CHAPTER 25

271 8 1
                                    

"Paano kung may mangyare na naman sayo?" tanong niya ng makalabas na kami ng ospital, he helped me escaped, bakit ba kasi hindi ko na isip na kahit naman dumaan ako sa mga doctors dito ay hindi rin nila ako kilala? Hindi rin ako nag iisip minsan.

"As if namang may pake ka sa akin" inirapan lang niya ako, alam ko naman na may care talaga siya at sadyang ayaw ko lang ipakita na medyo kinikilig ako, oo na! Ang weird ko.

"Nandito na ba ang lahat?" tumango lang ako sa tanong ni Julliane, nandito na kami sa loob ng van habang inaayos naman ni Julliane ang oxygen ni Gavin na binili pa ni Leah para sa kanya, takot lang na mawala si Gavin sa buhay niya?

Nang makarating na kami sa mansyon ay agad naming ipinahiga si Gavin sa kwarto ni Henry, dito muna siya pansamantala habang nasa comatose state siya. Halata talaga na lumalala ang lason sa katawan niya.

"We need to talk with the Red Scorpion" napatingin ako kay Elijah na ngayon ay hawak na naman niya ang tablet niya."At ikaw lang Karen ang may kakayanan para gawin iyon"

"Why me?"

"Because you are precious to them like a gold" oo na, mahalaga na ako sa kanila pero hindi ko alam kung papaano? I don't know where they are, hindi ko naman kasi alam kung saan yung lugar na pinag dalhan nila sa akin noon dahil nga nag mamadali si Abo.

"Hindi natin sigurado kung kakampi natin sila" pag singit ni Abo na may seryosong mukha"Baka may kung ano silang gawin kay Karen"

"I thought you already understand that Red Scorpion is not our enemy" sabi ko at inirapan siya, oo na! Lagi kaming nag aaway ni Abo pero ano ang magagawa ko? Mag kaiba kami ng isip at pananaw."Elijah if that's the only way to save Gavin then I will talk to them"

"Good, I already know their address" napatingin ako sa tablet niya, may pulang ilaw ang nasa isang lugar kung nasaan ang mga Red Scorpion.

"Samahan na kita Rea" napatingin ako kay Josh at ningitian ito, kanina pa kasi tahimik habang nakikinig lang sa amin.

"She will not go" nagkatinginan kami ng masama ni abo, ano bang problema niya sa akin?

"Liam huwag ngayon pwede" singit ni Rheanne at napairap pa ito"Gavin is in danger, can't you see? Inuuna mo pa ang insecurities mo"

"Tsk!" napangiti ako ng makita ang pag babago ng ekspresyon ni Liam, susuko rin pala."Makakapatay ako ng sindikato kapag malaman ko lang na sasaktan ka nila"

"Ang oa mo naman abo" saad ko kaya naman ay mas lalong kumunot ang noo niya.

"Kung kaya samahan mo nalang siya?" suhestiyon ni Rheanne pero agad akong umiling.

"I can do it by myself, in fact I have to tell him something between us" this time, napunta na sa akin lahat ng atensyon nila.

"What do you mean something?" pag tatanong pa ni Izabelle na abala kanina sa pag babasa ng libro pero hindi ko na nagawang sagutin dahil bigla nalang namin narinig ang iyak ni Serenity.

"This is really all my fault, please save him" I rolled my eyes heavenwards, palagi nalang niyang sinisisi ang sarili niya kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyare at saka wala narin naman na siyang magagawa doon kundi ang tanggapin nalang ang sitwasyon ni Gavin, unless kung aminin niya lahat ng itinatago niya sa amin.

"It's final, I will go" agad akong tumalikod at tumungo sa labas, ramdam ko ang pag sunod nila Josh at Abo pero hindi ko na sila pinansin pa, hindi naman ako sasaktan ng mga iyon dahil gaya ng sinabi nila ay kakampi namin sila at saka gustong gusto ko rin silang makausap tungkol sa nangyare sa dad ko at sa nangyareng pag sabog noon, that it turned out to be a massacre that killed my brother.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon