2- Just to Make You Proud, Dad

3.9K 207 206
                                    

Facebook Page: Josswayar PH , MewArt PH

Wayo's POV

*Day 2 of hazing weeks.

Andito kami ngayon sa med cafeteria.

Kakatapos lang ng klase namin, I mean yung pag-pasa ng class card sa professor.

This week kasi, kailangan lang namin i-meet yung professor sa bawat subject. Magpa-pass lang kami ng class card at konting self-introduction then dismissal na.

After pa ng hazing weeks ang umpisa ng academic semester.

"Ai'Yo kakainin mo ba yang sausage mo o hindi? Kasi kung hindi kakainin ko na."

Inabot ni Kit yung ready-to-eat sausage sa harap ko pero hindi ako nag-react o kung ano pa man.

Kanina pa lumilipad kasi yung isip ko.

"Hoy Ai'Yo ano bang problema mo? Kanina ka pa mukhang balisa. Hindi mo pa pinansin yung pagkuha ko sa pagkain mo. Unusual you. Anong dinaramdam mo bestfriend?"

I let out a frustrated sigh bago sumagot sa tanong ni Ai'Kit.

"Ikakasal na ko mamayang lunch break." Pabulong yung pagkakasabi ko kay Kit.

Nabulunan sya sa sausage ko na kinakain nya.

"Shiya!!!!! Eh bakit andito ka pa? I mean bakit andito pa tayo? Dapat naghahanda na tayo para sa kasal mo!!"

Tinakpan ko yung bibig nya. Balak ba nyang i-broadcast sa buong faculty ng medicine na ikakasal na ako?
"Ang ingay mo! Dapat 'di ko na sinabi sayo eh!"

Inalis nya yung kamay ko sa bibig nya.

"Sorry naman. Nagulat lang. Pero seryoso Ai'Yo, 10am na ano pang ginagawa natin dito? 2 hours nalang kasal mo na. Hindi na ba tayo magcha-change costume? Hindi porket puro diamond yang necktie mo hindi ka na magpapalit ng outfit para sa own wedding mo." This time pabulong na rin magsalita si Kit.

"Seryoso ka ba Kit? Mas inisip mo pa yung isusuot ko kesa magtaka ka muna kung bakit napakabilis ko ikasal? Kakasabi ko lang sayo kahapon na malapit na ako ikasal, then ngayon ikakasal na talaga ako. Wala ka man lang bang violent reaction?"

"Wayo hindi ako pinanganak kahapon. Alam na alam kong walang imposible sa inyong mga Panitchiyasawad. Bakit naman ako magtataka 'di ba? Mas excited akong isipin kung magwe-wedding gown ka ba or magtu-tuxedo. Hahaha!"

Sinuntok ko ng marahan yung braso nitong bestfriend ko.

"Puro ka talaga kagaguhan no?"

"Medyo lang naman. Pero seryoso bestfriend, hindi ba talaga tayo magpreprepare?"

Umiling ako.

"Hindi na kailangan. Magpi-pirmahan lang naman kami sa harap ng mga lawyer."

"Ano ba yan. Ang boring naman. Pero sama ako ha? Gusto kong makita yung itsura nang magiging asawa mo atsaka ayoko maghintay mag-isa rito baka pagtripan nanaman ako nung isang senior hazer."

"Bahala ka."

"Yehey! Ano palang pangalan ng magiging asawa mo? Gwapo naman ba?"

"Hindi ko pa rin alam. First time kong makita sya mamaya."

"What? As in? Akala ko nagkausap na kayo kahit minsan. Tindi talaga ni tito no? Nagmamadaling ipamigay ka."

"Hindi sa ganon. Ako rin yung nagrequest na magpirmahan nalang kasi yun lang naman ang mahalaga."

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon