CHAPTER 13

347 15 1
                                    

Karen Rea Villanez

Katatapos lang namin mag pasagot ng tanong para sa gagawin naming research paper, galing kami ng high school building dahil mga grade seven lang ang pwede naming maging respondents. Tumigil na muna ako sa pag lalakad at hinilot ang kanang paa ko, umakyat kasi kami hanggang sa pang apat na palapag dahil sira ang elevator, naka high heels pa mandin ako kaya ito na mumula na.

"Halika na Karen kailangan nating mag madali" tawag sa akin ng leader namin, hindi ba niya nakikitang kailangan ng paa ko ng pahinga? Sa bagay wala naman silang pakealam sa akin.

Tumayo na ako ng diretso at dahan-dahan sa pag hakbang, masakit talaga at saka hindi naman pwedeng pwersahin ko dahil baka mas lalo pang sumakit ang paa ko. Halos hindi na kaya ng paa ko ng makababa na kami, jusko! Bakit ba kasi nasira yang Elevator na iyan?

I was about to continue in walking but a piece of black material caught my eyes, idinikit ko ang hintuturo ko doon at inamoy ito, parang amoy ng pulbura. Napatingin ako sa paligid ko, ngayon ko lang napansin na may mga parte ng building ang maitim at may bahid ng pag sabog, ano kaya ang nangyare?

"Karen ano ba? Ang bagal mo" napairap ako sa kawalan, hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon dahil mukhang wala na sa mood ang leader namin, kaya ko naman siguro ang mag individual bakit ko ba kasi kailangan pang maki-group.

Dumiretso kami kung saan namin iniwan ang mga bag namin, ito ay sa may kubo na malapit lamang sa canteen, dito kami mag tatali ng mga tanong. Napabuntong hininga ako ng makaupo na ako, ibinigay narin ng leader ang mga naka-assign na task para sa amin kaya hindi na ako nag salita pa, ipinag patuloy ko nalang ang kailangang gawin para sa araw na ito, bukas na kasi yung examination at hanggang ngayon ay nag rarush parin kami ng mga projects at iba pang responsibilidad ng mga estudyante.

"Best friend! Musta? Mukhang pagod na pagod ka na ah?" bungad ng nakangiting si Henry, pumasok siya sa loob at inagaw sa akin ang papel na hawak ko"Ako nalang ang gagawa nito para sayo"

"Akin na nga iyan" aagawin ko sana iyon pero agad niyang itinaas dahilan upang hindi ko maabot.

"Ano bang ginagawa mo dito Henry?" masungit na tanong ng leader"Mas maganda kung huwag ka ng tumulong dahil hindi mo naman grade ang pag hihirapan mo" napa-irap ulit ako, wala siyang karapatang pag sungitan si Henry.

"Henry ako nalang diyan, kaya ko naman"

"Sigurado ka?"

"Oo, akin na" ibinalik na niya iyon sa akin at tumayo na, napatingin pa siya sa leader at sinamaan nito ng tingin"Hindi mo bagay Henry" natatawang sabi ko kaya naman ay napasimangot siya.

"Mauna na ako Karen, kung kailangan mo ng tulong ay nandito lang ako..." nanlaki ang mga mata ko ng mag banggaan sila ni Samantha, maging ang mga kasamahan ko ay napatayo narin.

Natapunan ni Samantha si Henry ng coffee kaya naman ay halos mamula ang mukha nito ng mapaso ang braso niya.

"Sorry" nakayukong sabi ni Samantha, nabaling naman ang paningin ko kay Henry na hindi parin makapag react sa nangyare, nanatili siyang nakatitig kay Samantha na tila ba ay may iniisip na malalim.

"Okay lang, aksidente lang naman iyon" ningitian niya si Samantha.

"Pero mukhang masakit yung napaso sayo" nadako ang paningin ko sa braso niyang may marka at ako mismo ang may gawa.

Flash back...

Back when we are ten years old, nasa maynila na kami at sumama sa amin si Henry, wala daw kasi siyang magandang kalaro kung iiwan ko siya kaya nag pumilit na isama namin. Wala narin naman kaming nagawa kundi ang pumayag.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon