CHAPTER 33

305 9 0
                                    


Karen Rea Villanez

Nabalitaan ko ang nangyare sa uncle ko, he is in coma right know. Dapat lang na mangyare sa kanya iyon dahil siya ang puno't dulo ng kaguluhan ng Heaven City, siya ang dahilan kung bakit gulong gulo na ang buhay ko.Bakit ba kasi hindi pa siya natuluyan?

Nandito ako ngayon sa harapan ng kwarto niya, hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi dahil baka hindi ko matiis ay makapatay pa ako ng walang kalaban laban. Ngayong gabi ko na papatayin si Liam, and I will assure that all of the R Mafia leaders will die in my hands, wala na akong pakealam sa rules.

"Karen hindi ka ba papasok?" napalingon ako sa may kanan ko, halata parin ang pag mugto ng mga mata niya.

"Hindi na po" umayos ako ng tayo, lumapit ito sa akin at hinawakan ang pisnge ko.

"Anak alam kong galit ka kay Liam at sa iba pang kalaban niyo" napaiwas ako ng tingin, ayaw kong makita ang mga mata ni mommy na para bang gusto niyang umurong nalang ako "Hindi sago tang pag hihigante at alam mo iyan, parang wala ka naring pinag kaiba sa kanila kapag pumatay ka"

"Mommy wala akong pakealam kung matulad ako sa kanila, para ikabubuti naman natin ang ipinaglalaban ko" hinawakan ko ang kamay niya" Don't worry about me ma, kaya ko na ang sarili ko" nang matapos kong sabihin iyon ay nag paalam na ako.

Gabi na kaya naman ay nag tungo na ako sa mansyon ng Red Scorpion, pag pasok ko palang sa loob ay nakasalubong ko na ang mga tauhan ni Kuya na may kanya kanyang ginagawa, may hawak pa ang mga ito na kahon, sa tingin ko ay hindi droga ang laman ng mga iyon. Lumapit ako sa isa at walang pasabing tinanggal ang takip nito.

"Para saan ang mga armas na iyan?" tanong ko sa lalake.

"Transaction" at kailan pa nag karoon ng transaction si kuya na armas ang dala? I know something is not right.

"Nasaan si Red Scorpion?" itinuro naman nila agad sa akin kung nasaan si kuya, pumasok ako sa isang kwarto.

Naabutan ko si Kuya Khalil na nag babasa ng libro, kunot ang noo nito at para bang may isinusulat rin siyang formula sa maliit niyang notebook, hindi manlang niya napansin ang presensya ko dito. Lumapit ako sa kanya para tignan ang ginagawa niya pero agad rin niyang iniwas iyon sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? You are supposed to be at Liam, dapat kinakausap mo na siya tungkol sa mga nalaman mo" inayos pa nito ang suot na eyeglasses.

"I need your guns" simpleng saad ko dahilan upang mapatingin siya sa akin na kunot parin ang noo "yung nakakamatay"

"Karen I don't want to give you one, baka ikapahamak mo lang" napabuntong hininga ako, kinuha na nga nila Julliane yung baril na ibinigay nila sa akin noon, pati ba naman siya ipag kakait sa akin.

"Kung ayaw mong pahiramin ako, fine! Pupunta ako doon ng walang panangga" napabuntong hininga siya sa itinuran ko, kilala ko yang si Kuya, lahat ng gusto ko ay kaya niyang ibigay.

"Sige pag bibigyan kita sa gusto mo pero sasama ako" napairap ako ng dahil sa sinabi niya, ako lang dapat ang pupunta para wala ng madamay pang iba pero mukhang kailangan kong mag agree sa gusto niya "and that's a yes"

"Bilisan mo kuya, nauubusan na ako ng oras" tumango lang siya, ewan ko ba pero napangiti ako ng maisip na matatapos na ang lahat mamaya, sisiguraduhin ko naman na ito na ang huling laban ko sa mga R mafia, uubusin ko silang lahat.

Ilang minuto lang ay inilabas na ng mga tauhan ni kuya ang mga baril na gagamitin namin, alam ko naman na kung saan namin mahahanap ang pinag tataguan ng R Mafia kaya hindi na kami mahihirapan pa. Marami narin akong kinuhang bala dahil baka mag kulang iyon at saka sa dami ba naman kaming kalaban ay baka mag kulang nga ito.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon