CHAPTER 26

246 14 3
                                    

CHAPTER 26

I still cannot forget the letter that I've received last night, hindi ako mapakali kaya naman ay napag desisyunan kong bisitahin si Red Scorpion sa mansyon nila, nabalitaan ko kasi na kararating lang niya at syempre pati ang ginagawa ni Hera ay nalaman rin niya, and I'm grateful that he didn't stop them.

I got out of my car when I finally reach their mansion, hindi na ako hinarang ng mga gwardiyang nag babantay dito dahil kilala na nila ako bilang kakampi ni Red Scorpion. Kagagaling ko palang ng H.U kaya naman ay ginabi na ako ng punta, ayaw ko namang ipaumaga na naman dahil hindi ko na kayang isipin pa kung ano ang meron doon, sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba talaga ang mga sikreto ng Red Scorpion na iyan bukod sa drogang ginawa nila. Feeling ko may iba pa, though hindi naman dapat ako nag papauto sa sulat na iyon dahil baka pinag tritripan lang ako pero mas mabuti na ang sigurado.

Nalaman ko rin na ang mga Red Scorpion ay nahati sa dalawa, yung isang grupo ay gumawa ng sarili nilang patakaran at ng pinuno, pareha sila ng pangalan kaya naman ay napapagkamalan talagang kalaban ang mga Red Scorpion kung saan nakabilang si Hiro.

Tahimik ang buong hallway, wala rin ang iba nilang tauhan, tanging mga gwardiya na nasa labas lang ang tao dito. Lahat ng kwartong nadadaanan ko ay binubuksan ko para hanapin si Red Scorpion. Tumungo ako ng second floor at dahan-dahang binuksan ang pinakaunang pintuan.

Bigla nalang akong napako sa kinatatayuan ko ng pag bukas ko ay mukha ni Kuya Khalil ang nakita ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang titig na titig sa mga mata niyang kay tagal kong hindi nakita. How come that he is alive?

"Kuya?" paos na saad ko at niyakap siya, tumulo narin ang mga luha ko"Buhay ka" naramdaman kong pilit niya akong inilalayo sa kanya pero nag matigas ako"Kuya bakit hindi ka nag pakita sa amin? Bakit ka nagtago? You should not have left me alone?" humiwalay ako sa kanya, hindi siya makatingin sa akin."Ikaw ba? Ikaw ang tinatago ng mga Red Scorpion? Kaya ba mahalaga ako para sa kanila-"

"Ako" nangunot ang noo ko"Ako si Red Scorpion, ang lalakeng laging nag liligtas sayo" napaatras ako ng sabihin niya iyon, hindi ko na pala kailangan pang mag tanong dahil ito na nga, kitang kita ko na ang mukha niya.

"Explain it to me why you chosed to be like this, why you build this syndicate of yours" napasabunot siya sa buhok niya.

"You must have missunderstand us Karen, hindi kami sindikato" lumapit ako sa may study table at kinuha ang isang baril na nakapatong doon.

"Bakit mayroon kayong mga ganito?"

"Nakaregistered lahat ang mga kagamitan namin dito at alam ng mga pulis kung ano ang layunin namin, ginagamit lang namin iyan para protektahan ang organisasyon" agad kong pinunasan ang luha kong tumulo sa pisnge ko.

"Sinungaling ka Kuya, all this time, I thought you are dead, alam mo bang dumating pa yung punto na nag tanim ako ng galit sa mga Alcantara ng dahil sa iyo, galit na galit ako at gusto ko ng pumatay ng kadugo nila pero ito, kama-kailan lang ay nalaman kong may dugong Alcantara ako at alam mo iyon, noong panahon na nag kita tayo, bakit hindi mo ako hinayaang alamin kung sino ka? Dahil ba natatakot kang harapin ako? Wala ka naman-"

"Natatakot ako na madamay ka sa gulong pinasukan ko" naramdaman ko nalang ang yakap niya, ito yung yakap na sobra kong na miss, akala ko hindi ko na mararamdaman ang ganitong feeling."I'm sorry... Wala rin naman akong ibang choice kundi ang itago ang sarili ko sayo dahil ayokong matulad ka kay Dad, namatay siya ng dahil sa akin" what? Humiwalay ako at kunot noong nakipag titigan sa kanya"A day before he died, nakipag kita siya sa akin at iyon ang dahilan kung bakit siya pinatay ng mga Alcantara"

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon