24- My Secret Admirer

2.4K 209 219
                                    

QM's Note: Same rules for next update. Mininum of 80 votes and 100 comments 😘 (hindi naman siguro kabawasan sa pagkatao nyo ang i-click ang vote. Lol)

Wayo's POV

"Wag ka munang umuwi P', kumain muna tayo sa baba. Nag-handa ako ng breakfast para sayo."  he insisted.

Nakangiti sya sakin ngayon. Looks like he's hoping na tanggapin ko ang invitation nya.

Bumaling ako ng tingin sa ibang direksyon bago sumagot.

"Uhm nong.. salamat sa offer pero may gagawin pa kasi ako." palusot ko.

"Male-late na ako..." dagdag ko pa.

"Ganon po ba? Sayang naman..." disappointed yung tono nya.

"Maybe next time." I tried to console him.

Bakit ba kasi nakaka-guilty i-reject yung offer nya?

"Next time..." he whispered.

From disappointed face, nakangiti na sya ulit ngayon.

I'm doomed right? Argh! Bakit ba kasi sinabi ko pa yun?

Naghukay ako ng sarili kong libingan!

"Sige P', next time na lang kung male-late ka na talaga. Pero dalin mo na yung ginger tea na ginawa ko sayo para sa hangover mo."

Hindi pa man ako pumapayag ay hinila na nya ako palabas ng kwarto at dinala sa kusina.

Mga amoy nang niluto nyang pagkain ang sumalubong samin sa kusina.

Amoy pa lang panalo na.

Uhmm? Pwede ko pa bang bawiin yun mga sinabi ko kanina? I changed my mind, parang gusto ko nang kumain dito. Joke. Haha!

Sorry na. Kahinaan ko talaga ang masasarap pagkain lalo na't ako lang ang nagluluto para sa sarili ko all these years.

'Til now 'pa-cham' pa rin ang cooking skill ko, pa-chamba chamba.

"Ito P', inumin mo kaagad pagka-uwi mo para mawala ang hangover mo."

May inabot sya saking maliit na vacuum flask (Thermos®).

Napatingin ako sa mata nya bago ko inabot yung binibigay nya.

There's something in his eyes na parang nahihirapan akong i-resist.

Ngayon ko lang din na-realize na parang nakita ko na sya noon pero 'di ko lang matandaan kung saan at kailan.

"Salamat nong." nag-wai ako pagka-abot ko nung vacuum flask.

"Walang anuman P', gusto mo bang ihatid na kita sa pupuntahan mo? Magbibihis lang ako, mabilis lang 'to." towel lang kasi na nakabalot sa waist nya ang suot nya ngayon.

(May abs at broad yung chest nya. Share ko lang.)

Tatakbo na sana sya pabalik sa kwarto nya pero I'm quick to grab his arms.

"No need. Sobrang abala na para sayo."

"Hindi ka abala sakin P'."

Napa-iling ako.

"Kahit na, hindi mo na ako kailangan ihatid. Kaya ko na ang sarili ko." I tried to sound harsh.

Kung parati ko kasi syang pagbibigyan sa mga gusto nya, baka isipin nyang naglu-look forward ako for another 'night' with him.

"Ganon ba P', sige po..." again with his disappointed tone.

Bago pa ko maawa sa kanya, tumalikod na ako at hinanap yung pinto palabas nitong tinutuluyan nya.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon