6- I'm Your Husband After All

3.5K 198 234
                                    

Facebook pages: Singto PH / Josswayar PH / MewArtPH

Wayo's POV

"Sorry. I promise hindi na mauulit."

Napayuko ako sa harap ng asawa ko.

Sobrang guilty ko para kay Oreo.

Kahit isang araw pa lang yung lumipas simula noong nakilala ko sya, I already developed a special connection towards him.

Hindi naman sya ganun kahirap na ituring bilang sarili kong anak, lalo na't sarili ko ang nakikita ko sa kanya.

Alam na alam ko yung nararamdaman nya.

I'm sorry baby Oreo.

"Okay. Aasahan ko yan."

Tumalikod na yung asawa ko at naglakad para dalin si Oreo sa kwarto.

Biglang nagjerk si Oreo.

"Daddy umuwi na ba si mommy?" narinig kong tanong ng bata.

"Andito na sya."

Hinarap ni Doc Ming si Oreo sakin.

Kahit kakagising lang nya kitang kita ko yung excitement sa mata nya noong nakita ako.

Nagpababa sya kay Doc Ming at tumakbo papunta sakin.

Yumuko ako para salubungin yung akap nya.

"I miss you mommy. Akala ko iiwan mo na ako ulit." sobrang worried ng boses ni Oreo.

Parang tinusok yung puso ko. Ramdam ko yung takot nya na mawalan ulit ng mommy.

"I miss you too. Hindi na kita iiwan, okay?"

Lalong humigpit yung akap sakin ni Oreo.

Hindi ko namalayan nakalapit na pala si Doc Ming saming dalawa.

Kinuha nya yung bag ko na nakasabit sa right shoulder ko.

Napatingin ako sa kanya and about to ask why pero nagsalita na sya.

"Dadalin ko na sa kwarto natin."

Then naglakad na sya aalis.

So iisa lang yung kwarto namin?

Biglang na flood yung utak ko ng mga images na ginagawa ng mag-asawa.

Shiya. No no no no.

Binalik ko yung focus ko kay Oreo.

"Baby I heard na hindi ka kumain ng dinner, totoo ba?"

"Uhm gusto ko po kasi na kasabay kayo eh."

"Nag-worry yung daddy mo dahil ayaw mo kumain. Don't make him worry again alright? Let's eat?"

"Yes mommy. I promise."

"Good boy."

Hinalikan ko sya sa noo at pumunta na kami sa kitchen.

Pinainit ni P'Pat yung mga food.

After that sinubuan ko na si Oreo.

Hindi na ko kumain dahil pakiramdam ko bloated ako sa kinain ko kanina.

Habang nagche-chew si Oreo pinepet ko yung ulo nya.

Ang sarap pala magka-baby.

Arranged marriage is not that bad after all.

Si Baby Oreo ang best part nito.

Kahit siguro hindi nakalagay sa contract na ituring ko syang anak, gagawin ko pa rin.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon