CHAPTER 22

266 7 0
                                    

Leah Serenity Davies

I've been walking around for about hours now, pagod na ako. This game is so frustrating! Mas maganda pang umupo nalang ako mag hapon kaysa ang ganito.

"Dalian mo kaya diyan" napatingin ako kay Gavin at sinamaan ko ito ng tingin.

"Masakit na yung paa ko" napakamot siya sa batok niya, lumapit sa akin at lumuhod"Anong ginagawa mo?"

"Sakay na" what?! Mabigat ako"Ang bagal naman" wala narin akong ibang choice kundi ang sumunod sa kanya. It's my first time to experience piggyback ride.

"Gavin" nag patuloy lang siya sa pag lalakad, alam kong masama ang loob niya ngayon kaya siya ganyan. I didn't gave him a chance to love me and I felt bad about that, parang nakokonsensya na ako."You love me right?" napatigil siya kaya naman ay napangiti ako"I'm giving you a chance"

"Seryoso?"

"Yup!" ibinaba niya ako at diretsong niyakap.

"Thank you" bulong niya, ewan ko ba pero napangiti ako sa sinabi niya"You don't know how happy I am" humiwalay na siya sa yakap at hinalikan ang noo ko.

"Gavin!" bigla nalang kasi niya akong binuhat ng pang bagong kasal"Ibaba mo na ako"

"No! I will carry you until we reach heaven" WTF! Ang weird niya talaga."
And I was dying inside to hold you
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside, I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you~" napangiti na naman ako, para na akong baliw dito na kinikilig sa scenario naming dalawa, ngayon ko lang rin narinig ang ganda ng boses niya.

"Stop singing" ayaw ko kasing ma fall sa kanya ng mabilisan dahil buong buhay ko ay umaasa ako na mamahalin rin ako pabalik ni Ashton. Kung madali lang sana ang mahalin ang isang tao ay matagal ko ng ginawa kay Gavin kaso mahirap pigilan ang nararamdaman ko kay Ashton kaya mahirap para sa akin.

Karean Rea Villanez

Nakakuha na kami ng limang bandila pero nawalan kami ng dalawang members, si Leah at Gavin dahil hindi namin mahagilap kung saan nag punta yung dalawa.

"Sapat naman na siguro yang nakuha natin" pinag papawisang saad ni Ashton, well, we've been running all this time bacause of the other students who wants to take us down.

"Kulang pa iyan" saad ko kaya naman ay napabuntong hininga siya at umupo sa tabi ni Abo na ngayon ay natutulog na, aba! Ang kakapal naman ng mukha nilang mag pahinga"Tutal mag kasama na tayo dito, pwede ba kitang makausap? Tulog naman itong kasama natin" napatingin ako saglit kay Liam bago ako tumabi kay Ashton.

"Go on, I'm listening" ayaw ko pero wala akong ibang choice kundi ang pakinggan lahat ng sasabihin niya."But don't expect me to believe in your lies"

"Karen alam mo ba kung gaano kita namiss, araw-araw kong ipinag dasal na sana ay buhay ka nalang, yung kapatid kong nawalay sa amin at yung kapatid kong inakala kong patay na" napahawak ako ng mahigpit sa ribbon na hawak ko ng makita ko ang pag tulo ng luha niya, galit? Iyon ang nararamdaman ko ngayon, hindi ako galit sa kanila kundi galit ako sa sarili ko.

Bakit ko ba kasi hinayaang lamunin ako ng galit ko? Kung pwede ko naman silang patawarin at huwag ng mag higante. Minsan iniisip ko na parang kasalanan ko kung bakit namatay si Dad, maling kalaban ang pinagtuonan ko ng pansin at dahil doon ay hindi ko nagawang iligtas ang dad ko.

"Gusto ko lang naman humingi sayo ng tawad, iyon lang at sana matanggap mo naman ang tunay mong pamilya"

"Alam na ba ito ni mayor?" tanong ko.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon