CHAPTER 9

455 18 1
                                    

Pinapasok nila ako sa isang kwarto, nandoon si Elijah at Julliane na abala sa kani-kanilang mga computer. Hindi manlang nila napansin ang pag pasok namin. Pinalapit ako ni Henry kay Elijah at itinuro ang monitor nito.

"Do you know what is that symbol?" tinitigan ko ng mabuti ang symbol na sinasabi niya, ito ay isang pulang scorpion na tila ba ay inukit na parang sa tattoo.

Inilipat ni Elijah ang litrato sa isang folder na nakapangalan ay Red Scorpion Syndicate. Binuksan nila ang folder at nag play sila ng isang video, kuha ito sa isang CCTV na nasa mansyon ng kasalukuyang vice mayor ng syudad na ito. Sa video, kita ang mga malalaking lalake na nag lalabas ng napakaraming kahon na may tatak ng ganoong simbolo, inilalagay nila ito sa kanilang sasakyan, hindi makita ang mga mukha nila dahil natatakpan ito at ang tanging leeg lang nila na may tatak na scorpion ang nakikita.

"Iyan ang mga lalakeng sinundan namin kaso hindi namin nagawa dahil nasiraan kami, pinaputukan rin nila kami at napatay namin ang isa sa kanila" ipinakita niya ang litrato ng lalakeng nakahilata, nang izoom in niya sa may leeg nito ay kita ang isang Scorpion."Bukod sa mga Alcantara, kailangan rin nating bigyan ng atensyon ito dahil hindi natin alam kung ano ang kaya nilang gawin lalo na at wala tayong ka alam-alam tungkol sa kanila" mukha ngang mas importante sila sa mga Alcantara, pero ka mag anak parin naman nila ang bise mayor? Di kaya mag ka sabwat parin sila?

"So what do you want me to do?" nag katinginan silang lahat, including Julliane, bakit nga pala nandito yan? I thought kakampi niya ang mga Alcantara.

"The CCTV that you installed in the hacienda, I saw you in that night" so what kung nakita niya ako, ano naman ang kinalaman nun sa scorpion syndicate na ito"Can you pass it to us via email, the video"

"Okay kapag naka-uwi na ako" sunod kong tinignan ang iba pang kuha ng mga CCTV na hinack daw ni Elijah.

Ito naman ay kuha sa isang kanto na kung saan ay may lalakeng kasing edad lang namin ang binaril, lumabas pa ang mga ito at tila ba ay may inilagay sa bulsa ng lalakeng iyon. Kasalukuyan iyon. Marami na talagang krimen ang ginagawa ng sindikatong iyon at wala manlang magawa ang mga pulisya para tumulong.

"Kailangan natin ng tulong ni Inspector Jm" suhestiyon ni Henry pero agad na umiling si Abo.

"Hindi pwede, kaya nating gawin ng tayo lang"

"Nagiging selfish ka na naman Liam, hindi basta basta itong makakalaban natin" pag singit ni Julliane ng makalapit na siya sa amin.

"Hindi rin basta basta ang mag tiwala sa kung sino mang kasapi ng gobyerno" natahimik kami sa sinabi niya, kahit papaano ay may nasabi na siyang tama, hindi ko siya masisisi kung hindi siya nag titiwala sa mga iyon, mahirap talaga makuha ang tiwala ng isang tao lalo na sa panahon ngayon.

Matapos nilang sabihin sa akin ang kanilang plano ay inihatid na ako pauwi ni Julliane, since ayaw kong si Abo ang mag hatid kaya itong si Julliane nalang ang pinili kong mag hatid sa akin.

"Bakit ka nga pala nakikisama sa kanila abo?"

"Abo?"

"Si Liam" napa'ah' siya, hindi ba obvious na abo ang tawag ko kay Liam, kanina ko pa kaya tinatawag iyon sa ganoong nickname.

"Long story, ayaw ko ng pag usapan pa" kung ayaw niya edi huwag, hindi ko naman siya pinipilit.

Nang makarating na kami ng bahay ay nag paalam na ako sa kanya. I bid my thankful at pinanood ang sasakyan niya hanggang sa tuluyan ko ng hindi matanaw iyon, pumasok na ako, pinindot ko ang switch ng ilaw at tinungo ang kwarto ko.

Napapoker face ako ng makita si Joshua na natutulog ng mahimbing sa higaan ko, nakayakap pa siya sa stuff toy na siya mismo ang nag regalo noong first anniversary namin.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon