CHAPTER 8

502 22 2
                                    

I spent the night with him at their hacienda, nakakapag takang wala ang dad niya, well, maaaring abala iyon sa transaction ng business niya, hindi manlang niya alam na patay na pala ang asawa niya.

Nandito kami ngayon sa hapag kainan, sa may left ko si Ashton at sa harapan naman namin si Serenity the maarte at si Gavin the weirdo. This past few days kasi habang unti-unti kong nakikilala itong si Gavin ay mas nagiging weird ang bawat kilos niya.

"Do you want some juice?" tinaasan ko siya ng isang kilay, ito na naman siya sa pag ooffer sa akin ng kung ano-anong inumin na hindi ko naman madescribe kung ano.

"No, baka naman may kung ano na namang gamot ang nakahalo diyan" I emphasize it, Liam already said to me everything on what happened that night, he is serving me a drink with a drug that he personally made.

"Ito naman kung makapag salita ka parang sinasabi mong mamamatay tao ako" nakapout na saad niya, napatingin naman ako sa nakabusangot na mukha ni Serenity.

"Kumain ka na kaya kaysa titigan ang pag kain na iyan"

"I will never eat your food, baka mamaya hindi pala masarap" I smiled to her, ito na naman ang kaartehan niya kung kaya palamunin ko siya ng maanghang na sili ng mag tigil siya sa pag iinarte niya, akala mo kung sinong napakalinis"Saka duh! Nakakadiri kaya yang luto mo"

"Then starve to death, wala akong pakealam sayo" yun nalang ang nasabi ko bago sinulyapan si Ashton na tahimik lang na kumakain sa pagkaing ako mismo ang nag luto, aba! Hindi ako marunong mag luto pero tinulungan naman ako ni Julliane kaya nakakasigurado akong masarap iyon. Wala rin yung chef nila kaya bahala siya kung ayaw niyang kainin ang pag kain na inihanda ko.

"Masarap naman ito ah lalo na yung sunog na itlog" napapoker face nalang ako ng mag salita ulit si Gavin, oo na, yung itlog lang na sunog ang niluto ko"Ikaw ba talaga ang nag luto?"

"Fine oo na, hindi na ako"

"Sino? Ang sarap kasi"

"Si Julliane" nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ko, what? Takot ba sila kay Julliane?

" kaya pala pamilyar ang lasa, gusto ko siyang maging chef someday" saad ni Gavin na tila ba ay may patingin tingin pa sa itaas bahang ipinag didikit niya ang dalawang palad niya na nag prepray, nadako naman ang paningin ko kay Serenity na kukuha na ng ulam, agad kong pinalo ang kamay niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Don't eat, ayaw mo, di ba nakakadiri"

"Nag bago na isip ko" tinabig niya ang kamay ko at kumuha na nga ng ulam.

Nang matapos kaming kumain ay hinayaan nalang namin ang mga maid na gawin ang trabaho nila. Binuksan ko ang phone ko, tumambad sa akin ang napakaraming missed calls at text galing kay Rheanne pero mas marami kay Joshua.

"Mukhang hinahanap ka na nila, pwede ka naman ng umuwi"

"Sasamahan pa kita mamaya sa mama mo" sabi ko, I give him my assuring smile"Magiging okay rin ang lahat, trust me"

"Salamat pero kailangan mo munang umuwi sa inyo, ipapahatid nalang kita"agad akong tumanggi, ayaw kong malaman niya kung saan ako nakatira, mahirap na at baka mag hinala sila sa akin kung bakit ako doon nakatira.

Tinawagan ko nalang si Joshua para sunduin ako, after some minutes ay dumating na siya, pumasok na ako agad sa loob at pinaharurot na niya ang sasakyan, buti nalang nakaseat belt ako kundi ay maaaring naitama na naman ang mukha ko sa harapan. Alam ko namang kaskasero yang si Joshua, nakailang bangga na nga siya pero wala siyang pakealam.

"Joshua! God! Slow down! Maaaksidente tayo niyan" pinigilan ko siya pero pinag tawanan lang niya ako, wala siyang pakealam kahit na alam niyang may nakasakay.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon