Chapter 3 V-Cut

17.6K 284 26
                                    

Andy's POV

Ngiting ngiti naman akong bumaba para maghanda ng hapunan. Sa totoo nyan wala naman talaga akong balak na gawin yun kay Lyvhie.

Ang sadya ko lang naman talaga ay makasabay siyang maligo. It's just that, sobrang perpekto niya lang talaga sa mga mata ko kanina kaya mahirap magpigil and ugh basta! You know what I mean.

Mabilis akong natapos at naisipang hatiran na ito ng pagkain sa itaas. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad itong busy sa phone niya habang may pakunot-kunot noo pa.


"Hi hon" nakangiting sambit ko kasabay nang paglapag ko ng tray ng pagkain sa bedside-table tsaka na sumampa sa kama.

Inilapit ko ang mukha rito para sana halikan siya nang bigla niya ba naman akong hampasin sa braso.

"Ouch! What the.." hiyaw ko habang hinihimas ang brasong nasaktan.


"Ano ba sa tingin mo ang gagawin mo ha?" naiiritang tanong nito habang salubong pa ang mga kilay.



Ngumiti ako at nilapitan siya pero bahagya naman itong lumayo sakin.



"I just wanted to kiss you" at akma na ulit sana siyang hahalikan nang ilagay niya ang kamay niya sa dibdib ko para itulak pa ako palayo.


"W-wait.. No! Tigil tigilan mo ako sa mga ganyan mo Andy. Tandaan mo nakarami ka na kanina" naaasar na asik nito sakin.



Napasimangot naman ako bago kunin ang tray ng pagkain sa bedside-table para maihanda na iyon sa harap niya. Akma ko na sana siyang susubuan ng mapansin kong masama ang tingin nito sakin.



"What?" takang tanong ko habang hawak hawak pa rin ang kutsarang nakatutok naman sa harap ng bibig niya.


"Kaya kong kumain mag-isa kaya dun ka sa medyo malayo sa'kin" masungit na sabi nito sabay agaw sa hawak kong kutsara bago na nagpatuloy sa pagkain habang itinuturo pa ang sofa dito sa kwarto.



Napairap nalang ako sa ikinilos nito bago tumayo para magtungo sa may small living room area nitong kwarto upang manuod ng TV.



Mabilis lang din siyang natapos at agad ko na rin iyong kinuha at hinugasan sa may kusina. Gumawa muna ako ng tuna sandwich na sinamahan ko na rin ng soda dahil hindi naman ako masyadong nagugutom.



Pagpasok ko sa kwarto ay busy ulit ito sa phone niya kaya hindi ko nalang ginambala pa at nagtungo muli sa may sofa. Ibinagsak ko lang bigla ang sarili sa may couch at sa hindi sinasadyang pangyayari ay tumama sa may center table ang kamay kong may hawak ng soda, inilapit ko kasi iyon kanina dahil pinagpatungan ko ng paa.




"Argh! Oh my... Damn! It fucking hurts!" namimilipit sa sakit kong daing habang hawak hawak ko ang kamay kong nasaktan.




Ngunit natigil ako sa paninisi sa inosenteng center table nang makarinig ako ng tawa kaya agad ko naman iyong binalingan ng tingin.



"Karma's a bitch, right?" nakangising pangaasar ni Lyvhie habang nakatingin sakin.




"Shut up!" palatak ko habang sinasamaan siya ng tingin na siya namang mas ikinatawa niya lang.



Hindi ko nalang siya pinansin bagkus ay umayos na lamang ako ng upo at nagsimulang kumain.



Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now