14- Start Over Without a Clean Slate

3.2K 188 215
                                    

Instagram: TongOreoPH / mewartphilippines / josswayarPH

Wayo's POV

Unti-unti na akong nasasanay sa familiar warmth na gumigising sakin tuwing umaga.

Kapag inamin ko kaya yung mga nangyari sakin sa beach resort, gagawin pa kaya 'to ni Doc Ming?

Yes, tama kayo. Hindi ko tinuloy yun plano kong mag-confess kay Doc Ming.

Natakot ako dahil sa na-overheard kong sinabi ni Doc Ming sa kausap nya sa phone kagabi.

Mukhang tulad ko, may plano na rin si Doc Ming na subukang i-work out ang relationship namin.

Ayokong bawiin ni Doc Ming yung desisyon nya na yun. Kung aamin ako at sinabi kong nakipag-sex ako sa ibang lalake, siguradong mag-iiba yung pagtingin nya sakin.

Lalake rin ako gaya ni Doc Ming. Alam na alam ko yung posibleng maramdaman nya.

So nagdesisyon akong itago na lang ang lahat.

I know mali. Maling magsinungaling kahit maganda pa yung reason ko. White lies are still lies. Pero pwede bang maging selfish ako kahit ngayon lang?

For the first time kasi may gusto akong gawin para sa sarili ko at hindi dahil gusto ng daddy ko.

Gustong-gusto ko i-work out 'tong family namin nila Oreo dahil ito yung pangarap ko. To have a happy family.

So just this once, magpapakaselfish na talaga ako.

Hinaplos ko yung kamay ni Doc Ming na nakaakap sakin.

Sorry Doc Ming. Babawi na lang ako. I'll promise na icocompensate ko 'tong selfishness ko na 'to. Magiging best partner ako para sayo at best parent para kay Oreo.

"Gising ka na?" sobrang husky ng boses ni Doc Ming.

Mukhang kakagising lang nya.

"Oo." tipid na sagot ko.

"5am na pala, coffee tayo?"

"Sure."

Bumitiw na si Doc Ming sa pagyakap sakin at umupo sa edge ng bed.

Tumayo naman ako para pumunta sa wash room at nagtoothbrush.

Habang nagto-toothbrush ako, biglang pumasok si Doc Ming dito sa wash room.

Sa reflection lang ng mirror ko sya tinitignan.

Ngumiti sya sakin at tumabi dito sa lavatory.

Napakasweet ng ngiti nya.

My heart skipped a beat.

Hindi ako sanay na makita syang ngumingiti ng ganito. Madalas kasi poker face lang sya at parang naghihintay na may mali akong magawa.

Ngayon, napakabright ng aura ni Doc Ming na para bang gusto nya i-attract lahat ng positivity sa mundo.

Sumabay syang mag toothbrush sakin.

After namin magtoothbrush, pinunasan pa nya yung bubbles sa gilid ng labi ko gamit yung towel na dala nya.

Shiya!!

Ito na ba yung sinasabi nyang gusto nyang mapalapit sakin?

Sabay kaming bumaba papunta sa kitchen at pinagtimpla nga nya ako ng coffee.

"Hindi ko alam kung anong gusto mong timpla kaya ikaw nang bahala magdagdag ng sugar at cream." Paliwanag nya.

Sinerve nya yung coffee sa harap ko at sinunod yung cannister ng sugar at cream.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon