38- Don't Touch My...

2.7K 240 499
                                    

Qm's Note: 150 votes / 250 comments for next update! Hahaha. (Oo tinatakoy ko kayo at nagmamataas ako wahahahahahaha!!)

(present time)

Wayo's POV

"Wala akong nakita na malicious clause, young master. Totoo ang lahat nang sinabi sayo ni Mr. Daechapanya. Ibabalik nya ang 100% ng stock shares nyo sa corporation at pati na rin ang 100% ng interest nito for the past 10 years." paninigurado ng secretary ko.

"Masaya ako para sayo young master, tapos na ang problema mo kay Mr. Daechapanya. Finally maiibalik na rin ang Panitchayasawad Empire sa rightful owner nito." dagdag pa nya.

Ngumiti na lang ako nang tipid kay tito.

Uhmm, what's wrong with me?

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon.

Dapat masaya rin ako tulad ni tito, 'di ba? Pero bakit parang hindi ko mahanap yung 'saya' sa kaibuturan ng sistema ko?

Argh! There's something not right about me.

"Tito may phone number ka ba ni Ming? Gusto ko ulit syang maka-usap regarding this."

"Meron young master."

Dinukot ni tito yung wallet nya sa bulsa at may nilabas na card.

Business card ni Ming.

"Thank you po tito. Sige na po, mag-lunch na kayo. Kausapin ko lang 'tong husband ko."

"Okay, young master." yumuko at nag-lakad na palabas si tito dito sa office koaa mansion.

Dinial ko naman agad yung number ni Ming.

After ilang rings ay may sumagot din kaagad pero hindi si Ming. Malamang ay secretary nya dahil boses babae.

"Daniella, nasaan ang boss mo?" tanong ko after kong marinig ang mahabang spiel nya

"Nasa loob po ng office nya si Director Ming, sino po ito?"

"Si Wayo 'to. May ka-meeting ba si Ming? Kung wala, please pakibigay ang phone sa kanya."

"Wala naman po. Sige po, dadalin ko na ang phone kay director."

Mukhang tumakbo si Daniella papunta kay Ming, naririnig ko kasi yung mabilis na yabag ng suot nyang takong.

...

"Hello Wayo, napatawag ka?" boses na ni Ming ang nagsalita.

"Ahh oo, gusto kasi kitang maka-usap. Napa-review ko na kay tito yung divorce agreement na binigay mo sakin."

"Okay, may nakita bang problema ang secretary mo?"

"Uhm, meron..."

"Huh? Ano yun?" nagtataka yung tono ni Ming.

"Regarding sa stock shares at interest ng corporation."

"Anong meron don? Kulang pa ba yung 100 percent na ibabalik ko sayo?" naging sarcastic yung tono nya.

"No no no, not like that. Naba-bother lang ako, feeling ko kasi unfair for you kung walang matitira sayo. I mean, para sa effort mo. Na-appreciate ko yung effort mo sa corporation all these years."

"Ahhhh... Don't worry about me Yo, okay lang na wala matira sakin. Sayo naman talaga lahat yan."

"No, I insist. Pag-usapan natin 'to para mahati nang fair ang lahat. Kahit ako ang owner ay ikaw naman ang nag-hirap. You deserve better."

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon