31- Awkward Family Dinner

2.5K 212 444
                                    

QM's Note: 120 votes / 150 comments for next update. (Na-Stress ako sa chapter na 'to. Haha)

Wayo's POV

"Nagbibiro lang kayo 'di ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Doc Ming.

"No dad, seryoso ako. Wala naman sigurong problema sayo 'di ba?" confident na sagot ni Oreo.

Mula sa hindi makapaniwala, mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Doc Ming.

Yung puso ko naman parang sasabog na sa sobrang bilis nang pagtibok dahil sa kaba.

"Walang problema sakin." nanunuot sa buto yung lamig ng boses ni Doc Ming.

"Oreo, pwede ko bang kausapin si Wayo in private?" dagdag pa nya.

"No." may diin na sagot ni Oreo. "Kung may sasabihin ka daddy sa boyfriend ko, you'll need to say that in front of me."

Nakita kong napakuyom ng kamao si Doc Ming.

He take a deep breath bago sya nagsalita ulit. It seems that he's calming himself.

"Kakausapin ko si Wayo bilang ASAWA  KO at hindi bilang boyfriend mo. So please, leave us alone."

Hindi na talaga ako makahinga dahil sa usapan nitong mag-ama.

"No... Invo..." natigilan si Oreo magsalita.

Pinigilan ko sya, feeling ko kasi ay konti na lang at mag-susuntukan na sila.

"Sa tingin ko ay dapat nga namin mag-usap ng daddy mo." hinawakan ko ang kamay ni Oreo.

I held it tight, trying to convince him na pumayag na.

"Okay." he tried to smile.

"Hintayin na lang kita sa dining room, alright?"

Tumango ako.

Bago sya naglakad paalis ay hinalikan nya ako sa pisngi.

That caught Doc Ming off guard.

Nag-smirk si Oreo bago sya tuluyang naglakad paalis.

"Follow me." utos naman sakin ni Doc Ming.

So I did.

Naglakad kami papunta sa office nya dito sa bahay.

Binagsak ni Doc Ming yung pinto nun makapasok kami.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natatakot sa kanya ngayon but still, hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na magpapasindak ako.

"Anong sasabihin mo sakin?" I asked him nonchalantly.

"What was that Wayo?! Ginagawa mo ba 'to para gumanti sakin?!" sigaw nya.

I swear, gusto ko nang bumalik sa sinapupunan ng mommy ko ngayon dahil sa takot.

"Doin' what? Hindi kita maintindihan."

He gave me an sarcastic laugh.

"Stop acting like you're not up to something.  Utang na loob, wag mong idamay si Oreo dito!"

"Wala akong dinadamay at totoong hindi kita maintindihan!" I reiterated.

Again, tinawanan lang ako ni Doc Ming.

"Wag mong hintayin na mapuno ako sayo Wayo."

Ngumisi ako sa kanya.

"Mapuno? Bakit? Inaano ba kita?" I tried to provoke him.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon