CHAPTER 11

378 17 0
                                    

Karen Rea Villanez

Everything is smooth, walang klase sa hindi ko malamang dahilan, hindi rin naman sinasabi sa akin ng mga taong nasa paligid ko kaya wala akong ibang magawa kundi ang mamasyal nalang dito sa hacienda ng mga Alcantara.

Lumapit ako sa mga nag gagandahang halamanan, na miss ko talaga ang lugar na ito, kay tagal narin nung huli ko nakita ang lumang wishing well na nasa harapan ko, pumitas ako ng isang bulaklak bago ko tinungo ang balon, tinignan ko ang loob nito, madilim katulad ng dati, naalala ko na naman ang nangyare noon.

Flash back...

Masaya kaming nag lalaro nila Henry at Serenity ng takbuhan, tumigil ako ng may maramdaman akong nakatingin sa amin, inilibot ko ang paningin ko hanggang sa mapako ang tingin ko sa isang batang napakataba at kasama nito ang bully na lagi akong pinag tatawanan o kaya naman ay ginagawang katawa-tawa.

"Karen taya ka!" sigaw ni Henry ng mataya niya ako kaya tumakbo rin ako para tayain si Serenity

"Ang boring naman ng laro niyo" napatigil kami ng mag salita si Ashton, ang lalaking bully.

"Edi huwag kang makilaro" saad ni Serenity at dinilaan pa ito ngunit hindi natinag si Ashton"Tagu-taguan"

"Sounds great" pag sang ayon ni Henry kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumang-ayon, si Henry ang ginawang taya kaya naman ay nag kanya-kanya kami ng takbo hanggang sa mapunta ako sa isang balon.

"Sa loob ka mag tago, ako dito" kahit na nag tataka ako sa ikinikilos ni Ashton ay pumasok parin ako sa balon, may hagdanan naman ito pababa kaya hindi na ako nahirapan pa pero hindi pa mandin ako tuluyang nakababa ay bigla nalang dumilim, tumingala ako at kita kong natakpan na ang bunganga nito.

Nag simula akong maiyak ng dahil sa kaba, hindi ko alam kung anong meron sa dulo ng balon na ito, natatakot ako na baka hindi na ako makalabas. Nanginginig akong bumaba kahit na wala akong makita, umupo ako sa gilid at doon ako umiyak, niyakap ko ang sarili ko at nag dasal na sana ay may makakita sa akin.

Ilang oras na ang nakalipas ay saka lang ako napansin ng mga kaibigan ko, rinig ko ang boses ni Henry kaya naman ay napatayo ako.

"Karen! Nandito ka ba?"

"Henry! Oo, tulungan mo ko please" halos mawalan na ako ng hininga sa kakasigaw.

"Sandali lang, tutulungan kitang makaakyat" hinintay ko siyang makababa at nang tuluyan na siyang nasa harapan ko ay napayakap ako sa kanya ng napakahigpit."Huwag kang umiyak Karen, nandito na ako"

End of flashback...

At doon ko nakuha ang nyctophobia ko, pero buti nalang ay nagawa ko ng alisin ang takot ko sa dilim. Itinapon ko ang bulaklak na pinitas ko doon bago ko tinalikuran ang balon.

"Karen I didn't expect to see you here" sabi ni Ashton na papalapit sa akin, basang basa pa siya ng pawis na tila ba ay nakipag karera siya. Nang makalapit siya ay kinuha ko ang bimpo niya at pinunasan ang pawis niya sa bandang mukha niya, natigilan ako ng makitang nakatitig siya sa mga mata ko"Karen" naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya"About sa tanong ko dati, pwede ba kitang ligawan?" tinaasan ko siya ng isang kilay, ano nga ba? For the sake of my brother.

"Okay, if that's what you want but remember this, baka malabong mag kagusto ako sayo" may halong saya at lungkot ang ipinukol niya sa akin.

"Okay lang, I will make you fall in love with me no matter what happen"

"Yun ay kung kaya mo" napa'pout siya at inagaw ang bimpong nasa kamay ko.

"Kung makapagsalita ka ay parang basted na ako agad"

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon