37- Maiden Voyage of the RMS Titanic

2.7K 218 408
                                    

Qm's Note: 150 votes / 250 comments for the next update! (Dahil birthday ng isang reader ko sige i release ko na 'to kahit dpa abot qouta. Pero wait ko nag 150 36 at 37 before ko upload 38.)

(Year 2018)

*Beam's POV

"Interns, starting today ay sa mga bagong areas na kayo naka-assign. Ang mga naka-duty sa emergency room ay malilipat na sa male medical ward then ang mga naka-duty sa male medical ward ay mapupunta sa.........."

Hindi na ako nakinig sa mga sinasabi ng clinical instructor namin regarding sa area rotation nun nalaman ko na ang bagong area ko.

Sa wakas! Makakaalis na ako sa ER. Ang saya saya ko! Joke. Hindi ako masaya, sinong niloko ko?

Pero hindi na mahalaga kung masaya ako o hindi. Ang mahalaga ay mas madali ko nang maiiwasan si Doc Forth ngayon.

Oo... iniwasan ko na sya simula noong magka-aminan kami na gusto namin ang isa't isa.

Hindi sa nagda-drama ako o kung ano pa man pero ayoko talagang pumasok sa isang romantic relationship due to some personal reasons.

I was a flight risk with a fear of fallin'.

"Beam bakit mukhang wala ka sa mood ngayon? Anong ginawa mo kay Beam na palaging naka-beam?" bulong sakin ng co-intern ko.

"Wala... gutom lang ako." palusot ko.

I faked a smile.

"Gutom mo mukha mo."

Bigla nyang sinundot ang tagiliran ko kaya napa-igtad ako.

"Sabihin mo malungkot ka kasi magkakalayo na kayo ni Doc Forth..."

Nanlaki yung mga singkit kong mata sa binulong nya.

"Anong pinag-sasabi mo? Nababaliw ka na ba?" depensa ko sa sarili ko.

"Wag ako Beam. Hindi lang ako ang nakakapansin nang extra closeness nyo ni Doc."

"Baliw. Nahihibang ka nanaman Jhane."

"Ahh nahihibang pala ha... Kung ilabas ko kaya 'tong picture na 'to."

Nilabas nya yung phone nya at may pinakitang picture sakin.

Picture namin ni Doc Forth nun hinatid nya ako sa boarding house. Yung night na tumalon ako sa Chao
Phraya river.

"San mo nakuha yan?"

"Hindi ko 'to nakuha. Pinicturan ko talaga kayo."

"Burahin mo yan!" medyo nalakasan ko yung bulong ko.

"Ayoko nga. Haha. Umamin ka muna kung anong meron sa inyo ni Doc."

"Wala nga... ang kulit mo."

"Okay. Ipapakita ko na lang 'to sa CI natin."

Maglalakad na sana sya pero mabilis ko syang pinigilan.

"Nababaliw ka na ba?"

"Oo, kaya umamin ka na or else." ngumisi sya sakin after nya bumulong.

Umiling ako. Hindi ako aamin.

"Okay ayaw mo talaga ha..." bigla syang nagtaas ng kamay para kunin yung attention ng CI namin.

"Oo na aamin na ako." hinila ko pababa yung kamay nya bago pa sya mapansin.

"Aamin din pala eh. Dali na, wag ka magalala, safe ang secret nyo sakin dahil fujoshi ako."

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon