Chapter 4 : Talk to my hand

14.5K 239 11
                                    

Lyvhie's POV

"Andy..." gising ko sa katabi nang marinig ang doorbell.

"Hmm?" rinig kong tugon nito habang nakasubsob pa ang mukha sa leeg ko at mahigpit din akong yakap yakap.

"Tumayo ka muna dyan. Tignan mo kung sino yung nagdo-doorbell? Aish. Andy ano ba?!" inis na hiyaw ko ng maramdaman ang paghalik nito sa leeg ko.

"Let that stupi–"

"Anong hayaan?! Pwede ba tumayo ka na baka sila Mama yun" palatak ko kasabay nang pag-alis ko ng mga braso nitong nakayakap sakin.

"Urgh!" daing nito bago napipilitang tumayo sa kama.

Nakapikit pa rin siya kaya pader ang sumalubong sakanya imbis na pinto ng banyo.

"Ouch! What the fuck!" inis na inis nitong hinihimas ang noo niya habang nakatingin sa pader na pinagbungguan nito kanina. Pagalit pa nga nitong sinipa ang parteng iyon ng pader bago pumasok sa loob ng banyo.

Kagat labing pumikit naman ako para pigilan ang sarili sa pagtawa pero infairness ang cute niya dun. Pinili ko nalang ding muling magtalukbong ng kumot dahil antok na antok pa talaga ako tsaka ramdam ko pa rin yung sakit ng buong katawan ko.

"Hon come on, wake up" pang-iistorbo sakin ni Andy habang pinauulanan din nito ng mumunting halik ang nakaexposed kong balikat dahil nga sa nakasando lang ako.

"What?" medyo antok ko pang tanong.

"May bisita ka" sagot nito at hindi pa iyon rumehistro ng maayos sa utak ko.

"Hmm~" tanging naisagot ko na lamang dahil sa sobrang kaantukan.

Narinig ko naman ang mabining pagtawa ni Andy pero maya maya'y nangunot nalang bigla ang noo ko ng maramdaman ang mainit na bagay na humahaplos sa mga binti ko. Nagmulat ako ng mata at tumingin sa taong iyon. Magandang nakangiting mukha ni Andy ang sumalubong sakin.

"Hi" sambit nito na nagpagising ng natutulog ko pang sistema. Mabilis pa sa alas kwatro ko itong itinulak dahilan para mahulog siya mula sa kama.

"Fuck!" rinig kong daing nito sa lapag.

Mabilis naman akong pumunta sa gilid ng kama para silipin si Andy sa sahig. Napangiwi ako nang makita itong mariing nakapikit habang hawak hawak ang balakang niya.


Omg...

"Did I pushed you so hard?" nagmulat naman ito ng mata at sinamaan ako ng tingin kaya wala sa oras akong napalunok ng ilang beses.

"What do you think?" ngayon wala ng emosyon ang mukha niya pero nahihimigan naman ang pagkainis sa boses niya.

"Uhm. Did I hurt you that bad? I'm sorry" sensiridad kong paghingi ng tawad. Umayos ito nang pagkakaupo sa sahig habang mahinang nagmumura sa sakit ng pagkakahulog niya kanina.

"Yes and I don't accept a simple sorry, Lyvhie" seryosong turan nito kaya wala sa oras na napaayos ako ng upo sa kama.

"Huh? Eh ano?" kinakabang tanong ko dahil sa hindi magandang kutob sa sasabihin nito.

Tumitig ang magagandang pares ng mata niya sakin habang wala namang emosyong mababasa sa mukha niya. Paano niya ba nagagawa to? Pati mata niya marunong magtago ng emosyon.

"Give me a kiss.." kapagkwang sambit niya na nagpatameme sakin.

"A-Ano?" ayaw pa yatang rumehistro sa isipan ko ang binigkas nito.

Never Be The Same | Filipino GxG حيث تعيش القصص. اكتشف الآن