CHAPTER 16

297 13 0
                                    

Lunes na naman at sa kauna-unahang klase at napapag halataan na ang stress naming mga mukha, tapos narin ang exam namin kaya ang susunod naman na pinag hahandaan ay ang nalalapit na foundation day ng Heaven University.

Ako pa mandin ang inatasang maging leader sa pag aayos ng stage kaya ito ako ngayon abala sa pag aayos ng stage, inatasan ko narin yung iba kong ka myembro na sila na ang mag didisenyo sa itaas habang ako naman dito sa baba. Si Julliane ang nag papalobo sa mga lobo habang ako naman ang nag didikit sa mga pompom na ginawa namin nila Rheanne at Joshua kagabi.

"Pagkatapos natin dito pwede ba kitang ayaing mag meryenda sa labas?" nabaling ang tingin ko kay Ashton na nasa tabi ko na pala at tinutulungan si Julliane sa ginagawa niya.

"Oo naman" saad ko kaya napangiti siya.

Nagkwekwentuhan lang kami habang tinatapos yung kailangan naming asikasuhin, may klase pa si Rheanne kaya hindi niya kaming magawang tulungan at saka iba ang ipinagawa sa kanya dahil hindi naman kami mag ka-batch, nag papasalamat nga ako dahil kahit papaano ay may nakasama akong kilala ko.

Nang matapos kami sa ginagawa namin ay nag tungo na kami sa parking lot, tanging si Ashton lang ang kasama ko ngayon dahil may importanteng lakad pa si Julliane. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya pumasok na ako, isinara at umikot naman siya agad para makapasok narin.

"Sigurado ka bang papalabasin tayo ng guard?" tanong ko, pansin ko kasi na simula nung may insidenteng nangyare dito na ikinasira ng school ay hindi na nila pinapayagan ang mga estudyanteng lumabas, maging ang mga outsider ay hindi narin pwedeng pumasok.

"Ako ang bahala" nakangiting saad niya kaya naman ay umiling nalang ako, anak nga pala siya ng mayor kaya siya ganyan.

Tumigil ang kotse sa harap ng guard house, binuksan niya ang salamin at may sinabi sa guard para mapalabas kami. Hindi na ako nakinig pa sa usapan nila dahil papayagan lang rin kami sa huli. So ayun nga binuksan na ang gate at pinaandar narin ni Ashton yung kotse.

Tinatahak namin ang daan patungo sa kaliwa, actually, ito palang ang kauna-unahan na dito kami dumaan at sa pag kaka-alam ko ay ito ang daang palabas ng Heaven City.

"Saan mo ako dadalhin?"

"Relax, hindi kita ilalayo" natatawang sabi niya, ibinalik ko nalang ang tingin ko sa bintana, nasa mahabang tulay na kami at kitang kita ko mula rito ang napakaaliwalas na dagat sa ibaba, may repleksyon pa ito ng araw dahil nga tanghalian palang.

Nakatitig lang ako sa labas, hindi ko alam pero naiisip ko parin ang pag sasama ni Joshua at ni Rheanne, iniisip ko kung nag date ba sila noong panahon na nag kita kami.

I should not be worrying about it right? And besides, we are already done...at saka nakamove on na ako.

"Karen nakikinig ka ba?"

"Huh? Ano na ulit ang sinasabi mo? Pasensya na marami lang akong iniisip" saad ko.

"Saan mo gusto kumain kako, sa isang mamahaling restaurant ba o sa Korean Restaurant na katabi lamang ng pupuntahan natin" napa-isip ako.

"Sa Korean Restaurant nalang, medyo nag sasawa na ako sa lagi kong kinakain" napatango lang siya kaya ibinaling ko nalang uli ang tingin ko sa labas dahil naiilang ako sa relasyon namin.

Oo, dahil hindi ko naman talaga siya mahal, sisihin niyo na ako kapag nasaktan ko man si Ashton, gusto ko lang naman makapag higante para sa kuya ko at pati narin sa buong pamilya ko, gusto kong maramdaman nila ang sakit at kadilimang naranasan namin noon.

"We're here" bumaba na kami kotse, tumambad sa akin ang isang restaurant na medyo may kalakihan, sinalubong kami ng isang matandang lalake nasa 40's na siguro.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon