32- Taste of Your Own Medicine

2.8K 235 446
                                    

QM's Note: 135 votes / 200 comments for next update. Yes tumaas ang talent fee dahil nag consult pa ako sa lawyer regarding sa chap na 'to. (kung my reklamo kayo feel free to contact my lawyer haha.)

Wayo's POV

"Ano bang iniisip ng daddy mo noong pinagawa nya 'tong prenuptial agreement nyo ni Mr. Daechapanya? Halos pabor ang lahat ng mga clauses sa asawa mo." napasalo na ng noo ang daddy ni Kit.

Kanina pa nya nire-review ang contract para maghanap ng clause na pwede namin gamitin against Doc Ming.

Pero yun na nga, halos pabor ang lahat kay Doc Ming.

"Malaki kasi ang tiwala sakin ni daddy na hindi ko iiwan ang asawa ko. Hindi na siguro nya inisip na dadating kami sa punto na ganito." I explained.

"Pero kahit na young master, kung alam lang ay ako na sana ang umasikaso nito noon."

"Hayaan mo na tito. Ayaw ko nang sisihin pa si daddy. Humanap na lang tayo ng ibang grounds na gagamitin against Doc Ming."

Napabuntong-hininga na lang sya sa sinabi ko.

"Sige, subukan pa natin pero ipapaliwanag ko muna sayo ang mga naging assessment ko sa kontrata nyo."

"Okay, go on tito. Makikinig ako."

"1. Hindi ka na pwedeng mag-file ng divorce sa asawa mo dahil iniiwasan nating makakuha sya ng malaking stocks from you."

"Okay. Next."

"2. Dahil hindi ka pwedeng mag-file ng divorce, naisip kong kasuhan na lang ng concubinage si Mr. Daechapanya para takutin. Yun nga lang, may clause dito sa contract nyo na may separate right kayong dalawa na pumili ng kahit sinong babae na gusto nyong maging surrogate mother ng mga magiging anak nyo. That make sense kung bakit surrogate mother ang pakilala ni Mr. Daechapanya sa babaeng kinakasama nya all this time."

Medyo hindi ko na-absorb yung sinabi ni tito.

"Surrogate mother ang pakilala ni Ming kay Pring all this time?" hindi ako makapaniwala.

"Yes, sinabi nya yan sa isang interview noon. Even though halata namang front lang nila yun, I'm sure na well-documented ang lahat."

"Pero ang akala ko sinasabi nyang gusto na nyang makipag-divorce sakin sa mga interview?"

"Oo, sinabi din nya yan minsan. Pero sa tingin ko ay damage control lang sa mga issues involving him."

Napatango na lang ako.

"Sige, tito next na po tayo."

"Okay. Ito na yung huli at pinaka-nakakatakot na laman ng prenuptial agreement nyo."

"Ano yan tito? Kinakabahan naman ako dyan."

Huminga muna nang malalim si tito bago sya nag-salita.

"Kailangan mo talagang mamili sa mga choices na binigay sayo ni Mr. Daechapanya."

"Huh? Paano nangyari yun? Akala ko pwedeng hindi na lang ako mag-file ng divorce para maiwasan ang lahat?"

"Yan din ang akala ko young master hanggang sa mabasa ako ang clause na 'to."

Inabot sakin ni tito ang copy ng prenuptial agreement namin ni Doc Ming.

Then tinuro nya yung clause na kailangan kong basahin.

'In case one of the party leaves the other without consent or any justifiable cause and only one the parties was left with the management of the entire corporation, the party left with the management shall have all the rights over the property. The act of the other party in leaving the entire management to one party shall be construed as a waiver of his right over the entire corporation.'

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon