Chapter 35 : Kissing you

6.4K 165 89
                                    

Lyvhie's POV

Kasalukuyan kaming narito ngayon ni Ms. Olivia sa harap ng isang five star hotel, kung saan muna kami mamalagi ng tatlong araw para icheck ang pinapatayo nilang Hotel and Casini ni Ms. Hazelberg.





Dala ang mga sariling gamit na pumasok kami sa loob ni Ms. Olivia pero ganun nalang ang pagtigil ng buong sistema ko nang makita kong muli si Andy na nakatingin din sa amin ngayon. Nabalik nalang din ako sa wisyo ng tawigan ako ni Ms. Olivia. Ngumiti lang ako dito tsaka na sumunod na sakanya palapit kila Andy.





Pasimple akong napabuntong hininga dahil hindi ko alam kung bakit ganito nalang din ka-tense ang buong sistema ko. Gusto kong mag-stick sa sinabi kong di na mahinang Lyvhie ang kakaharapin nila ngayon pero ba't din kasi nanghihina pa rin ako kapag nakikita siya. Ugh this can't be..



Agad na pagbati ang sumalubong sa amin. Doon ko tuloy naibaling ang tingin sa kasama niyang babae, kay Ash na secretary nga nito. Ngayon ko lang kasi siya napansin like what the hell. Paano nangyari yun? Kanina pa pala siya nandito. Ba't ngayon ko lang siya nakita?





Nung turn ko naman ay isang magiliw at totoong ngiti na ang ginawad ko sa mga ito kaya naman hindi nakatakas sa akin ang pagtataka sa blankong mukha ni Andrea. Well, kilalang kilala ko na siya kaya madali nalang para sa aking basahin siya.



Nakahinga naman ako ng maluwag nang malamang magkakahiwalay kami ng kwarto pero bigla ding nag-alangan dahil kompanya pa rin ba ang magbabayad ng stay-in namin dito? Kung sweldo ko kasi ay baka hindi na umabot sa matrikula ko yung matitira.



"Hey? What's wrong?" untag sa akin ni Ms. Olivia nang makapasok na kaming apat dito sa elevator.



Tumingin naman ako sakanya. Hindi ko alam kung anong tingin yun dahil bigla nalang siyang napangiti sa itsura ko.



"You're so cute Lyvhie" nakangiti nitong turan bago tumingin sa harap. Ako naman itong napataas ang kilay sa pagtataka. Ano daw?



Sandaling tumigil ang sistema ko. Wait... na-fluttered ba ko?



Yumuko ako dahil bahagyang nag-init ang mukha ko. Shocks. Ngunit muli akong nag-angat ng tingin ng hawakan ni Ms. Olivia ang kamay ko. Nakangiti lang ito ngayon habang nakatitig sa akin.



Ngunit naputol ang pagtitigan namin ng may tumikhim sa likuran. Napalingon naman tuloy kami sakanila at nakitang sandaling napasulyap si Andy sa kamay naming dalawa ni Ms. Olivia. Wala tuloy sa sariling mabilis kong binawi ang kamay ko dahilan naman para lumitaw ang isang simpleng ngiti sa labi ni Andy.



Muli akong tumingin sa harapan dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Pumikit ako sandali. Alam kong nakikita nila ang itsura ko ngayon dahil sa reflection ko sa salamin ng elevator pero wala na akong pakialam.



Ngunit nang mapagtanto ang ginawa ay ako na rin mismo ang humawak  muli sa kamay ni Ms. Olivia. Sapagkat sa ngiting iyon ni Andy sa ginawa kong pagbawi ng kamay ko kay Ms. Olivia kanina'y nagmukha akong apektado pa rin sakanya. Sandali kong tinignan ang repleksyon namin sa salamin tsaka sandaling sinulyapan ang blangko ngunit may pagdisgustong expression sa mukha ni Andy.



Napangisi naman ako sa isipan ko ng makita ang reaksyon niyang iyon. Ha! Anong tingin mo sa'kin? Hahayaan kang kontrolin pa ko? Hindi na no!



Pasimple ko munang inirapan si Andy bago ngiting ngiting tumingin kay Ms Olivia. We're not carrying our luggages because the staffs will do it for us. Kaya naman nagawa kong iyakap ang isang kamay ko sa braso ni Ms. Olivia na bahayang ikinagualt niya. Nginitian ko lang naman siya.




Never Be The Same | Filipino GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon