26- Kimi no Na wa

2.4K 210 327
                                    

Qm's Note: 100 votes/ 120 comments. (yup tumaas ang requirements kasi exciting next chapter haha)

*a month later

Wayo's POV

Isang buwan nang nanliligaw sa akin si Nick as of today and I'm planning na ibigay na sa kanya ang matamis kong oo after ng date namin mamaya.

Yes, nahulog na ang loob ko sa kanya.

Masisisi nyo ba ako?

Everything about Nick was so damn easy to love.

Kahit isang buwan pa lang syang nanliligaw, it feels like taon na ang lumipas dahil sa dami ng memories na nagawa namin.

Mula sa daily routine namin hanggang sa surprises nya everytime na may date kami.

I really enjoyed his company.

All these years, akala ko talaga masaya na ako sa buhay kong mag-isa, pero 'di ko akalain na may mas isasaya pa pala ako.

All thanks to him!

He let me experience the things I'm missing out for the past 10 years of my life.

Tapos idagdag mo pa yung fact na boyfriend material talaga si Nick.

Gwapo, mabait, may sense of humor at masarap sa kama este kasama.

May hihilingin pa ba ako? Wala na dahil nasa kanya na ang lahat.

So ano pang-hihintayin ko 'di ba?

Wala ng point kung papatagalin ko pa lalo na't nagpahalik na ako sa kanya kahapon! Hahaha!

Damn! Ramdam na ramdam ko yung pag-rush ng dugo sa pisngi ko nun maalala ko ang halikan namin yesterday. Hihihi.

So ayun na nga, total naman at naka-first base na sya sakin... maganda siguro kung lalagyan ko na nang proper label ang relationship naming dalawa.

Ayoko namang matulad kami sa ibang couple na nagpapalitan na ng laway pero 'friends' pa rin ang status ng relationship.

Gusto ko nang gawing official ang lahat.

Me and him as boyfriends.

~•~•~•~

"Nasan ka na?" text ko kay Nick.

Kanina pa kasi ako naghihintay dito sa parking lot ng school.

"Andyan na." mabilis na reply nya.

Agad akong tumingin sa paligid ko nun mabasa ko ang reply nya.

Andito na nga sya.

Kumakaway sya habang naglalakad papalapit sa akin.

"Sorry P' kung natagalan. Pinaglinis pa kasi ako ng office ni Mr. Hanabishi." paliwanag nya.

"Okay lang. Ano tara na?" ngumiti ako sa kanya to assure him na it's really fine.

"Tara na! May gusto ko bang gawin P'?  Puro ako na lang kasi ang nagdedesisyon tuwing date natin, baka iniisip mo nang control freak ako." biro nya.

"Baliw ka talaga! Uhmm pero parang gusto ko ngang manood ng sine ngayon."

"Wow! Nababasa mo ba ang isip ko? Yan kasi talaga ang balak ko ngayon."

May nilabas si Nick mula sa bag nya.

Cinema tickets!

"Ang galing!" I exclaimed.

"Talagang pareho tayo nang gustong gawin." dagdag ko pa.

"Bagay kasi tayo kaya ganon."

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon