CHAPTER 17

304 8 0
                                    

Henry Tan

Mag-isa lang ako ngayon dito sa dormitoryo namin, binabantayan ko si Samantha na hanggang ngayon ay wala paring malay. Bahagya siyang gumalaw kaya nabaling ang tingin ko sa kanya, napakaganda niya talaga. Hindi dapat siya nadadamay sa mga gulong kinasasangkutan namin.

Agad akong napa-iwas ng tingin nang makita kong nag mulat siya ng mata. Kita ko ang pag kagulat niya ng makita ako, wala namang nakakagulat sa akin maliban nalang sa baba kong mahaba.

"Lumayo ka sa akin kabayo! Waah!" napa-poker face ako ng sumigaw siya, tanggap ko pa na mahaba ang baba ko pero ang pagiging mukhang kabayo ko ang hindi ko tanggap"Bakit ako nandito? Anong ginagawa mo dito?"

"Bahay namin ito at nandito ka dahil may nangyare sayo na halos ikamatay mo" natameme naman siya ngayon at pinagmasdan ang mga sugat na nakuha niya"Ano ba ang nangyare sayo?"

"Yung mga magulang ko?" kita ko ang panginginig niya at nararamdaman kong maiiyak na siya kaya naman ay agad ko siyang hinatak palapit sa akin para yakapin siya.

"It's okay kung ayaw mo pang pag usapan ang tungkol doon, mag pahinga ka muna" hinagod hagod ko ang likod niya, naiintindihan ko siya, nawalan rin ako ng magulang at napag daanan ko narin ang pinag dadaanan niya ngayon.

Nasa ganoong pwesto lang kami hanggang sa mahimasmasan na siya, inabutan ko ito ng tubig at agad niya iyon ininom.

"Sorry sa inasal ko"

"Naiintindihan kita"

"Pwede ba akong humingi ng tulong sayo? Tungkol sa parents ko, gusto ko silang ipaghiganti pero wala akong sapat na kakayahan para magawa iyon"

"Gusto mong turuan kitang gumamit ng baril tama ba ako?" tanong ko, napaiwas ito ng tingin"Hindi sa nanghihimasok ako pero walang maitutulong ang pag hihigante sa isang tao" sabi ko, isa siyang simpleng babae, hindi dapat siya mag bago ng dahil lamang sa isang aksidente.

"Walang awa nilang pinatay ang mga magulang ko at maging ang mga lolo at lola namin ay wala narin, tanging ako lang ang naiwan" napabuntong hininga ako, baka hindi ang mga Alcantara ang may pakana nun, malakas ang kutob ko na ang vice mayor ang may pakana nun para siraan ang mga Alcantara, oo isa rin ako sa gustong mag higante pero hindi naman mawawala na may pakealam parin ako sa mga Alcantara dahil kaibigan ko si Gavin.

"Nasaan si Elijah" sabay kaming napatingin sa may hagdanan, nandito pa pala si Liam, akala ko ay umalis na siya kanina.

"Umalis, may inasikaso daw" sagot ko, napatingin ako sa may laylayan ng shirt niya, may bahid ito ng dugo"Ayos lang ba yang sugat mo bro?" isang tango lang ang isinagot niya, alam ko namang nag dadalamhati ngayon si Liam dahil nawalan rin siya ng lola, malay ko ba kung baka ang binabanggit nitong si Samantha at ni Liam ay iisa lang.

"Insan?" napatingin sa gawi ni Samantha si Liam, inaasahan kong ngingiti ito pero wala paring emosyon, so mag pinsan sila?

"Huwag mo muna siyang kakausapin, nasa pareha kayong sitwasyon kaya mas mabuting lahat tayo ay manahimik nalang muna" napatingin ako sa isang basket ng prutas, kumuha ako ng isang apple"Gusto mo ba nito? Ipag babalat kita" ningitian ko siya bago ko sinimulan ang pag babalat.

Buti nalang nagising na siya, I don't know but I'm worried about her, napakagrabe ng nangyare sa pamilya niya, hindi naman sa naaawa ako pero hindi mawala talaga sa akin ang manghinayang dahil pareha lang kami ng naging sitwasyon. My father died after Karen left us, sinundan naman siya agad ng pinsan ko na ang mga Alcantara rin ang naging dahilan.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon