CHAPTER 7

515 26 4
                                    

Kalalabas ko lang ng ospital pero ito ako ngayon papunta sa Heaven University dahil ayaw kong mahuli na naman sa klase, absent na nga ako buong araw kahapon, pati ba naman ngayon ay mahuhuli na naman ako?, nasa kalagitnaan na ako ng hallway nang may marinig akong sigaw, pansin ko rin ang biglaang pag takbo ng mga estudyante patungo sa iisang direksyon, ayaw ko sanang makiusosyo dahil wala naman akong lahing tsismosa pero namalayan ko nalang na nag lalakad na ako patungo doon.

Science Lab, sumingit ako sa mga estudyante hanggang sa marating ko ang mismong pintuan nito, nakita ko ang bangkay ng isang estudyante na bumubula pa ang bibig, kapansin pansin rin ang mga dugo sa kanyang lab gown na tila ba ay fresh palang.

"Oh my ghad! Sinong pumatay sa kanya?" puno ng takot ang mga estudyanteng nakakita, lahat sila ay hindi makapaniwala.

Nag lakad ako patungo sa loob, nagulat sila ng basta basta nalang akong pumapasok na hindi manlang natatakot sa bangkay, umupo ako sa mismong harap nito kung nasaan ang ulunan niya. Hindi ko naman maaaring hawakan ito dahil baka makuha ang finger prints ko kaya tinitigan ko lang ng mabuti. Dahil ayon sa mga nababasa kong detective novels ay kahit na ito ay katiting lamang na bagay ay may mahalaga parin itong gamit katulad ng chalk na hawak niya ngayon at ang elements na nakasulat mismo sa tapat niya, I think isinulat niya ito bago siya mamatay, he left some clue.

Aluminum, Carbon, Nitrogen, Titanium, Arsenic, Rubidium, Argon.

I was about to call the police to let them here while I was trying to figure out behind this elements but Liam came inside panting, kagagaling lang niya sa pag takbo.

"Anong nangyare?" umiling ako at itinuro ang mga elements na naroroon, kumunot ang noo niya habang tinititigan ito.

"Alcantara right?" tanong ko pero umiling lang siya, what? Sigurado akong Alcantara iyon dahil obvious sa mga first letters.

"There is something else that you failed to deduct" mag sasalita pa sana ako kaso biglang nag ring ang phone niya, agad niya itong sinagot at tanging 'Okay' lang ang huli kong narinig bago niya pinatay ang tawag, I watch him walk into the crowd of students"Tell me, sino ang mga huling nakakita sa kanya at pati narin sa nakakitang patay na siya? Maaari ba kayong pumasok dito?" kalmado ngunit may diin na saad niya.

May pumasok na dalawang babae at dalawang lalake, posibleng isa nga sa kanila ang suspect sa krimen na ito. Pinag linya sila ni Liam at isa isa niyang tinitigan ang mga mata nito na tila ba ay kaya niyang basahin ang mga nasa isip nila.

"Answer my questions" lumapit ako sa kanila, also to observe them. Kaunting galaw lang nila ay maaari na naming malaman.

"Kaano-ano kayo ng biktima—"

"Hindi kayo pulis para tanungin kami" pag mamatigas nung lalakeng nakalab gown pa, tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Tumahimik ka nalang pwede?" napatingin ako kay Liam, napakaseryoso ng mukha niya which is hindi na bago sa kanya, dati namang walang emosyon iyan."Inuulit ko, kaano ano kayo ng biktima at nasaan kayo nung maganap ang insidenteng ito? You can tell me your alibi"inuna niya ang babaeng kanina pa tahimik na umiiyak, nanginginig pa ang katawan niya habang patingin tingin sa bangkay, sinundan ko ang tingin niya, sa may dugo siya nakatingin.

"Hindi ko kilala, dadaan sana ako dito para hanapin ang boyfriend ko pero bigla ko nalang nakita yan at...at hindi ko kaya"

"Can you prove it?"

"Oo, kahit tanungin niyo boyfriend ko" agad namang nag salita yung lalakeng nagmamatigas.

"Tama ang sinasabi niya, mag kikita dapat kami dito pero pinatawag ako ng guro kaya umalis ako, kahit tanungin niyo pa si Miss Magtalas" napatingin kami sa nag taas ng kamay, si Mam Magtalas

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon