CHAPTER 20

284 8 0
                                    

Julliane Dominic Alonzo

Pumasok ako sa kwarto ni Izabelle, she is out of this. Hindi dapat siya nadadamay ng dahil sa amin, hindi ko na alam ang kailangan kong gawin lalo na kapag kapatid ko na ang pinag uusapan dito.

"Pagaling ka Izabelle" bulong ko sa kanya at marahang hinalikan ang noo niya bago ako lumabas ulit ng kwarto niya.

Hindi ko naman siya pwedeng iwan kaya dumiretso nalang ako ng cafeteria, ayaw ko man sa mga pag kain na galing sa ospital pero wala akong ibang choice kundi ang pag tiisan nalang muna, wala rin sila Henry dahil sinasamahan si Karen. Pati nga pala si Karen, kailangan niya ng makakapitan sa ganitong sitwasyon.

"Julliane?" napatigil ako ng marinig ang isang familiar na boses ng isang babae"Anong ginagawa mo dito?" saka lang ako na tauhan ng makita ang matamis niyang ngiti.

"Binabantayan ko ang kapatid ko, ikaw?" lumapit ako sa table niya at umupo sa may harapan niya, inilapag ko narin ang tray na hawak ko.

"Yung lola ko kasi inatake ng high blood kaya nandito ako ngayon para bantayan rin siya" sabi niya at uminom sa binili niyang coke in can."Kung ano man iyang pinoproblema mo, paniguradong malulutasan mo rin iyan at saka manalig ka lang sa Panginoon natin, gagaling rin ang kapatid mo" dahil sa sinabi niya ay napangiti ako.

"Paano mo nalamang problemado ako?"

"Bukod kasi sa masyado stress ang mukha mo ay humihinga ka rin ng malalim, that only means that you have a problem"

"Ganoon na ba talaga kahalata?" tumango lang siya at ningitian ako"Natalie salamat"

"Bakit?"

"Wala lang, gusto ko lang pasalamatan ka" natawa nalang siya at tumango, I want to thank you for being here, for letting destiny find a way for us to meet again.

Karen Rea Villanez

Unti-unting pumatak ang mga luha sa pisnge ko ng makita ko ang Dad kong wala ng buhay sa harapan ko, lumapit ako sa katawan niya at niyakap ito. Hindi ko lubos akalain na iyon na pala ang huli naming pag kikita, I even accused him on being the leader of Red Scorpion though they are the one who killed him.

"Dad! I'm so sorry!" humagugol na ako habang yakap ang malamig na bangkay niya, hindi ako makakapayag na ganito nalang"Sorry Dad"

"Karen" naramdaman ko ang pag hagod ni Rheanne sa likod ko pero patuloy parin ako sa pag iyak, I can't imagine that someone may die again in my life."You have to accept the truth Karen"

"No! I will kill them"

"Karen hindi nadadaan sa pag patay..."

"I don't care! Iwan mo muna ako, please lang" binitawan na niya ako at umalis na,I want to be alone with my Dad, feeling ko naulit na naman ang nangyare noong nawala sa buhay ko ang kuya ko, ito na naman ako.

Inilabas ko ang phone ko at binuksan ang video na nakuhanan ng kamerang inilagay ko kay Dad, pinunasan ko ang luha ko at pinanood iyon. Nakuhanan pa ito noong gabing pinatay si Dad, isang lalakeng nakamaskara ang pumatay sa kanya, I tried to zoom in and I saw a tattoo.

Red Scorpion?

Sinasabi ko na ng aba sila ang may pakana nito, they really want to deceive me huh. Napahawak ako sa laylayan ng shirt ko ng makita kung paano nag makaawa ang dad ko at kung paano nila pinatay ito, napapikit nalang ako ng mag blackout na ang kamerang inilagay ko doon.

Nang medyo makahinga na ako ay napag desisyunan kong umuwi nalang muna, I need to think of it and I want that I'm the one who will catch that mafia. Dumiretso ako sa dormitoryo nila Julliane since doon narin ako titira kasama si Mommy.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon