CHAPTER 19

268 7 2
                                    

The Masquerade ball went well, halata sa galak ng bawat estudyanteng naririto ngayon ang saya at pag ka kilig habang kasayaw ang kanya-kanya nilang kasintahan o mga date para sa gabi na ito.

Ako? Well, I don't dance, pinapanood ko lang sila dito habang umiinom ng alak, actually nakaraming baso na ako pero gising na gising parin ang diwa ko, though hindi naman talaga nakakalasing itong ibinibigay nila.

"Hey! Sorry I didn't recognize you" halos masamid ako ng biglang may umupo sa tabi ko, naka white tuxedo siya na tinernuhan ng maskarang kulay puti na natatakpan hanggang sa may ilong niya."Can I have this dance?" napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko, ewan ko kung tatanggapin ko pa ba o hindi."Karen?" napabuntong hininga nalang ako ng hawakan ko na ang kamay niya.

He drag me until we reach the dance floor, instrumental of thousand years is the background music. Inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at hinawakan naman niya ang beywang ko. Hindi talaga ako marunong sumayaw kaya hindi pa man kami gumagalaw ay naapakan ko na ang paanan niya.

"Sorry"

"It's okay" nakita ko ang kakaibang ngiting ibinibigay niya sa akin"Ang ganda mo ngayon, kahit na naka maskara ka ay kitang-kita ko parin ang kagandahang taglay mo, parang ikaw ay isang demonyo at ako naman ang anghel na ipinagsama ng tadhana" I smiled at him sarcastically, ipinagbaliktad niya pa eh obvious naman na siya ang demonyo sa amin, buo na ang desisyon ko.

"Sorry Ash but I think it's better to give up" napatigil siya sa pag sasayaw kaya ganoon rin ako, bumitaw narin ako sa kanya"Let's break up, may mas deserving pang babae para sa iyo at hindi ako iyon" hindi ko na siya hinayaang mag salita pa, agad akong tumalikod at tumungo papunta sa restroom.

Napatingin ako sa sarili ko gamit ang salaming nasa harapan ko na ngayon, am I that selfish? Bakit ganun? Parang nakokonsensya ako sa ginagawa ko, hindi pa man ako nag sisimula sa pag hihigante ko ay wala na, pinanghihinaan na ako ng loob.

"The bitch is here" naibaling ko ang atensyon ko sa nag salita, si Serenity, she is wearing a gold gown."What happened? Nakokonsensya ka na ba sa pag gamit kay Ashton ko?"

"Stop saying nonsense Serenity" iyon na lamang ang nasabi ko at nilagpasan siya pero hindi pa man ako nakakalabas ay isang malakas na pag sabog ang aming narinig.

Kaharap lang namin ang mga nag lalakihang salamin kaya naman ay tumalsik ito sa amin. Sunod-sunod na pag sabog at halata na nag kakagulo na sa labas lalo na't gumawa ng sunog ang pag sabog na iyon.

"Serenity!" sigaw ko, she is badly injured.

Kahit na masakit yung mga natamo kong sugat ay pinilit ko paring lapitan si Serenity, I pulled her with all of my strength so that she will not get burned.

"Open your eyes!" tinapik tapik ko ang pisnge niya pero walang response, kinapa ko rin ang pulsuhan niya para makita kung humihinga pa siya"sht! Serenity gumising ka na! Hindi tayo makakaalis dito kung mananatili kang ganyan!" malakas ko siyang sinampal dahilan upang maimulat niya ang mga mata niya, inalalayan ko siyang makatayo pero bigla nalang itong umiyak"Huwag ka ngang umiyak kung gusto mo pang mabuhay!"

"I can't do this! I'm afraid" lumapit ako sa pintuan at sinubukang buksan iyon pero hindi na pwedeng daanan dahil nilamon na iyon ng usok kaya wala akong ibang choice kundi ang dumaan kami sa may bintana"What are you doing? God! Are you leaving me here?" hindi ko siya pinansin, sapilitan kong isinira ang bintana at maging ang gown kong suot ay pinunit ko narin hanggang sa maging cocktail dress nalang ito.

"Punitin mo narin yang sayo kung gusto mo pang mabuhay" umiling siya.

"No way! Do you know how much is this?! Hindi ko pwedeng sirain toh!" napairap ako, aba! Tinutulungan ko na nga siyang makaligtas pero ito, nagiinarte parin na akala mo ay hindi na makakabili ng bagong gown

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon