43- Black Butterfly

2.6K 249 242
                                    

QM's Note: Final chapter. 150 votes / 300 comments for epilogue.

Ming's POV

"Sige na Daniella, iwan mo na lang lahat dito yan. Ipapadala ko na lang sa office kapag napirmahan ko na lahat."

Tumango ang secretary ko sakin bago nya ibaba ang ga-bundok na documents sa ibabaw ng table ko.

"Kailangan na lahat yan this day director. Nag-uumpisa na po kasing mag-tanong ang mga boards kung bakit nade-delay ang mga transactions." paalala pa nya.

"Sige sige. Ni-review mo naman ang mga 'to 'di ba?"

"Yes po director at okay naman po lahat."

Ngumiti na lang ako sa kanya. Maasahan talaga 'tong secretary ko. Once na mahanap sila Wayo ay bibigyan ko sya ng increase sa sweldo at mahabang vacation leave.

"Sige na. Bumalik ka na sa office."

"Okay po director."

Nag-wai sya sakin at naglakad na palabas ng pinto.

Bago pa man sumara yung pinto ay may pumasok nanaman dito sa office ko sa bahay.

Si Joss. Abot tenga yung ngiti nya habang naglalakad papalapit sakin.

"Kuya positive."  sabi nya pagka-upo nya sa harap ng table ko.

"Huh? Ang alin?" pagtataka ko naman.

"Nakalamutan mo na agad? Yung pa-surveillance natin kay ate Pring. Totoo ang hinala ko, alam nya kung nasaan si Oreo at Wayo!"

Ohhhh. Naaalala ko na. Nawala sa isip ko na nag-volunteer nga pala si Joss na tumulong sa paghahanap kila Wayo.

Malakas daw ang kutob nyang si Pring ang susi sa lahat kaya humingi sya ng tao sakin para bantayan ito.

"Ilang beses ko nang sinubukan na paaminin si Pring pero nagde-deny sya. Paano mo nasigurado na may alam sya kung nasaan si Wayo?"

Ngumiti lang si Joss sakin at nilabas ang phone nya.

May pinarinig sya saking recording.

"Ano kamo? Pag-pinaospital mo nanaman yang malandi na yan, siguradong mahahanap na kayo ng daddy mo. Napakaraming private investigator ang naghahanap sa inyo ngayon." boses ni Pring.

"Pero ma, laging sumasakit ang ulo ni Wayo. Naaawa na ako sa kanya." troubled na boses naman 'to ni Oreo.

"Painumin mo lang ng pain reliever, magiging maayos rin ang lagay ng malandi na yan."

"Ganon naman ang ginagawa ko pero hindi na ata umeepekto yung gamot. May oras na namimilipit sa sakit si Yo."

"Naniwala ka naman? Nagda-drama lang yan para matakasan ka. Nasayo kung magpapa-uto ka."

"Pero Ma, yung doctor na ang nagsabi na complications ang nangyayari kay Wayo dahil hindi ko pinapainom yung tamang gamot nya. Kailangan ko na raw dalin sa hospital si Wayo para mapa-tignan ulit."

"Wag kang maniwala dyan. Tinatakot ka lang nyan para ipainom mo yung gamot kay Wayo. 'Di ba ikaw na ang nagsabi na pinipilit ka nyang gawin yon noong nakaraan? Atsaka gusto nyang dalin mo si Wayo sa hospital para maitkas nya ito. For sure ay nagsasabwatan sila ni Wayo. Alam nyang mas malaki ang kikitain nyang pera kapag si Wayo ang tinulungan nya."

"Hindi ko na alam Ma... Ang alam ko lang ay nadudurog ang puso ko kapag umiiyak si Wayo sa sakit."

"No. Hindi pwedeng ganyan. Kung gusto mong manatili si Wayo sa piling mo, tatagan mo ang loob mo. Lalo na ngayon, napag-alaman kong ipapasok ka ng daddy mo sa mental hospital kapag nahanap ka na nila. Pinapalabas nyang nababaliw ka nanaman. Sa tingin ko ay gagawin nyang dahilan yun para hindi ka na maka-gulo sa pagbabalikan nila ni Wayo. Isa pa, andito na yung tito Joss mo, alam mo namang patay na patay din kay Wayo yun 'di ba?"

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon