagtanong, "Doc Forth wala ka bang napansin na maliit na notebook? Kamukha nyang flipcase mo... baka kasi nagkapalit tayo."

"Nasakin nga yung notebook mo."

"Talaga Doc? Buti na lang. Akala ko kasi naiwala ko na talaga. May mga nakaipit kasi na mahalaga don."

Yung picture siguro ang tinutukoy nya. Picture nila ng ate nya.

"Oo, pero nasa kotse ko. Ipaalala mo nalang sakin mamaya pag malapit ka na mag-out."

"Sige po. Salamat Doc!"  tuwang-tuwa yun mga mata ni Beam.

Isusubo ko na sana yung noodles ko nun bigla nanaman sya nagsalita.

"Doc pwede bang maki-share na lang ako ng table? Wala na kasing mauupuan na iba."

Napatingin ako sa paligid ng canteen. Wala na nga.

"Sige sige." tipid kong sagot.

Hindi ko na talaga alam kung paano ko ia-approach 'tong si Beam.

Pakiramdam ko hawak nya ako sa leeg dahil alam nya yung sikreto ko.

"Doc mahilig ka ba talaga sa noodles? Tuwing nakikita kita puro noodles kinakain mo." panguusisa nya habang binubuksan yung lunch box nya.

"Hindi naman..." wala lang talaga akong choice.

Nabuksan nya na yung lunchbox nya at agad na nagdiffuse yung amoy. Amoy masarap.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon