CHAPTER 4

739 30 2
                                    

Leah Serenity Davies

Kasalukuyan akong nag hihintay ngayon dito sa hardin ng hacienda Alcantara, naka limang baso na ata ako ng juice ngunit hindi parin ako sinisipot ni Ashton. Sinisira niya ang kagandahan ko sa pag hihintay dito, nag pamanicure pa ako ng kuko, nag parebond pa ako ng buhok na halos itinagal ng mga apat na oras at kumusta naman ang mga makikinis kong balat na ginamitan pa ang mamahaling mga sabon.

God! Kung alam ko lang na hindi niya ako sisiputin edi sana hindi na ako nag abala pa. Kahit na may jetlag pa ako kahapon dahil kararating ko lang galing ng states ay naharap ko parin ang mag paganda para lang sa kanya.

Ako pa ba ang tatanggihan niya? Mayaman, sexy, matalino at higit sa lahat ay maganda, lahat nasa akin na kaya imposible namang walang nararamdaman sa akin ang lalakeng iyon, matagal naman narin kami nag sasama simula noong mga bata pa kami.

Ibinaba ko ang baso, naubos ko na naman ang pang anim kong baso, akma sanang lalagyan ng maid ang baso ko ngunit pinigilan ko na siya. Pinagmasdan ko nalang ang paligid, maaliwalas at tahimik, wala paring ipinagbago. Ganito ko iniwan at ganito ko ring dinatnan, napakaganda ng hacienda, no wonder kung gaano kayaman ang pamilya ni Ashton.

"Hi!" napatingin ako sa bumati sa akin, tumayo ako at nakipag cheek to cheek sa kanya bago umupo ulit ng may poise na tila ba ay isa akong artistang nag hihintay ng leading man dito."Hindi ko alam na kahapon ka pa pala dumating" napairap lang ako, akala niya nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin noong una kong bakasyon dito.

"Just keep quiet, don't ruin the mood" saad ko, natawa lang siya at ininom ang juice na inilahad sa kanya ng maid, nanlaki ang mga mata ko ng makita na ang basong ginamit niya ay baso na dapat para kay Ashton"Gavin! I hate you!" tinignan lang niya ako na para bang nag tataka.

"What?"

"You mess with my plan" inis na sabi ko at inagaw sa kanya ang baso na binili ko pa sa France, ibinigay ko iyon sa isang maid"Pakilinisan" tumango ito at umalis na sa harapan ko.

"Chill ka nga lang, ang aga-aga nakabusangot yang mukha mo" mas lalo akong napasimangot, wala na ang lipstick kong pinag paguran kong ilagay, wala na ang pag papaganda ko, oily face na ako.

"Paanong hindi ako mababadtrip kung hindi ako sinipot ni Ashton sa date namin, hindi manlang niya ako sinundo sa airport" bigla nalang siyang natawa na may pag kasarkastiko.

"Alam mo ba kung bakit siya wala kahapon at ngayon?" natahimik ako, he leaned closer to me"Gusto mo bang malaman?"

"Just tell it, ang rami mo pang satsat"

"Ipinagpalit ka na niya hahaha" bigla ko nalang naigalaw ang palad ko at nabatukan siya, hindi siya nakakatuwa, sino ba yung babaeng iyon?"Guess what? He is dating that girl right now" halos mag si akyatan ang lahat ng dugo sa ulo ko ng dahil sa sinabi niya, tumayo ako at tinignan siya ng masama.

"Nasaan sila?"

"Nasa kwadra" hindi na ako nag dalawang isip pa, binitawan ko ang pamay pay ko at tinungo ang kwadrang binabanggit niya, kahit na alam kong mabaho doon ay wala akong pakealam, mapigilan ko lamang ang pinaplano ni Ashton. Talagang napaka-international playboy nga naman, hindi pa nagiging kami ay lumalandi na siya sa iba!

Tumigil ako sa pag lalakad nang makita ko na sila, pareha silang nakasakay sa isang kabayo habang ngiting ngiti pa si Ashton!, nang makita kong halos mag kadikit ang kabayong pinagsasakyan nila ay agad akong sumugod doon pero natigil ako ng makaramdam ako ng malamig na likido sa paanan ko, dahan dahan akong napatingin sa ibaba ko at halos magunaw ang mundo ko ng makitang tae ang naapakan ko!

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon