CHAPTER 18

328 10 2
                                    

Samantha Mendoza

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa byahe, si Henry na kasi ang mag hahatid sa akin sa condo ni Liam, well, he is my cousin in my mother's side, hindi kami close at lalong wala kaming pakealam sa isa't isa. Minsan lang kami nag kikita ng pinsan kong iyon dahil narin sa may sarili kaming buhay at ayaw ko naman na nakikisama sa kanya.

"Sigurado ka bang gusto ni Liam?" alanganing tanong ko kay Henry, tumingin siya sa akin saglit pero agad rin siyang umiwas ng nakangiti.

"Ako ang bahala sayo, ikaw? Kamusta ang pakiramdam mo?" idinako ko ang ulo ko sa may bintana, hindi ko alam kung ano na ang magiging buhay ko pag katapos mamatay ng mga magulang ko, though I inherit their business and other stuffs that they owned but still I can't live by my self.

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ng best friend ko, he can lend me a new condo to stay in instead of sharing with Liam. Nakakahiya man sa dalawa pero sa tingin ko mas makakabuti kung kay Jian nalang ako didiretso.

Hinayaan ko nalang si Henry na ihatid ako, tutal pareha lang naman ang lokasyon ng condo nila ni Liam, I hope that he is there waiting for me. Well, Jian Paolo Santiago is my friend since I went in France for high school. Nakilala lang kami ng dahil sa isang aksidente, first day of school noon ay nawalan ako ng phone, buti nalang napulot niya iyon at ibinalik sa akin. I can't help but to smile upon remembering those days, kahit papaano nawawala ang lungkot ko tuwing naalala ko ang mga pinag samahan namin ni Jian.

"Mukha ngang okay ka na, ngumingiti ka na ng mag isa diyan" napailing nalang ako.

Ilang minute lang ay narating na namin ang building na pupuntahan namin, tinulungan niya akong makalabas ng sasakyan, sobra rin ang pag alalay niya sa likod ko kung saan ako natamaan. It was a traumatic experience but I manage to survive, Thanks to God, He let me live for the second time.

Sa pag bukas ng elevator ay gulat na mukha ni Jian ang tumambad sa harapan namin, lumabas siya at diretsong niyakap ako ng napakahigpit dahilan upang makaramdam ng sakit ang likod ko.

"Sorry" agad siyang lumayo sa akin"Alam mo bang sobra akong nag alala sayo? Bakit ba naman hindi mo ako nirereplayan?" napatingin ako kay Henry at nahihiyang ningitian ito, nakakahiya ang ginawa naming dalawa, baka mamaya isipin pa niyang may relasyon kami nitong si Jian.

"Jian gusto ko sanang ipakilala sayo si Henry Tan" tinabig ko ang braso ni Henry kaya naman ay natauhan na siya at inilahad ang kanyang kamay na agad namang tinanggap iyon ni Jian, mabait naman yang si Jian kaso nga lang ay masyado siyang strikto pag dating sa akin, ewan ko lang kung bakit pero ganoon na talaga siya noon pa.

"Nice to meet you Jian Paolo Santiago" napatingin ako kay Henry, he is looking at him as if Jian is a criminal, nag iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Me too bro" nag bitaw na sila at inalalayan na ako ni Jian"Ako na ang bahala sa best friend ko" bago pa man ako tumalikod ay ningitian ko si Henry at nag pasalamat narin sa pag tulong niya sa akin.

"Mag iingat ka" iyon nalang ang huli kong narinig bago mag sara ang elevator, parang gusto ko siyang makausap pa pero nandito na ako, si Jian na ang bahala sa akin.

Karen Rea Villanez

Ito kami ngayon, kasalukuyang hinihintay ang pag dating ng drug syndicate at ng Red Scorpion, maingay ang paligid dahil narin sa pageant na gaganapin, medyo may kalayuan sa kinatatayuan namin.

Kanina pa kami dito at paunti-unti narin akong nawawalan ng pasensya, ghad! Nilalamok na nga ako dito.

"Abo! Sigurado ka ba dito?" walang ganang tumango ito kaya naman ay napailing nalang ako, inayos ko yung maliit na kamerang nakakabit sa may shirt ko, sigurado akong mino-monitor kami ngayon nila Julliane."Umuwi nalang kaya tayo? Mukhang..."

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon